The Story Of Us**Book2**Part 3..


…She BeLongs To Me !!!

Ella’s POV..

Bitbit ang mga pinalengke ko ng sa wakas ay narating ko ang bahay nina Jed.Bumili muna ako sa palengke ng pang tinolang manok, paborito yun ni Jed at balak kong lutuan sya..
Diko na sinabing pupunta ako sa house nila alam kong mag aaway lang naman kami!

Hindi ako nag abalang kumatok since nakita kong bukas yung pinto..Sa ganda kong to alangan namang mapagkamalan pa akong magnanakaw tsaka isa pa simula ng naging kami ni Jed welcome na welcome na ako sa bahay nila,pati si Tita Zia knows ko na rin at ilang beses na rin kami ng bond..

Sya nga pala,yung tungkol sa family ko naman,dahil sa kasipagan ng parents ko nakapagpatayo narin kami ng sariling restaurant at may mga tagasilbi narin sina Mama at Papa,si Bryan naman sa dating school namin ni Jed nag aaraL.. Bully sya sa school na yun dahil balak nyang sundan ang mga yapak ni Jed bilang basagulero๐Ÿ˜๐Ÿ˜..

Close narin sila ni Jed at magbayaw pa nga ang tawagan nila each other eh..

And back to me sa mga oras na to ..

Pumasok ako sa bahay at tinungo ang kusina, binuksan ko ang ref nila..at nilagay ko dun ang manok tsaka nagdesisyon na akong tunguhin ang room nya..

Isusurprise ko si Jed kahit magalit pa sya !!..

Hindi na naman nakasara ang pinto ng room nya kaya agad akong pumasok..Napangiti ako ng makita si Jed na nakatalukbong ng kumot ang buong katawan..Nakapatagilid pa ..

May pilyang ngiti na sumilay sa aking mga labi then sumampa ako sa kama at sinakyan ko si Jed.. Nakalimutan kong may sakit nga pala sya,,, Namiss ko lang naman sya ng sobra!!!

Pero nagulat ako ng biglang napabalikwas ng bangon si Jed na naging dahilan para mahulog ako sa kama,napasalampak ako sa sahig at bahagya pang tumama ang likod ko sa semento kanina.. Ngumiwi ako sa sakit ,nainis ako..

“,Ano ba ! “,Sigaw ko,parang naglalambing lang eh..

“,ELLA!Anong ginagawa mo dito???!”,

Nanigas ang leeg ko ng biglang isinungaw ng pintuan si Jed mula sa labas ng kwarto!Teka hindi si Jed ang nasa kama?At sinong bwisit ang sinakyan ko ????!!!!

Bigla akong nakaramdam ng hiya!ibang tao ang sinakyan ko kanina?kaya naman pala mukhang nagulat din ito at inihagis ako sa floor..Pinamulhan ako.. hihingi sana ako ng tawad subalit hindi ko yun nagawa ng makita kong nakatayo na sa harap ko ang taong sinakyan ko kanina..

Kinilabutan ako when i saw him ! Nakangisi sya sa akin..

“,Anong ginagawa mo dito ????!!!”,sabi ko,mataas ang tono..

Nagtatakang nilapitan ako ni Jed at inalalayang makatayo,inabot ko ang kamay ni Jed at sinikap ituwid ang tayo ko,hanggang dito ba naman sinusundan ako ni Mr.Blue Eyes?Nawala tuloy ang hiya ko kanina,napalitan yun ng inis…

“,Magkakilala kayo???”,takang tanong ni Jed,nagpalipat lipat ang tingin sa amin..Sasagot sana ako ng HINDI subalit inunahan ako ni Mr.Blue Eyes..

“,Yup!”,he said,lalong lumuwag ang pagkakangiti nya..”,ilang beses lang naman nya akong nilibre ng kape “,

“,How dare you !”,sigaw ko.Apaka sinungaling naman nito,sino ba to?bat nandito to sa bahay ni Jed?ah..baka akyat bahay lang..bkit hindi pa sya binubugbog ni Jed ??

“, Cut the Crop..Kyle ! Shes my girlfriend ..”,naninimbang ang mga matang tiningnan ni Jed si Kyle..ah Kyle pala pangalan nya ah ..

“,I know.. “,parang wala lang kay Kyle ang sinabi ni Jed at hindi manlang nya inaalis ang tingin nya sa akin,higit sa lahat hindi nawawala ang pagkakangising aso nya.. “,Jolina..right???!”,

Napakagatlabi ako .. naalala ko nung sinabi kong Jolina ang pangalan ko,weah eh bakit alam ko bang magkikita pa kami ng kumag na to??hmpp!

“,Her name is Ella.. “,pagtatama ni Jed..

Napa “oohh.. naman si Kyle !..”,oh i thought its Jolina since yun ang pakilala nya sa akin???”,

Ayy bwisit pinapalala nya pa talaga ang sitwasyon,hindi na nga nag usisa si Jed kanina eh..tanga naman ng isang to,hmpp!kaasar..

Bagamat parang wala lang kay Jed ang sinasabi ni Kyle ay makahulugang tinitigan nya ako,,naguguluhan ang mga mata na sinulyapan ako ni Jed.. warning yun na kailangan kong magpaliwanag sa kanya mamaya tungkol sa sinasabi ni Kyle..

“,Well..well..well..dahil mukha namang walang balak si Jed na ipakilala ako,so..ako na ang magpapakilala .. Im Kyle,,, pinsan ako ni Jed “,

Hindi ako makapaniwalang magpinsan silang dalawa.. bat ba ang liit ng mundo,ang taong kinaiinisan ko,pinsan ng lalaking mahal ko,great!!!mukhang mahihirapan akong pakisamahan to..

Iaabot sana ni Kyle ang kamay nya ngunit sinampal yun ni Jed… “,Yes..hes my cousin,sa kasamaang palad… “,

Pagkatapos bumaling sa akin si Jed at hinapit ang beywang ko at kinabig papalapit sa katawan nya.. Gusto ko sanang magpumiglas dahil may ibang tao roon kaso mabilis na pala akong nahalikan ni Jed sa mga labi “,I love You..,”,bulong nya.. Kilig to the bones na naman ang lola nyo..

Narinig kong tumikhim si Kyle.. Pagkatapos binalingan sya ni Jed ng tingin.. pagkatapos ay nginisian din nya si Kyle.. Nailang ako sa titigan nila,,parang nagpapainggit si Jed kay Kyle..

Pero bakit naman ????!!!

****

Nasa kusina ako sa mga oras na to dahil iniwan ko ai Jed at Kyle sa sala..Naiinis ako sa kanila,palagi silang nagkokontrahan sa bawat mga salitang lalabas sa bibig nila..

Tulad ngayon,nag aagawan na naman sila ng remote dahil gusto ni Jed na manood ng Basketball samantalang gusto naman ni Kyle manood ng anime ! Ewan ko sa kanila pareho yata silang may galit sa isat isa! Kaya sa inis ko nagluto na lang ako tulad ng gagawin ko naman dapat..

Sinermunan na ako ni Jed kanina nung nakapagsolo flight na kami,sinabi nyang sinipon lang naman sya at kaya wala sya kanina ay bumili sya ng Gamot.. Ang sabi nya sa susunod ay magpaalam naman ako kapag pupunta ako ulit sa bahay nila ng sa ganuon ay hindi na maulit ang insidente kanina.. kung saan napagkamalan kong sya si Kyle.. eh ano namang malay kong may ibang tao pala dto sa bahay nila,di naman ako na inform na may pinsan pala syang Mongoloid,,at ang worst nakatira dito sa bahay nila..malay ko ba??edi sana kung alam kong si Kyle yung nakahiga sinakal ko nalang sana sya keysa sakyan,hmp!

Naiinis ako sa Kyle na yun ! Nakakainis sya..

“,Mukhang masama ang loob mo ah !!!”,

“,Ayyy..kabayong bundat !!”,nagulat ako ng biglang sumulpot mula sa likuran ko si Kyle..
Magpunas nga sila ni Jed,pinaglihi sa kabute na kung saan saan nalang sinusulpot..

“,I guess hindi naman giniling yung niluluto mo,right??!”,nakatingin sya sa hinihiwa kong papaya ..

Ayyy shit !!

Sa sobrang inis ko kay Kyle kanina inisip kong sya yung papaya kaya hayun,Natadtad ko na pala..poor papaya,,,imbes na pang tinola magiging giniling pa yata tong niluluto ko ah ..

Eh sino bang may kasalanan?eh itong Kyle lang naman na to, bwisit sya !!

“,Are you sure..kaya mo ng magluto nyan??”,tudyo nya?

Hinihiling ko na sana biglang sumulpot ulit si Jed..naiilang ako sa prescence ni Kyle,,pero pucha..mukhang nalilibang na si Jed sa panonood ng Basketball.. malamang,kasi andito yung kaaway nya,mukhang sinamantala nyang wala si Kyle sa tabi nya ng sa ganuon ay masolo nya ang Tv..hmp!at ako naman ngayon ang aasarin ni Kyle..ganun??!

“,You know what..i Can Help You”,

Putya naman eh,,kaya ko ang sarili ko!!diman HRM ang course ko pero tinuruan ako ng papa at mama ko kung paanu magluto,at diko need ang tulong ng iba, specially kung si Kyle lang din ang tutulong…

“,Hindi na kelangan .. “,sagot ko,nag pout sya ng lips,Nagbalat nalang ako ulit ng panibagong Papaya..this time sana wag ng pumalpak ..

“, You know what,,since birth ay may sama na ako ng loob kay Jed kaya naman kaylangan kong tulungan ka sa pagluluto para naman malagyan ko ng lason yung kakainin nya “,tapos ay humalakhak si Kyle..ng mapansin nyang hindi naman ako natutuwa sa sinabi nya ay binawi din nya yun “,Just kidding … “,

Tama!dapat lang na nagbibiro lang sya,dahil kung seryoso man sya sa sinabi nyang yun,baka ako pa mismo maglagay ng lason sa kakainin nya,,subukan lang nyang pagtangkaan si Jed.. babalatan ko sya ng buhay…

“,Ganu na kayo katagal ni Jed ?!”,maya mayay tanong nya..Sumandal lang naman sya sa ref at mukhang sa pustura nya,mukhang papanoorin lang nya ako sa ginagawa ko..

Nakatalikod ako sa kanya pero feeling ko may kung anung mabigat na bagay ang nasa likuran ko,alam ko kasing hinahagod ni Kyle ang kabuuan ko..at naiilang na naman ako..

“,Two years na kami “,,at talagang inentertain ko pa sya hah !

“,So..wala pa kayong balak mag break???!”,

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya,nagbibiro na naman ba ito ?? Well hindi na sya nakakatuwa.

Kung titingnan mo naman si Kyle mukha naman syang formal pero kapag nag umpisa ng bumuka ang bibig nya,ay grabe nakaka turn off na !!!

“,Hindi kami magbe’break noh.. “,

“, Really??.. kahit na,sabihin ko sayong may gusto ako sayo ???”,

“,Awwwww!!! “,Napatili ako ng dahil sa gulat ko sa sinabi nya ay nahiwa ko ang isang daliri ko,mabilis na kumalat ang hapdi at kirot kasabay ng pagsirit ng dugo.. Oh my !! Bat ba kase naapektuhan ako sa sinabi nya..

“,Are you okay ???”,mabilis na lumapit sa akin si Kyle upang tingnan ang kamay ko,,hahawakan nya sana yun kaso biglang nagsalita si Jed mula sa likuran namin..

“,Back Off,Kyle .. “,banta nya kay Kyle,parang sinasabi nyang walang karapatan si Kyle na hawakan ang kamay ko.. biglang napaatras si Kyle.. may konting awa akong naramdaman..

“,Hindi ka talaga nag iingat kahit kaylan “,sabi ni Jed..

Napasinghap ako ng bigla nyang isubo ang daliri kong may sugat at sinipsip ang dugo nun..

“,Mahapdi pa ba?? “,maya mayay tanong ni Jed ng medyo humupa na ang pagsirit ng dugo..

“,Ohh.. “,may inabot na band aid ai Kyle,,hindi na sya tumitingin sa amin ngayon,nahiya naba sya kay Jed??

Sa kabila ng hapdi sa paglalagay mg band aid ni Jed sa daliri ko ay diko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Kyle kanina,,pero hindi ko naman yun seneryoso or hindi ko dapat seryosohin dahil alam kong nagbibiro lang naman sya.. pero bkit ako naapektuhan??

Napatingin ako sa gwapong mukha ni Jed,, eksakto namang nag angat sya ng mukha at nagkatitigan kami… Ngumiti si Jed sa akin at lalong naging singkit ang mga mata nya,Apaka gwapo ehhh !!!

Bat ba ako nag iisip ng kung ano ano?? Eh alam ko namang 100 percent na mahal ko tong taong to?At hindi ako mag che’cheat sa kanya noh.. sana !

“,So.. dahil may sakit nga pala ako,,kelangan ko parin ng gamot “,nakangiting sabi nya maya maya.. “,i need your Yakapsule at Kissperin..kung gusto mo naman Biogesex nalang hahaha ..awwwwtsss!!!”,

Kinurot ko ang pisngi nya “,akala ko ba sipon lang??sige ka..a overdose ka kapag pinag sabay sabay ko yun haha !”,sinakyan ko na lamang sya sa kapilyuhan nya.. dahil hindi naman sya makaka score ngayon dahil meron yung pinsan nyang kanina pa nakamasid sa amin..

Well ! Mamatay sya sa inggit!!!


/> At ang magiging Cause of death nya ay Diabetes.. kasi mamamatay sya sa kasweetan namin hahahaha !!! …

****Chapter 3

Sa wakas.. nagkaroon na ako ng kapayapaan,wala ng Kyle sa coffee shop na manggugulo sa akin,dahil hindi ko nakita ang anino nya.. at masaya ako dahil duon,kampante na ako isa pa mukhang makakapagtrabaho na ng maayos ang malanding cashier dahil wala ang inspirasyon nya..

Hay ! Ang sarap talaga mabuhay kapag walang surot sa paligid..

Habang papalapit ako sa building ay medyo pakendeng kendang pa ako,ang saya ko dahil magaan ang pakiramdam ko,maaliwalas ang panahon at mukhang nakikiayon iyon sa kung anumang mood meron ako..

Excited na akong pumasok sa pangalawa kong subject,, nakangiti pa ako pagpasok ko subalit bigla iyong napalis ng may mahagip ang mga mata ko …

Isang lalaking may kulay blue na mga mata ang awtomatikong napatingin sa akin pagpasok ko,ng makita nya ako ay kumaway pa sya sa akin..

Bahagya akong napaatras at tiningnan ang room na kinaroroonan ko upang tingalaain ang nakasulat duon,, Teka tama naman ang napasukan ko pero parang may mali???

Anong ginagawa ni Kyle dito ??

Nagtatakang pinagpatuloy ko ang pagpasok at umupo sa isang bakanteng upuan na mas malayo kay Kyle..pero dahil bwisit sya ay lumapit sya at pinaalis nya yung isang estudyante na nakapwesto sa likuran ko.. ano n naman kayang paandar nya??

“,Hi.. “,sabi nya ng makaupo sa likuran ko..

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ang preskong hininga nya,

“,Nag shift ako para sayo..para mabantayan kita!”,

Ano daw???

Bigla ko syang nilingon pero pinagsisihan ko yun ng sa paglingon ko muntik magsalubong ang mga labi namin,,we almost kiss kundi lang mabilis akong napalayo ng bahagya sa kanya..

Bat ba kasi ang lapit ng mukha nya sa akin?Gustong gusto ko pa naman sana syang sigawan kanina para sabihing hindi naman nya ako kayang bantayan isa pa diko kaylangan ng bodyguard pero napanis lang lahat yun at naiwan sa ere dahil medyo na tense ako sa eksena..

“,I told you..i like you at walang makakapigil sa akin nun..not even Jed..magsyota palang naman kayo,,mag asawa nga naaagaw pa .. “, bulong nya sa tenga ko !

Hindi ako makasagot ! At siguradong lagot na,bat ako nakakaramdam ng mga ganuong klaseng pakiramdam?

No !

Nilalapastangan ko si Jed ! Hindi maari ..

At nagpasalamat nalang ako ng biglang dumating si Prof.. medyo nakahinga ako ng maluwag upang sa isang saglit mapakalma ko naman ang aking sarili ..

..
Tatlong araw ang lumipas ng biglang magpaalam si Jed sa akin,nagkasakit ang Papa nya at hiniling nitong makita sya,alam kong galit si Jed dito pero sabi ko nga,si Jed ang klase ng taong matapang lang sa panlabas ngunit soft inside naman sya.. ilang beses muna syang nag isip bago sya nagdesisyon na puntahan na lamang ito,at proud ako sa kanya dahil na overcome na nya ang galit nya dito..

Kahit gaanu pa kagalit ang isang tao sa kanyang ama kapag dumating sa point na magkasakit ito or kaylanganin ka nya,mawawala ang lahat ng galit mo lalo na kapag nakita mong naghihirap na pala ang Papa mo sa hospital,thats why.. proud ako kay Buko..

At kung tungkol sa school nya ang pag uusapan,eh.. Bahala na si BATMAN !!

***

ANG mga araw na wala si Jed ay naging tila nakakaboring para sa akin,palagi naman syang nag tetext sa akin at tumatawag subalit hindi pala yun sapat,mas masaya parin pala talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo noh,at ngayon ko lang nalaman na mahirap pala talaga ang feelings ng mga LDR..

Pero kahit ganuon pumapasok ako sa school kahit na miss na miss ko na sya..Si Kyle?ganuon parin..walang palya sa pangbubwisit sa akin,minsan may pa pick up lines pa nga sya at ilang beses narin akong natatawa sa kakornihan nya,,..Sa college kahit saang upuan pwede kang magpalipat lipat pero si Kyle palaging umuupo sa likuran ko ,,mga dahilan kong bakit di ako nakaka concentrate ng maayos.. gayunpaman minsan kapag nasa tabi ko sya pansamantala kong nawawala sa isip ko si Jed.. bussy kasi kami lagi ni Kyle,bussy sa pag aaway ! Minsan nagkaroon kami ng debate at nagkakapersonalan kami.. pero sa huli kahit nanalo ako sa debate ay feeling ko ay talo parin ako,palagi kasi akong pikon sa kanya eh..Eh diba nga may kasabihan na Pikon Talo daw???!

***
Isang Linggo ang lumipas at nagbago ang lahat!!

Ilang araw ng walang paramdam si Jed sa akin,
Ni hindi na tulad nung unang mga araw nya sa Maynila ay nagttawagan pa kami ! Sa ngayon hindi na at Cannot be reached na sya.. hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala sa kanya..

Ano ng nangyari kay Jed?Nagkaproblema kaya sila ng Papa nya?may nangyari kayang masama dito ?? may nakilala na kaya syang iba bukod sa akin?mas maganda?sexy..at mas matalino??

Pinunas ko ang luha sa aking mga mata sa mga kung ano anong naiisip..bat ba kasi,hindi manlang magparamdam si Jed sa akin?malaman ko lang naman na okay sya ay magiging okay narin ako ..huhu..

Simula ng araw na wala ng paramdam si Jed sa akin ay nagsimula akong mawalan ng interes sa mga araw Araw na ginagawa ko,
Humina akong kumain,madalas hindi na ako nakakatulog kakahintay ng tawag or text nya..
at nagka eyebag na nga ako eh,ang malala,,wala n rin akong ganang pumasok kasi di ko nasasaulo yung mga pinag aaralan..Palagi ring si Kyle ang sumasalo ng mga hinanakit ko kay Jed..sinasabihan ko sya ng mga masasakit,pang iinsulto ..hayun naman sya,sinasakyan nya lang.. Sa totoo lang may mga pagkakataon na gustong gusto ko ng umiyak sa balikat ni Kyle pero pinipigil ko lang ang sarili ko kasi hindi naman kami close.. Gusto kong may isang tao na makinig sa akin sa mga drama ko sa buhay.. kung sana lang kasama ko sina Iya at Jecca ngayon madali lang sana..kaso ay hindi..magkakaiba na nga pala kami ng tinahak ngayon at hindi naman dapat na lagi ko silang idamay sa mga kadramahan ko,isa pa alam ko naman na may mga prinoproblema din sila ngayon..kaya di bale na ,sosolohin ko na lang..

Tumingin ako sa bintana,,gabing gabi na at malakas pa ang ulan sa labas..bahagya pang lumalakas ang kulog at manaka nakang pagkidlat .. Nakikisama na naman ang panahin sa pighati ko ,,kapag ganuon pa naman ang panahon lalo ko syang na mi miss…

Muli akong tumingin sa phone ko at gigil na kinausap yun “,Kainis ka talaga !!! Niregaluhan mo pa ako ng phone tapos di ka naman tumatawag ! Hmmp ! “,,Sunod kong tiningnan ang relo ko na regalo nya sa akin nung pasko kung saan sinagot ko sya “,Tapos niregaluhan mo pa ako ng relo wala ka naman palang time sa akin..hmp!itapon ko pa to eh !!!!!”,,

Tok tok tok !!!

Napapitlag ako ng biglang may kumatok sa pinto..Ano ba naman sinisira na naman ang pag momoment ko eh,kaasar!Inis akong tumayo sa kama at nagpapadyak na tinungo ang pinto ,,sino bang sira ulong to na bubwisita sa akin ng ganitong oras sa ganito kasamang panahon?maluwag siguro ang turnilyo —-!!

“,Jed ???!”, nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalaking kay tagal ko ng inasam na makasama.. “,,ano —hmmmp!!!”,

Biglang hinatak ni Jed ang kamay ko at niyakap nya ako..Great! Hinayaan nya rin akong mabasa sa ulan,pero okay lang..di pa naman ako naligo eh..

“,I miss you.. “,bulong ni Jed sa pagitan ng mahigpit na pagkakayakap,medyo inubo pa ako dahil masyadong mahigpit ang yakap nya at pakiramdam ko sinasakal nya ako..parang katapusan naman na ng mundo kung makayakap ito..pero di ako nagreklamo,miss ko rin sya..sobra!

Nawala lahat ng agam agam ko sa yakap nya na yun.. Thanks G,nakabalik sya ng ligtas sa akin..

Then after nya akong sakalin este yakapin ng mahigpit ay hinawakan nya ang Mukha ko,ikinulong sa palad nya ..ilang minuto din nya akong tinitigan na parang kinakabisa ang bawat parte ng aking mukha,,ganun naba nya ako kamiss para umakto sya ngayon ng weird?

Pagkatapos haplusin ni Jed ang mukha kong cute ay tsaka nya idinampi ang mga labi nya sa akin.. Heaven !

I miss him so Much ! And that award winning Kiss !! Sa tuwing ginagawaran ako ni Jed ng halik ..palagi yung tila ba first kiss sa akin,so special!

At wala akong ginawa kundi magparaya,

At saksi ang kulog,kidlat..at ang malakas na pag ulan sa kung paanu napalitan ng pagmamahal ang puso ko mula sa kaninay inis ko sa kanya..

Hindi naman biro maging Marupok,lalo na kung ang magiging boyfriend mo ay magaling humalik.. ๐Ÿคญ๐Ÿคญ๐Ÿคญ๐Ÿคญ..

***

Ginising ako kinabukasan ng sunod sunod na pagtunog ng alarm ko..May pasok nga pala ako..

Tatayo na sana ako sa kama pero may biglang humawak sa kamay ko upang pigilan ako…

“,Wag ka ng pumasok.. mag bonding nalang tayo maghapon “,,pilit akong pinapabalik niJed sa kama..hinahatak nya ang kamay ko,kasama ko nga pala sya buong gabi..

“,Ano ba Jed,kaylangan kong pumasok,hindi naman na tayo high school para mag’skip ng klase diba??”,

Alintamad na umupo si Jed sa kama at pumwesto sa likuran ko..Niyakap nya ako ng patalikod.. ayiih kiligness na naman !

“,Pako.. sige na,na miss lang naman kita eh,ngyon lang naman.. “,

Sa totoo lang kagabi pa ako na wewerduhan sa kanya,parang umaakto naman syang bata ngayon,may nangyari kayang hindi maganda sa kanya sa Maynila at tila ba nagbago ito?sobrang sweet naman na nya or ganuon lang nya ako mamiss???

“,Manood tayo ng sine ??panuorin natin lahat ng gusto mo..ikaw pipili ng Movie tapos hindi ako magrereklamo.. “,

Natawa ako sa hindi makapaniwala sa sinabi nya …

“,Then..pumunta tayo sa perya..Papasok sa haunted mansion,manonood ng pa’fireworks ni Mayor..ililibre kita ng scramble..magtataya tayo at siguruhin kong mananalo na tayo ng malaking teddy bear tulad ng gusto mo dati..”, biglang gumaralgal ang tinig ni Jed..Umiiyak ba ito??

Naalarma ako at hinarap ko sya.. Pinupunas nya yung mga mata nya upang siguroy hindi ko makita ang mga luha nya,pero huli na..nakita ko na..

“,Umiiyak ka ba??”,,i asked..nag aalala..

“,No…”,suminghot pa si Jed “,napuwing lang ako..”,

Hindi ako kumbinsido sa sagot nya alam ko yun,may kakaibang nangyari kay Jed..hindi sya aakto ng ganito ka weird kung wala..at dapat ko iyong malaman..

“,Jed may nangyari ba sayo sa Maynila??”,

Sa halip na sagutin ay niyakap ako ni Jed..”,wala noh..i just missed you so much,thats why niyaya kitang mag’bond kasi nga diba.. you know,..ilang days din tayong di nagkita.. “,

Hinagod nya ang likod ko at na’relieved ako sa sagot nya.. ah siguro gnun nga..na miss lang nya siguro ako.. eh ano pa nga ba magagawa ko?na miss ko rin naman sya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lamang..

Syempre ! Sa isang kondisyon …

SASAKAY KAMI SA FERRIS WHEEL..AHAHA!!

To be continued kapag sinipag na ulit si writer hahahhahaha !!






Share On Whatsapp

"10" Comments
  1. Cristina bonete

    nabitin ako maganda na ang kwento

  2. Meron na po ksunod nyan wait Lang po natin approval.. Mwah!

  3. next na poโ˜บ๏ธโ˜บ๏ธ

  4. pls nkkabitin ..maganda na yong kwento

  5. exciting nabitin ako pls maganda na yong kwento

  6. nxt please

  7. wait Lang haha

  8. next na po pls kakaexcited pls pls pls

  9. next na

  10. next po please

Leave a Reply


top