THE VAMPIRE ACADEMY Chapter 1


AUTHOR:KATHLY
GENDRE:FANTACY,ACTION
Vampire Academy
CIERA SANCHEZ
“Hija, dalhin mo ‘to. Dapat araw-araw mo yang dalhin sa oras na makakarating ka na sa bahay ng mga Maiven. Wag na wag mo yang iwala.” sabi sa kin ni lola sabay abot sa kin ng pendant niyang may cross sa gitna. Inaayos ko yung mga gamit ko. Pupuntahan ko na kasi sila Mama at Papa sa bahay ng mga Maiven kung saan sila nagtratrabaho. Tinawagan kasi ako nila, dalawang linggo na ang nakalipas. Lilipat na raw ako sa kanila at pumayag din naman ang mga Maiven dito. Matagal na kasing nagtratrabaho dun sina Mama. Sabi pa nga nila, ang mga Maiven daw ang magpapaaral sa kin.
“Ikaw naman, lola. Hindi naman ako papatayin dun.” natatawang tugon ko sa lola ko nang binigay niya sa kin ang pendant.
“Hija, hindi mo alam kung ano papasukin mo. Basta, suotin mo yan. Mag-ingat ka.”
“Opo, lola. Wag kang mag-alala, nandun naman sina Mama’t Papa.” tumayo na ako matapos kong ayusin ang lahat.
“Sige ho, ingat din kayo. Nandiyan naman po si Ate Ria para alagaan kayo. Alis na po ako.” nakangiti kong tugon sa kanya at kumaway pa rito. Tuluyan na nga akong lumabas sa bahay namin.
“Salamat ho talaga, Mr. and Mrs. Maiven, pinayagan niyong dito makitira si Ciera, ang anak namin.” sabi ni Eliza at ni Herbert Sanchez sa mga Maiven. Ang totoo niyan, matagal na silang nagtratrabaho sa mga ito. Mahigit dalawampung taon na rin, bago pa man isilang nila si Ciera. Kaya naman kilalang-kilala na nila ang mga Maiven.
“Ano ba kayo, Eliza, okay lang. Saka, this is a reward for your loyalty. And I’m expecting that sana maging kaibigan ni Stephen si Ciera.” nakangiting...


tugon ni Mrs. Maiven sa kanila.
“Salamat ho talaga. Maya-maya po, darating na si Ciera.” puno naman ni Herbert.
“Wow. Ito pala ang bahay ng mga Maiven? Parang palasyo.” namangha ako sa nakita ko. Sobrang laki ng bahay nila. Sa mga Maiven talaga ito? Tapos napakatahimik, parang sila lang ang nakatira rito. Wala naman akong nakikitang may kapitbahay sila.
“Oo nga pala, manong, ito ho ang bayad.” sabi ko kay manong driver at inabot ang bayad. Muntik ko ng makalimutang bumayad ah. Hindi kasi ako makapaniwala na ganito kalaki ang bahay nila.
“Diyan ka ba pupunta hija? Sige, mag-iingat ka.” sabi naman sa kin ni manong at pinaandar kaagad yung taxi. Bakit kaya? Bakit palagi nila akong binibilinan na mag-ingat? Ano bang meron sa mga Maiven?
Nagulat na lang ako na sa pagbukas ko ng gate, hindi ito lock. Wala man lang bodyguard na bumabantay. Hindi ba sila nangangamba na baka manakawan sila? Wala pa namang nagbabantay sa labas.
Ang tahimik naman dito. Nakakakilabot. Nasaan na kaya sina Mama?
Binuksan ko kaagad yung malaking pinto sa harap ko. Nabigla na naman ako sa nakita ko sa loob. Isang hallway. Ano ba ‘to? Maze?? Baka dahil sa sobrang laki, mawala ako. >__< "S-sino ka?" napatingin ako nang may biglang nagsalita. Sa di kalayuan, may nakita akong lalake. Siguro, isa rin siyang Maiven. Mabuti na rin para makapagtanong na ako kung nasaan na sina Mama. Napapansin kong papalapit na siya ng papalapit sa kin. Aaminin kong perpekto ang pagkakahugis ng mukha niya. Para siyang anghel. "Ah, gusto ko lang naman tanungin kung---" Hindi ko naipatuloy ang pagsasalita ko nang bigla niya akong itinulak kaya naman napasandal ako sa pader, sa pagitan ng dalawa niyang braso. NEXT or DELETE






Share On Whatsapp

"2" Comments
Leave a Reply


top