THE WIFE CHAPTER 10


“Tumayo ako at nilapitan sila Rex”
Rex! gusto kong sumigaw pero nagpakahinahon ako ayaw ko ng eskandalo nasa public place kami.
Shane nagulat ako bakit ngayon ko pa sya nakita dito pa talaga sa restaurant kong kailan pauwi na ako!..
Andito ka lang pal—
Tito dada i want spaghetti please
What!? dada! anak ni Rex ang batang nakita ko sa mall! anak nila ni Mica?
“Ahmm honey.. excuse me punta lang ako ng comfort room”
Tuloyan ng sumiklab ang galit ko! pagkarinig ko ng boses ni Mica dinampot ko ang table knife sa mesa na panghiwa ng steak at sinundan ko si Mica sa comfort room
Hindi pa ako nakakapasok ng cr may braso ng pumulupot sa bewang ko
Shane anong gagawin mo!
Bitawan mo ako Rex!
No gusto mo bang maging mamatay tao ka! pagnapatay mo si Mica sa kulungan ang bagsak mo!
Habang nagsa-salita si Rex ng pabulong akay-akay niya ako papuntang parking lot! Isinakay niya ako sa kotse hindi ako makapagsalita sobrang sikip ng dibdib ko iyak lang ako ng iyak..
“Baba na wife andito na tayo”!
Napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Rex.. wife!!! h*yop ka may lakas ka pa ng loob na tawagin akong asawa!!!?
Shane makinig ka magpapaliwanag ako na–
Na ano Rex! isang buwan ka nawala nagpa-pakasasa! ka sa kandungan ng babae mo! habang ako andito sa bahay nag durusa! gabi-gabing umiiyak! Iniisip kong nasaan ka na! kong humihinga ka pa ba! halos mamatay-matay ako sa pagaalala Rex! Andun ka lang pala sa babae mo kasama ang anak mo! Minsan ba habang yakap mo si Mica? sumagi ba ako sa isip mo? na si Shane yong asawa ko kumusta na!?
Shane no don’t think—
Sh*t up Rex please sh*t up!! please tama na! sobrang sakit na para mo na rin akong pinatay!! ng paulit-ulit sa mga kasinungalingan mo pinamukha mo sakin...


kong gaano mo kamahal si Mica! na kahit dulo ng daliri niya ayaw mong masaktan! pero akong asawa mo ok lang na masaktan! hindi mo maipagtanggol ikaw pa ang gumagawa ng paraan para masaktan ako! hu hu hu! ano bang pagkukulang ko!? hindi ba talaga ako karapat dapat mahalin!?
Shane I’m sorry im so sorry! hindi ko alam paano patahanin si Shane nakaupo sya sa sahig humahagulhol ng iyak kong alam ko lang naaabot sa ganito sana noon pa lang kinausap ko na si Shane ng maayos.. Shane di ba sabi ko sayo bago ako umalis magtiwala ka sa akin ng maayos natin ang pagsasama natin…
Magtiwala! h*yop ka Rex! magtiwala? ako pa dapat ang magtiwala sayo!? pagkatapos ng lahat ng kah*yupan na ginawa mo! Iyan lang sasabihin mo sa akin magtiwala ako sayo!!?
“Shane please listen to me! Please wife! listen to me! hear me out”!?
Diyan ka lang aaahhh!!!! hik. hik..hik parang awa mo na! diyan ka lang wag kang lalapit sa akin! Nandidiri ako sayo! pero alam mo kong ano yong mas nakakadiri! yong sarili ko nagpagamit ako sayo! Kahit alam ko na may babae ka! kasi akala ko maayos ko pa itong pagsasama natin! pero hindi na kasi ikaw na mismo ang gumawa ng dahilan para k*muhian kita! hu.hu.hu
“No Shane mali ka ng iniisip mo mahal na mahal kita wife please listen hear me out”!!
No! Rex hindi na ako magpa-pauto sayo! Pagod na pagod na ang katawan ko na hanapin ka durog na durog na ang puso ko sa lahat ng sakit na binigay mo! hindi ka pa ba masaya!??
na yong babaeng pinahihirapan mo sumusuko na!
Shane wife ma–
Ito naman ang gusto mo diba ang sumuko ako at pakawalan ka! binibigay ko na Rex ang kalayaan mo na matagal mo ng hinihingi!…
A/N bukas na lang yong iba kakangalay magtype






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top