“Master Jiro, hindi nyo naman po kailangang mag alala para kay Chad. ” humahabol na saad ni Chairyl(kairil) sa malalaking hakbang ni jiro papasok sa mansyon.
“at bakit hindi. ” matigas na saad ng binata tsaka lumiko para pumunta sa office ng Ama.
“ilang beses na pong napatunayan ni Chad ang Husay nya sa harap nyo. ” pag papaunawa ng babae na patuloy sa pag sunod.
“Ako ang boss nya kaya dapat ay nag papaalam sya kung aalis sya! ”
Hindi na umimik pa si Chairyl dahil alam nyang galit talaga si Jiro sa mga katagang binitiwan nito.
“Ijo, ano at humahangos ka? “gulat na saad ng Ama. ” sino sya? ” patungkol ng Ama sa Babaeng nasa likuran nya. ” nasaan si Chadreia? ” nilingon ni Mister Vergara si Borex at Kevin para makuha ang sagot ngunit bigo sya matapos nitong mag kibit balikat ng sabay.
“Kung ganon ay wala sya dito? ” tila nanghina ang boses ng binata.
“ano bang nangyare? “tanong ni Borex.
“Ako si Chairyl, nasa ilalim ako ng pamumuno ni Chad. “pag papakilala nito. ” naka tanggap ako ng mensahe mula sa kanya, para panandaliang bantayan si Master jiro kaya’t nag launch ng Jet ang alpha para ipadala ako ngunit hindi kami nag abot ni Chad. ” paliwanag nito.
“Kapag hindi sya dumating hanggang bukas ng umaga ay patatalsikin ko sya bilang personal na guard ko.” padarag na naglakad si Jiro palabas.
“Nasan kaya sya? ” tanong ni Mister Vergara.
“Sandali , tatanungin ko si Amoriz. ” ani Kevin tsaka patakbong lumabas para puntahan sa kwarto si Amoriz
Tulad ng sinabi ni Alexa sa kanya hanggang ngayon ay sinusubukan nya pa ding i hack ang satellite pero masyadong malaki iyon kaya’t nahihirapan sya.
“Amoriz! ” ani Kevin pag pasok.
“Busy ako wag kang mangulit. ” ani amoriz habang ñatuloy sa pag tipa ng Keyboard palibhasay walang alam sa mga nangyayari.
” Subukan mong i trace si Alexa. ”
“Bakit?” kunot noo itong nag angat ng paningin kay Kevin.
“Nawawala si Alexa, baka sakaling mahagip ng camera na nahack mo na. ”
“Sige, susubukan ko.” simpleng sagot nito sa kabila ng pag dadalawang isip nya.
‘Walang dahilan para umalis sya, hindi din naman sya kayang kidnapin basta.. Pwera na lamang kung kusang loob syang sumama. ‘
Iyon ang tumatakbo sa isip ni Amoriz.
~
“Binalaan na kita na hindi ako interesado sayo.” Hindi kumilos si Alexa kahit pa tumatakbo na ang lalaki palapit sa kanya.
Naka abang ang kamao ng lalake at puntirya ang mukha ni Alexa habang tumatakbo kaya’t nahulaan kaagad ni Alexa kung saan sya dapat pumunta.
Walang emosyon nyang inilihis pakaliwa ang ulo nya tsaka pinitik ang dibdid ng kalaban, pero tila wala iyong talab kaya’t nag thumbling sya at itinukod ang kamay dahilan para tumama ang tuhod nya sa baba ng kalaban, pero bigo parin sya dahil talagang makunat ang malaking lalaki.
Akmang dadakutin sya ng isa nitong kamay kaya’t gumulong sya sa sahig para hindi umabot ang kamay nito sa kanya.
Ngumisi ang lalaki, “ano seseryosohin mo na ba ang laban ” mayabang na anito.
‘Mukang seryoso sya na lalabanan nya ko. ‘ ani Alexa, nagbuntong hininga muna sya tsaka tumayo para pagpagin ang sarili “sige na, sige na, seseryosohin ko na.” nabuburyong aniya. ” dalawang taon na rin mula ng huli akong makipag mano-mano kaya sige pag bibigyan kita.”
“Hahahaha. ” pinag tawanan sya ng lalake.” ano kaya ang magagawa ng isang patpating babae gaya mo sa maskulado at malaking lalake na nasa harapan mo? ” nakakaloko ang ginagamit nyang tono, na sa palagay nya ay wala talagang kalaban-laban ang babaeng nasa harap nya.
“Wag mo kong mamaliitin. Tandaan mo masakit kaming makapuwing. ” nakangising ani Alexa. “Wag mong isipin na mag pipigil...