The_lost_daughter Chapter_20

Pagkatapos ibaba ni christian ang tawag,ay agad nag iba ang mukha nito..
Im sorry chuchay,sa ibang araw na lang tayo pupunta,sa pupuntahan natin.
May emergency kasi,kailangan kung puntahan..
Ok ok,Pa! At agad nku bumaba nang sasakyan.
Mabilis naman pinaharorot agad ni christian ang kanyang sasakyan.
Nakaramdam naman ako nang lungkot nang makita sa ganun ang itsura ni christian.
Ano kaya ang emergency na yun.
Hanggang sa dumilim na ay hinintay ko parin si christian.
Pero hanggang nag madaling araw na,ay di parin umuwi si christian.
Tuluyan na nga ako nakatulog sa kakahintay sa kanya.
Gumising din ako nang maaga,para tingnan kung umuwi na ba si christian.
Pero wala parin ito,kaya tinanung ko na lang si manang.
Manang flor,umuwi po ba kanina si christian.
Oo iha,pero saglit lang bumalik na rin agad di kana niya ginising dahil ang himbing nang tulog mo.
Nalungkot naman ako nang marinig ko yun sana di na lang pala ako natulog.
Nakita ko sana umuwi si christian,miss na miss ko na siya.
Kahit isang gabi lang di kami na magkasama..
Lumipas ang araw,isang linggo ramdam kong parang nagbago si christian,hindi na ito umuuwi nang maaga lagi narin ito buzy pag nasa bahay.
Kaya minsan natutulog na lang ito sa study.
Hanggang sa araw na nga nang panganganak ko..
Wala sa tabi ko si christian,buzy daw ito.
Owwahhhh owwahhh..rinig ko na ang iyak nang baby ko..
Baby girl miss marichu,agad na sabi nang doktor.
Kinarga ko agad ang baby ko,sobrang saya nang makita at makarga ang baby girl ko.
Ngunit may lungkot din na wala si christian sa tabi nang panganganak ko,at hindi niya agad nakita ang baby namin.
Ma’am kukunin ko po muna si baby ngiting sabi nang nurs.
Ngumiti naman akong binalik si baby,bago ko inabot kay nurs si baby ay hinalikan ko muna ito.
Natulog muna ako pagkatapos,dahil siguro sa pagod at puyat kaya ramdam kung napahimbing ang tulog ko.
Nagising akong nakaramdam na may humawak sa kamay ko.
Nakita ko si christian hawak hawak ang kamay ko na nakayuko.
Christian,mahina kung sabi.
Nang narinig niyang yun ay agad niya binitawan ang kamay ko.
Kita ko ang pamumuo nang luha sa gilid nang kanyang mga mata.
Pero agad naman niya ito pinahid..
Nagulat ako nang biglang dumating si syra,at inihagis ang malaking bag sa higaan ko.
Agad naman tumayo si christian.
Kinuha ko ang bag at tiningnan,laman ay napakaraming pera,ano to syra!?
Magsimula ka nang bagong buhay,at wag na wag kanang magpapakita pa samin ni christian at nang anak namin.
Anak niyo!? Anong ibig mong sabihin syra!?
Tumingin ako kay christian pero nakayuko lang ito,hinawakan ko kamay niya.
Christian nakita mo na ba anak natin,kunin mo siya Pa! Dalhin mo siya dito sa tabi ko.
Chuchay hindi mo anak ang baby,kundi anak ko sabat ni syra.
Kaya kung ako sayo tanggapin muna yung pera at maglaho kana sa buhay namin ni christian.
Christian,christian ano ba ang sinasabi nang babaeng yan maluha luha kong sabi kay christian.
Im sorry chuchay,im sorry,mahinang sabi ni christian at umalis.
Teka christian,christian sigaw ko nang makitang papalabas na nang pinto si christian.
Syra ibalik mo ang baby ko,iyak kung sabi kay syra.
Pero ngumiti lang ito at umalis..
Syra. Christian ibalik niyo sakin ang baby ko.
Christian christian,hagulhol kung iyak.
Syra christian ibalik niyo sakin ang baby ko,nagmamakaawa ako sa inyo,sigaw ko.
Tinapon ko ang perang nakalagay sa kama ko at tinanggal ang dextrose na naka kabit sakin.
Kahit nanghihina pako mabilis akong lumabas nang ospital.
Nakita kong umalis ang sasakyan ni christian,nakita ko isang nurs...


nasa likod nakaupo habang karga ang baby namin at sa tabi naman ni christian si syra..
Hinabol ko ang sasakyan ni christian,pero malayo na ito.
Christian,Syra ibalik niyo sakin ang baby ko,sigaw ko!
Pagkarating nila christian sa bahay,ay agad ito kumuha nang isang boteng alak at tinungga.
Inalala ang nakaraan.
Patakbong pumunta sa ospital at tinanung si Dok ethan.
Bro ano nangyari kay mommy,bungad niyang tanung nang makita si dok ethan palabas nang emergency room.
Na overdose sa gamot ang mommy mo,isang bote na gamot ang ininom nito.
Mabuti na lang ay mabilis siyang nadala sa ospital kaya agad siyang naagapan.
Tinapik ni dok ethan ang braso ni christian saka umalis.
Pumasok ako sa kwarto ni mommy,at naupo sa tabi niya.
Mom,ganyan mo ba talaga hindi ka gusto si chuchay,at kailangan mo pa talagang gawin yan,hagulhol niyang iyak na nakayuko.
Nagising naman ang mommy niya,nandito ka.
Christian,tayo na lang dalawa,dahil sa sakit nang daddy mo nalugi ang kompanya natin,sa pagpapa gamot natin sa kanya sa australia.
Ngayong nakabawi kana at nagkaroon na nang shares sa kompanya nang mga fernandez,hindi ako papayag na masira iyun dahil lang sa babaeng yun anak.
Anak pag pinakasalan mo si syra,pwede ikaw na mamahala sa kompanya nila.
Matanda na ang daddy ni syra,wala itong ibang anak kundi si syra lang.
Pero mommy diko kailangan nang mga yan,kailangan ko si chuchay at ang anak namin.
Tama na, pag gagawin mo yang gusto mo,uulitin ko ulit ang magpakamatay.
Mas gugustuhin ko ang mamatay na lang kesa,makita kang naghihirap kasama ang babaeng yun,sigaw nito.
Ahhhh,malakas na itinapon ni christian ang dala dalang bote kaya nabasag at nagtalsikan ang mga bubog nito.
Nang matapos niyang maalala ang sinabi nang kanyang mommy.
Nang biglang may tumawag sa phone niya.
Sir christian nawawala ho,si miss marichu sa ospital.
Ano!? Bakit nawala hanapin niyo,mahina pa katawan nun,sigaw niya.
Agad siya tumakbo pababa nang hagdan para tumulong maghanap kay chuchay.
Nang marinig niya ang sinabi ni syra.
Saan ka pupunta,hahanapin mo siya!?
Di mo kailangan hanapin ang babaeng yun,dahil sigurado dito ang punta nun para kunin ang anak niya.
Hintayin mo na lang dito ang babaeng yun,inis na sabi ni syra at iniwan siyang tulala sa hagdan.
Dahan dahan akong lumakad papunta sa bahay nila christian.
Babawiin ko anak ko,anak ko yun..
Habang umaagos ang mga luha ko,sobrang sakit isipin na nagawa ni christian yun sakin..
Maya maya ay nakarating na nga ako sa bahay ni christian nasa labas lang ako nang gate,hinihintay na sana may lumabas.
Dumilim na pero wala paring lumabas.
Ilang saglit nabuhayan ako nang loob nang makita si manang flor.
Manang flor,sigaw ko.
Agad naman lumingon si manang flor at mabilis na tumakbo at niyakap ako.
Chuchay anak ano nangyari sayo,pag aalala nitong sagot.
Manang flor,kinuha nila christian at syra anak ko,hagulhol kung iyak.
Manang flor tulungan mo ko,kunin ang anak ko agad kung sabi kay manang flor.
Oo,oo tutulungan ka namin ni ate inday mo,maghintay ka mamayang madaling araw pag tulog na sila at ung yaya na nagbantay kay baby.
Ok ok manang at agad ko niyakap si manang flor..
Sandali lang kukuha lang ako nang makakain mo anak,hintayin mo ko dito ha.
Babalik ako agad..
Maya maya ay bumalik na si manang flor dala dala ang pagkain at tubig.
Chuchay ano gagawin mo pagkatapos mo makuha ang baby mo,saan kayo titira agad na tanung ni manang flor.
Uuwi ako nang probinsya manang,magpapakalayo ako kay christian kasama ang baby namin,humagulhol kung iyak.
Hinding hindi nku magpapakita sa kanya..
Tama na,tama na chuchay wag kana umiyak..
Itutuloy..




Share On Whatsapp

Leave a Reply




top