The_lost_daughter Chapter_28


Sumapit na nga ang araw nang anibersaryo nang kompanya ni Daddy.
Maagang nagpaikot ikot nang venue si madam mariel at panay utos sa mga nagtratrabaho para sa party.
Hoy bilisan niyo ang kilos malapit na magsimula ang party wag kayong tamad tamad,sigaw nito.
Maya maya ay nagsidatingan na nga ang mga bisita.
Dumating si christian kasama ang kanyang mommy na si calixta.
Dumating din si Ali na kasama ang kanyang daddy na si Armando.
Bago magsimula ang mc ay pinuntahan muna ni Don Federico sila Armando at Ali nang makita niya ang pagdating nito.
Armando long time no see bungad na bati ni Don Federico.
Akala ko hindi kana uuwi nang pinas ngiti nitong sabi.
Haha federico..
Nagbakasyon lang ako sa ibang bansa pero uuwi talaga ako nang pinas,may plano pag kung hindi natupad ngiti nitong sabi.
Ano naman kayang plano iyun Armando,agad naman na tanung ni Don federico.
Malalaman mo din yun Federico,dahil magiging sikat iyun ang bago kung negosyong gagawin sabi nito habang tumatawa.
Tumango tango na lamang si Don federico at nakangiting nakatingin kay armando.
Nagsalita na nga ang mc kaya si Don Federico ay nagpaalam na kila Armando at Ali.
Let’s Welcome our Chairman Mr Federico Fernandez,sigaw nang mc.
Chuchay nagsimula na ang party,ako ang kinakabahan sa mangyayari mamaya,sabi ni cynthia habang sinusuklay ang buhok ko.
Nasa loob lang kami nang room naghihintay sa pagsasalita ni Daddy.
Chuchay napakaganda mo ngayon para kang isang prinsesa.
Salamat,maraming salamat sa nagpunta nang Anibersaryo nang aking kompanya na 52 years nang matatag at nakatayo,walang kahit sinong makapagbagsak nito,matapang na sabi ni Don Federico para sa mga taong balak na pabagsakin siya.
Itong annibersaryong ito ang pinakamasayang araw ko.
Dahil ngayong araw ipapakilala ko sa inyong lahat ang aking tagapagmana ang nag iisa kung anak na babae,at binibigyan ko din siya nang karapatan sa kompanya dahil siya at wala nang iba ang maging tagapag mana nang kompanya ko at sa lahat nang pag mamay ari ko.
Nang marinig iyun ni Mariel at Syra at tuwang tuwa ang mga ito.
Mommy,mommy hindi ba ko nagkamali nang rinig sa sinabi ni Daddy ngiti nitong sabi.
Ibibigay na niya sakin lahat nang kayamanan niya mommy.
Tumahimik ka nga diyan,makinig ka sa sinasabi nang daddy mo,sabi ni mariel na nakangiti dahil sobrang saya din niya na marinig iyung sinasabi ni Don Federico,hindi nasayang ang pag titiis na ginawa niya.
Lets Welcome my Daughter..
Tumayo naman agad si Syra sa kinauupuan niya nang marinig iyun pero nagulat at napabagsak siya pabalik nang upuan nang marinig ang huling sinabi ni Don Federico.
My One and only long lost Daughter Janelle Fernandez.
Agad naman iniluwal si Chuchay na si Janelle na ngayon sa malaking kurtina na napakaganda ang suot at napakasexy.
Nang makita ito ni Christian ay napatayo ito bigla sa kinauupuan,chuchay panong naging anak siya ni Don Federico bulong nito sa sarili habang ang mga mata ay nakatitig lang sa napakagandang si chuchay.
Ganun din si Ali,nagulat din ito sa nakita at narinig,pano naging anak si chuchay ni Don federico na mortal na kaaway nang daddy armando niya.
Lets go Son agad na sabi ni Armando nang makita si chuchay at nagulat din ito dahil sa akala niya si syra na ang maging tagapagmama ni Don federico.
Mommy..mommy.. Panu nangyari na si chuchay ang anak ni Daddy sabi ni syra habang niyuyogyog ang kamay nang ina dahil sa tulala ito at hindi nagsasalita sa nalaman ni mariel.
Panong si chuchay ang anak ni Don Federico namatay na ang batang un sa sunog,imposibleng si chuchay si Janelle,bulong niya sa sarili.
Son,alam mo ba ito nauutal na tanung ni Calixta kay christian.
Hindi mom,ngayon ko lang din nalaman.
Si chuchay ang tagapagmana ni Don Federico son hindi si Syra inis na sabi ni Calixta.
Lets go son yaya ni calixta kay christian.
Pero napahinto pa sila nang magsalitang muli Si Don Federico.
Marahil nagtataka ang...


iba kung bakit itong nasa tabi ko ngayon ang aking anak,marami sa inyo ang nakaka alam na matagal na nawawala ang mag iina ko siguro iniisip niyo na baka impostor ang anak ko.
Ngunit sinisigurado ko sa inyo na siya at wala nang iba ang anak kong matagal nang nawawala,sabay turo ni Don federico sa isang malaking screen ang picture ni janelle nung baby pa siya na pinakita ang balat na hugis butuin sa kanyang talampakan,at picture ni chuchay na pinakita din ang kayang balat sa talampakan.
Dahil nakita iyun ni mariel ay agad siyang tumayo na kunti nalang matutumba na Dahil sa narinig at nakita niya.
Natapos na nga ang party ang ibang bisita ay nagsi uwian na.
Si syra at ang kanyang ina ay hinintay si Don Federico.
Daddy daddy wag kang maniwala sa babaeng yan niloloko niya lang kayo,agad na sabi ni syra habang hinahawakan si don Federico sa braso nito.
Syra hindi ako nagkamali si chuchay ay si Janelle ang totoo kung anak.
Nang marinig iyun ni Syra ay nabitawan niya kamay nang daddy niya.
Siya nga pala mariel syra,pacensya na kayo pero ayaw kayong makasama ni Janelle sa mansyon,ipapadala ko na lang ang gamit niyo sa bagong tirahan niyo.
Federico hindi mo pwedeng gawin samin to,sigaw ni mariel kami ang kasa kasama mo sa mahabang panahon,tas paaalisin mo lang kami nang ganun ganun lang kadali nang dahil lang sa babaeng yan.
Daddy makinig ka kay mommy niloloko ka lang nang babaeng yan,malay mo ginaya niya lang ang balat ni Janelle.
Nang marinig iyun ni chuchay ay natawa siya napaka desperada nang mag inang to,gagawin ang lahat para lang sa kayamanan,bulong niya sarili.
Hindi na nakinig si Don Federico sa sinasabi nila patuloy lang itong naglakad para lumabas nang venue.
Huminto naman nang lakad si Janelle at tiningnan ang dalawa.
Hindi naman siguro kayo bingi hindi ba,narinig niyo naman ang sinabi nang daddy ko na ayaw ko kayong makasama at makita sa mansyon, kaya wag na wag niyo nang balaking bumalik pa nang mansyon,taas kilay kong sinabi sa kanila yun at nginitian sila.
Walang hiya ka Chuchay,kung akala mo panalo ka ngayon pwes nagkakamali ka sigaw ni Syra.
Nanatili namang nakakuyom ang kamao ni Mariel,hindi ako papayag mapunta sayo ang lahat nang ari arian ni Don Federico,bulong nito sa sarili.
Sa bahay naman ni calixta pabalik balik ang lakad niya at hindi Mapakali.
Son si chuchay ang tagapagmana ni Don federico,makipag divorce ka kay syra at pakasalan mo si chuchay hindi nku tutotol sabi nitong nakangiti at hinawakan sa braso ang anak.
Agad naman binagsak ni christian ang kamay nang ina sa inis.
Pwede ba mom,tumigil na kayo gusto niyo na ngayon si chuchay kasi alam niyo na siya pala ang tagapagmana ni don Federico.
Kayamanan lang ba talaga ang nagpapasaya sa inyo,huli na ang lahat samin ni chuchay mom,at nang dahil yun sa inyo.
Kinakahiya ko kayo maging ina,inis na sabi ni christian at tumalikod na para umalis pero nagulat siya nang bumagsak sa sahig ang kanyang ina.
Mom..mom sigaw niya habang niyuyogyog ito ngunit di na gumagalaw ang ina kaya agad niya ito tinakbo sa ospital.
Nang makita ni Christian na lumabas na si Dok ethan sa operating room ay agad siya tumakbo para tanungin kung kamuzta na ang ina.
Pero nanghina siya sa narinig.
Im sorry bro,pero hindi na namin naagapan ang iyung ina inatake ito sa puso.
She’s dead now..
Nang marinig iyun ni Christian ay napaupo siya habang nakayuko hawak hawak ang kanyang ulo.
Sana hindi nalang siya nakipag sagutan sa ina,sana buhay pa si mommy.
Namatay si monmy na magka galit kami,humagolhol niyang iyak.
Nabalitaan naman ni Janelle ang nangyari sa mommy ni christian hindi niya alam ang naramdaman kung masaya ba siya o malungkot.
Masaya siya kasi nakarma si calixta.
Malungkot siya kasi alam niyang nasasaktan ngayon si Christian sa nangyari sa ina..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top