Maingay na naman ang klase dahil wala pang gurong dumarating… tiyak ang nag-umpisa ng ingay ay si DEBBIE.
Ano nanaman kayang ingay ang ginawa ni DEBBIE? Siguro may mga bagong balita siyang narinig sa ibang tao at ikinukuwento naman niya sa mga kaklase niya.
Iyan si DEBBIE, Grade 12 (SHS)- Senior HighSchool na siya… para parin siyang bata kung kumilos, numero-unong maingay sa klase pero masayahin at kinagigiliwan, Paano ba naman kahit di niya nakikita ang mga pangyayari ay binibigyang buhay niya ang mga ito, mahilig rin siyang manood ng TV at Pelikula.
Isang araw, recess ng mga oras na iyon, nakita ni Debbie na mukhang seryosong seryoso sa paggawa ng (T.A) Takdang Aralin ang isa sa mga kaklase niya na si Jerry, kaya nilapitan niya ito upang yayaing makisama sa tawanan at kuwentuhan.
” Jerry, bukas pa naman yang assignment natin, awat ka muna sa pag-gawa niyan, mag- enjoy ka na muna at makinig sa mga kuwento ko.” wika ni Debbie na hawak hawak pa ang stick ng kanilang guro.
” Sorry Debbie kasi kailangan na gawin ko agad ito, marami pa kasi akong gagawin sa bahay namin.” malungkot na wika ni Jerry.
Pumayag naman si Debbie at naunawaan niya ang sinabi ni Jerry.
Tuloy sa pagkukuwento si Debbie na nakaupo pa sa ibabaw ng mesa ng kanilang Guro.
” Tapos, alam nyo ba ang pinaka-paborito kong linya niya doon sa pelikula ni Ms. Nora Aunor ay ito…
W- walang himala, ang tao ang gumagawa ng
h-himala, ang himala ay nasa puso ng bawat tao kaya w-wala…w-wala… walanggggg….
h-himalaaaahh… .” sumisigaw na si Debbie habang nagkukuwento na itinaas ang stick na hawak hawak niya at mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng mesa ay bigla siyang tumayo sa ibabaw ng mesa at doo’y sumayaw sayaw siya, kumendeng kendeng na binibigkas parin ang salitang walang himala…
Hanggang di niya namalayan na dumating na ang kanilang Guro dahil tapos na ang oras ng Recess…
” Debbie, di mo ba ako nakikita? Anong walang himala ang pinagsasabi mo riyan? Bumaba...