Habang pinapatulog ko si Cristine,ay laman nang isip ko ang mag inang mariel at syra.
Sana sa ginawa ko,matuto na sila at tuluyang maging mabuting tao.
Oo hindi ko sila pinatay,tinakot ko lang sila para bigyan nang leksyon,hindi nakakapatay ang pinainom ko kay syra,siguro sasakit lang ang tiyan niya nang isang araw.
Si mariel naman sa unahan lang un magliyab ang apoy dahil sa dulo nun,mga basang kahoy na yun.
Kahit gaano sila kasama,at kahit gaano kalaki ang galit ko sa kanila hindi ko papantayan ang pagiging masama nila.
Hindi ko kayang pumatay nang tao.
Kakauwi lang ni Ali galing sa office niya nang marinig niya ang boses nang daddy armando niya na may kausap sa study.
Kailan mo ba gagawin ang plano mo armando,pinatay nang anak ni federico ang anak mong si syra,sigaw ni mariel.
Kahit na buhay pa si syra,sinabi niyang patay na kay armando para gawin na nito ang planong pabagsakin si kay Don Federico.
Bakit di mo na lang ibalik si jana kay federico kapalit nang kayamanan niya.
Wag mo kong uutusan mariel alam ko ginawa ko,agad na sabi ni armando.
Alam mo ang ginawa mo,dahil sa lumpong babaeng yun di mo magawa gawa ang paghihiganti mo kay federico.
Nagtago ka nang matagal sa ibang bansa,nagpakasaya ka kasama nang babaeng yun.
Samantalang kami nang anak mo hinayaan mo kami,sana di ko na lang sinunod ang utos mo nun na paibigin at landiin si federico para makuha ang kayamanan niya wala naman pala akong mapapala,inis na sabi ni mariel.
Kasalanan ko ba kung hindi mo mapaibig ibig yang si federico.
Magkatulad lang tayo armando,mahal kita mahal mo si jana.
Mahal mo si jana pero hindi ka rin nagawang mahalin dahil ang mahal lang ni jana ay si federico.
Tumahimik kana di kita pinatuloy dito para magkaroon ako nang bungangerang kasama,sigaw ni armando.
Sinasabi ko sayo armando pag nalaman ni Ali na siya si Januz Fernandez ang nawawalang anak na lalaki ni Federico,masasayang lang ang pinaghirapan mo,inis nitong sabi saka umalis.
Napakuyom na lang si ali sa narinig niyang pag uusap ni Mariel at ang kinikilala niyang ama,agad siya umalis sa lugar na yun nang marinig na papaalis na si mariel.
Sumakay siya nang kanyang sasakyan at pinaharorot kahit hindi niya alam kung saan sa pupunta,basta ang alam niya gusto niyang mapag isa.
Naiwang tulala si armando at iniisip ang nakaraan kung bakit kinamumuhian niya ang dati niyang kaibigan.
Magkababata si armando at federico pareho silang mayaman,nakilala naman nila sa kolehiyo si jana na katulad din nilang mayaman.
Naging malapit na magkaibigan ang tatlo,laging magkasama kahit saan.
Ngunit may lihim na pagtingin si armando kay jana,pero hindi niya sinabi sa dalaga sa mahabang panahon.
Hanggang sa nalaman na lang niya na si federico at jana ay magkarelasyon na.
Dahil sa sobra siyang nasaktan,bigla na lang itong hindi nagpakita kila jana at federico,sa ibang bansa siya nagtapos nang kanyang pag aaral.
Hanggang sa mabalitaan nga niyang kinasal si federico at jana nagkaroon nang dalawang anak.
Nabalitaan niya rin na kalaban nang kuya niya si federico sa pagiging gobernador.
Hanggang sa tumawag ang asawa nang kuya niya..
Armando,armando ang kuya mo nagpakamatay iyak na tumatawag ang asawa nang kuya niya sa phone.
Agad siyang bumalik nang pinas,nalaman niya na ang dahilan nang pagpapakamatay nang kuya niyang si alfred ay ang sobrang kahihiyan.
Nalaman nang taong bayan,ang mga illegal na gawa nang kuya niya,dahil kay federico na kalaban nang kuya niya sa pagiging gobernador at hindi nito natanggap pagkakatalo.
Nang marinig niya yun nagsimulang mamuhi si armando kay federico.
Kinuha mo nga sakin ang babaeng mahal ko pinatay mo pa ang kuya ko.
Pinapangako ko sayo federico,sisirain ko ang buhay mo kukunin ko sayo si jana,at ang lahat nang meron ka.
Lumipas ang...