The_lost_daughter Chapter_32


Inihinto ni Ali ang kanyang sasakyan sa tabi at nilakad ang malapit na dalampasigan..
Bago bumaba nang sasakyan kinuha niya muna ang baril niya na nasa box ng kotse at nilagay ito sa likuran,bago nilakad ang tanaw na dalampasigan,gabi na kaya wala nang tao.
Habang nakatanaw sa malayo isinigaw niya nang napakalakas ang sama nang loob na kanina pa,gustong sumabog.
Ahhhhhh..kinuha ang baril at nagpaputok nang ilang beses sa lupa..
Pagkatapos ay napaluhod siya at napahagulhol sa iyak.
Pano ang isang taong kinamumuhian niya nung bata pa siya ay ang totoong ama niya pala.
Pano na ang taong may kagagawan nang lahat sa nangyari ay ang tinuring niyang ama..
Pano ang babaeng minahal niya ay kapatid niya pala..
At nagsimulang maalala ang nakaraan.
Sampung taon siyang nilagay ni armando sa isang ampunan,simula nang magkaisip siya nakalimutan na niya ang mukha nang kanyang ina o ang mga taong kilala niya sa apat na taong gulang pa siya.
14 taon na siya kinuha ni armando at nagpakilala sa kanya na ama niya at pinakilala ang inang tulala at laging nakatanaw sa malayo.
Simula nun sinanay na siya ni armando humawak nang baril at ang ginagawang target shoot na dinikit ay ang mukha ni Federico,paulit ulit sinabi ni Armando sa kanya na ang taong yan ang dahilan kung bakit naging ganun si mommy.
Na ang taong yan ang bumaril kay mommy.
Kaya hanggang sa lumaki siya ang ginagawa niya paring target shoot ay ang mukha nang totoong ama niya,napahagulhol siya nang maisip ang mga yun.
Pinaglaruan kami ni armando,pinaglaruan niya ang pamilya ko.
Maya maya ay naisip niya ang kanyang ina na nasa poder ni armando.
Kailangan ko bumalik kailangan ko makuha si mommy,kaya mabilis siya tumayo at pinaharurot ang sasakyan pabalik sa mansyon ni Armando..
Nasa labas na nang masyon nang mga Fernandez si Alex dala ang apat na sasakyan nang mga sundalo.
Mabilis naman kumilos si Don federico at kinuha ang pinakamahabang armas niya,nakita naman iyun ni Janelle.
Dad sama ako,alam ko kung saang kwarto si mommy.
Wag na Anak,dumito ka na lang ako na ang maghahanap sa mommy mo.
Sisiguraduhin ko mayang gabi pag uwi ko kasama ko na ang mommy mo.
Sinama lahat ni Don federico ang lahat nang bantay sa mansyon.
Ang naiwang bantay na lang sa mansyon ay sila philip ondo at boknoy.
Sa di kalayuan naman nakatanaw si Bryan at Syra kasama ang sampung tauhan niya.
Kita nila ang papaalis na mga sasakyan nang mga sundalo at ang mga bantay sa mansyon kaya naglakas loob ito na sumugod sa mansyon.
Sa malayo pa lang ay natanaw na sila ni philip kaya mabilis na isinarado ni philip ang gate.
Boknoy,ondo sinugod tayo nang mga kalaban sigaw ni philip.
Agad naman nag takbukan si Ondo at boknoy sa gate at sinilip na papalapit na ang grupo nila bryan at syra.
Boknoy sa likod ka magbantay agad na sabi ni ondo si philip dito sa harap ako naman magbantay doon sa pinto nang masyon.
Agad naman sila nagsikilos agad..
Napansin naman iyun ni cynthia ang mga kilos nito.
Ondo anong nangyayari,agad na tanung ni cynthia.
may mga kalaban sa labas nang gate..
Bilis puntahan mo si Senyorita Janelle at ipaalam mo sa kanya.
Kaya mabilis naman umakyat si cynthia sa taas.
Nasa kwarto ako tinabihan ko si Janelle sa paghiga nang makarinig ako nang putok nang baril kaya agad ako napatayo.
Pagbukas ko nang pinto nakasalubong ko na agad si cynthia na habol ang hininga nito habang nagsasalita.
Chuchay,,chuchay..sinugod tayo nang mga kalaban sa labas agad nitong sabi.
Ano..sinakto nila dahil wala dito ang mga tauhan ni daddy.
Agad ko hinila si cynthia papasok nang kwarto at ako ang lumabas..
I-lock mo ang pinto cynthia samahan mo diyan si cristine agad kung sabi.
Hahhh!?? Bakit saan ka pupunta.?
Basta diyan lang kayo ni cristine wag na wag kayong lumabas diyan hanggat hindi mo marinig ang boses ko.
Oo okay mag iingat ka agad na sabi ni cynthia.
At mabilis na ini-lock ang pinto dahil di siya mapakali.
Kinuha niya ang phone ni chuchay...


na nakalapag lang sa lamesa malapit sa lampshade..
Ring..ring..tinawagan niya si christian.
Agad naman ito sinagot ni christian nang makitang si chuchay ang tumawag.
Hello mahal agad nitong sabi..
Si..sir..christian nauutal na sabi ni cynthia.
Bigla naman nagbago ang mukha ni christian nang marinig ang boses na hindi si chuchay ang kausap niya kundi si cynthia.
Anong problema cynthia agad na tanung ni christian.
Sir..tulungan mo kami may sumugod ngayon sa mansyon,tatlong bantay lang ang kasama nmin dito ni chuchay dahil ang ibang bantay sinama ni Don federico para sugurin ang daddy ni ali at kunin ang mommy ni chuchay dun.
kaya tumawag kayo nang pulis at dalhin niyo dito.
Bang..bang..rinig naman ni christian sa kabilang linya ang putukan.
Ano!!? Kahit di naintindihan masyado ni christian ang paliwanag ni cynthia ay agad siyang kumilos basta ang alam niya nanganganib ang mag ina niya.
Agad naman ako tumakbo sa room ni daddy,nakita ko dun sa isang kabinet niya na marami siyang mga armas doon nakalagay.
Kinuha ko ang baril na may telescope kahit mabigat ito ay kinaya ko.
Pumunta ako sa balkonahe sa harap nang gate namin ,agad ko inilapit ang mata ko sa telescope kita ko nga sa labas nagkalat ang mga kalaban ,at kita ko si syra lumakad papalapit nang gate at biglang tago nang barilin ni philip.
Nakita ko din na ang iba ay umakyat sa gate,kaya binaril ko ito kaso hindi natamaan kahit papano may kunting alam ako sa pag gamit sa baril simula kasi nang sumali si ondo ay lagi na ito nag prapraktis gumamit nang baril dahil wala namang alam si ondo sa pag gamit nang baril kundi ang magkaliskis lang nang isda sa palengke kaya sabay kami nag ensayo pano gamitin ang baril.
Nkita ko naman may umakyat kaya binaril ko naman ito,natamaan na ito sa braso nga lang.
Kita ko bumaba na ito sa labas nang pader.
Bryan..bryan sigaw nang kalaban may sniper sila mauubos tayo dito sa sniler agad nitong sabi..
Ulol takot ka agad sa sniper kung sniper yun patay kana,bakit sa braso lang tama mo,hindi sniper yun balik..
Kita ko naman may umakyat na naman sa pader kaya binaril ko na naman ito natamaan naman ito sa hita kya pabagsak na nahulog.
Rinig ko parin ang putukan sa likod at sa harap nang gate nasa kabilang gilid naman si ondo nakipag barilan..
Kita ko si syra pasilip silip sa gate at bumaril.
Kaya binaril ko ito nang sunod sunod pero hindi ko ito pinatamaan.
Atras..atras..sigaw na ni bryan maya maya ay may patrol na nga dumating.
Mabilis hinabol nang mga pulis ang sasakyan nila syra.
Si christian naman mabilis na tumakbo papasok at umakyat agad sa mansyon..
Chuchay chuchay agad nitong sigaw paglabas ko agad niya kong niyakap,ok ka lang chuchay tanung nito..
Oo ok lang ako..
Si baby cristine nasan.
Andun sa room kasama si cynthia..
Hindi pa nakarating si Don Federico at si general alex sa masyon ni armando nang may tumakbo na kay armando look out niya na medyo malayo pa sa bahay niya.
Boss boss may paparating na mga sasakyan nang mga sundalo,agad nitong sabi.
Ano!!? Magsihanda muna sa pagtakas agad na sabi ni armando dahil di siya nakahanda ngayon makipag sagupaan sa militar.
Agad siya tumakbo sa room ni jana,pero nagtaka siya na wala na doon si jana,tiningnan niya buong room pero wala.
Agad naman dumating ang caregiver ni jana.
Nasan ang asawa ko tanung niya.
Andiyan lang po sir pagtatakang sabat nang caregiver.
Shirt..wala doon sigaw niya!!!
Dahil baka maabutan siya umalis na lamang siya na hindi kasama si jana.
Wag kang mag alala jana,babalikan kita bulong nito.
Pagdating naman nila Don federico agad na nila pinalibutan ang buong bahay ni Armando,agad naman pumasok si General alex at Don Federico sa loob may nkapalitan pa sila nang putok pero kunti lang ang mga ito at hindi makita si armando.
Jana jana sigaw ni Don Federico habang tinitingnan bawat kwarto ngunit wala,wala siyang nakita.
Bigo na naman siyang iligtas ang asawa…
Huli na nakatakas na naman si armando.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. I hope mag update pa po kayo I’m a fan of this story

Leave a Reply


top