TOO MUCH LOVE Nine


by: Gail Montenegro
Kasalukuyang nasa byahe si jade ng biglang magring ang kanyang phone ngunit sa lalim ng itinatakbo ng kanyang isipan ay di nya agad namalayan
“Jade.. buhay kapa ba? ,nagriring ang phone mo mukhang nasa mars na ang utak mo huh” saad ng pinakamatalik nyang kaibigan na si kaye ,katulad nya ay isa rin itong bis*xual., ang pinagkaiba lamang ,ito ay lantad ang pagkatao samantalang sya ay tagong tago na walang dapat makaalam dahil sya ang nagiisang anak na babae ng isang tanyag na congresman.. ang kanyang ama ,malaking kahihiyan sa pamilya nila kapag nagkataon “hoy.. ano ba.. talaga yatang wala kana sa katinuan ehh..” nakangiting yugyog nito sa kaliwang balikat nya
Dinukot nya ang phone sa loob ng dalang bag saka iyun agad na sinagot kahit na hindi pa nya nakikita ang screen
“Where are you?.. susunduin sana kita baby!” Saad ng kanyang nobyo mula sa kabilang linya
“B-babe!!!!” Hirap nyang sambit bago binalingan ang kaibigan sa tabi nya ,nakangisi ito sakanya ng nakakaloko kaya inirapan nya “nandito kami sa daan ace papunta ako ngayun sa tarlac para personal na macheck at matikman ang mga bagong flavor ng new ice cream sa planta doon” masaya nyang sambit dito
“Kami? Sinong kasama mo kung ganoon?” Muli nitong tanong
Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga at narinig ang pagtikhim ni kaye na nasa tabi nya ,nangaasar ang bukas ng pagmumukha nito kaya muli nya itong inirapan saka tinalikuran ,sa labas ng bintana nya itinuon ang pansin saka muling nagsalit “si kaye sya yung driver ko ,don’t worry malapit naman na kami dahil masa maaga kami nagbyahe para hindi hassle sa daan.” Turan nya dito
“Bakit hindi nalang ako ang niyaya mo ,parang gusto ko yatang magselos kay kaye dahil sya pa talaga ang niyaya mo ah” himig pagtatampo nito
“Alam kong bc ka din sa company nyu ,eh diba tutungo kayu ni tito hutshimoto sa japan bukas ,tatlong araw ako dito kaya hindi kita pwedeng isama.” Rason nya dito
“Ok…pero may tutuluyan ba kayu doon ,tyaka ayokong kasama mo si kaye sa iisang kwarto lang jade huh..” may himig galit nitong bilin
Napangiti sya dahil sa tinuran ng nobyo “Ou na cge..” kagat labi nyang sabi dito kahit na hindi naman totoo dahil dati pa ay magkatabi na silang natutulog ni kaye twing kasama nya ito sa bakasyon man o pagkatapos ng bonding nila sa inuman
“Take care baby i love you!” Lambing ni ace


/> “H-huh ,aammh i-i l-love you t-too magiingat karin jan.” Bulol nyang sagot.. ,nang mamatay ang tawag nila ng nobyo ay rinig nya agad ang malakas na halakhak ni kaye na nasa tabi nya kaya nasuntok nya ito sa braso “sir*ulo..” muli nyang irap dito
“Aba jade namimihasa kana kakairap ah babae lang ang gumagawa nyang tol.” Ani nito sakanya
“Babae parin naman ako!!” Angil nya dito
Muli itong humagalpak ng malakas bago sumeryoso “hindi muba kayang magbago para sa nobyo mo b*liw na b*liw sya sayo tol baka naman may pag asa pang ituwid yang sarili mo..”
“Alam mong ito na ako… kung kaya kulang noon pa sana..” malungkot nyang hayag
Marahas na buntong hininga lang ang isinagot sakanya ni kaibigan bago mas binilisan pa ang takbo ng kotse nito.. nakatulog sya sa byahe ng hindi nya namamalayan kaya halos mahilo sya ng sapilitan syang gisingin ni kaye at sabihing naroon na sila sa parking lot ng hotel na pag iistay an nila
“Ano? Kaya muba o bubuhatin pa kita” si kaye na nakasandig sa nakabukas na pintuan ng sasakyan habang hinihintay ang paglabas ng kaibigan
“Bubugbug*n talaga kita mamaya” suntok nya sa balikat nito bago tuluyang bumaba at nagpatiuna ng maglakad patungo sa loob ng hotel..
Palapit palang sila sa may teller ay may humarang na agad sa kanila na isang magandang babae
“Good afternoon mam mister kaye anderson kasama puba nya kayu?” Tanong ng babaing tila mataas ang katungkulan sa naturang hotel
“Ako un miss!” Nakangiting sabat ni kaye kaya nailing nalang sya
“Oh i’m sorry po mam ,akala kopo kasi lalaki.” Nakangiti nitong sabi “heto po ung card para sa code ng room nyu po mam.” Abot nito sa isang bagay na mabilis naman kinuha ni jade
“Thank you!” Paalam nila dito ngunit sumunod naman ito sa kanila “kaylangan nya ata ng tip” bulong ni kaye
“Mam sasamahan kopo kayu sa itaas sa VIP po kasi ung room nyu kaya iaassist kopo kayu” paliwanag ng babae na parang narinig ang kanilang pinaguusapan kaya muli nalang natawa uli jade sa kkaibigan
Narating nila ang 34 floor kung saan naroon ang private room nila ,nagpaalam na sa kanila ang manager na nagassist ,pagpasok palang sa loob ng hotel at paghiga ni kaye sa kama ay agad na nya itong dinaganan at pinagsusutok sa katawan at mukha nito dahil sa sobrang gigil nya kanina pa ,nagpambuno sila sa kama habang panay lamang ang hagalpak ng tawa ni kaye..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top