My BestFriend’s Husband Chapter 14


#Mystery_Triller_Romantic_Drama
๐Ÿฅ€Step POV
( mabait na Stephanie)
Bigla nalang akong nagising at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakasakay ako sa kotse?
Anong ginagawa ko dito? Kinidn*p kaya nya ako?
Tiningnan ko sya ng masama. Anong ibig sabihin nito? Kinidn*p talaga ako ng mukong na ito?
Nanginginig talaga ako sa takot hindi ko alam ang gagawin ko. Sisigaw ba ako pero paano kong may gawin syang masama saakin. . Ano na ang gagawin ko?
“wag kang mag alala. Hindi na mauulit ang nangyari noon”
bigla nyang sabi saakin
Ano ba ang pinagsasabi ng mukong na tu?? Akala ko ba d nya ako kilala but ngaun gusto nya akong isama? Saan naman kaya kami pupunta?
Nakita ko na pumasok ang sasakyan namin sa isang napakalaking bakuran at tanaw namin ang napakagandang mansyon.? Kaninong mansyon ito? Anong lugar ito?
“Nandito na tayo”
Pagkaparada na namin sa main door ng mansyon ay bumaba na ang mukong na lalaking yun.
Nag aalinlangan pa akong bumaba. Pero no choice pinagbuksan ako ng mukong na ito ng pinto kaya wala na akong magagawa kundi bumaba.
Ano ba ang ginagawa namin dito. . Naku naku kinakabahan natalaga ako.
Tiffany ano ba itong pinasok mong gulo.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Welcome back. Stephanie ”
Ano ba ang nangyayari sino ang matandang ito? At nyakap pa ako kilala ko ba ito?
“sino po sila?” Para akong tang*ng nagtatanong.
(Nagtaka naman si vensent)
” Hindi ba nasabi kuna sayo kanina. Sya si Chairwomen. Ang bussiness partner ng Lola mo at sya na ngayon ang mangangalaga sayo simula ngayon.”
” hu?”
Wala akong alam nanginginig na ang tuhod ko sa kaba. Sino ba ang mga taong ito.
Naalala ko ang sulat saakin ng second Identity ko na makisakay nalang daw ako at limpak limpak na pera ang makukuha ko. It means ito ang sinasabi nya?
“Sorry nakalimutan ko nasabi mo nga saakin. Pasinya na makakalimutin na kasi ako. ” Para akong tang*ng sinasabi iyon.
Sigi makikisakay nalang ako total namam wala na akong choice kundi magpanggap na alam ko ang nangyayari sa pagsama ko sa mukong na ito.
“Pumasok na tayo iha”
Napilitan na akong sundan sa loob ang matanda.
“Simula sa araw na ito iha ay dito kana tetera.”
Nagulat ako. . Dito titira?
“hu?! Nku wag na po? May bahay naman po ako. At saka ang mahalaga nakita nyo ako at nasa mabuti naman po ako ng kalagayan kaya hindi na ho kailangan na tumera pa ako dito. Nakakahiya naman po sa inyo. ” Para nanaman akong tang*ng nagsasalita wala kasi akong ka ide ideya sa pagpunta ko dito.
“Nangako ako sa lola mo na aalagaan kita at pprotoktahan. Ang boung akala namin ay wala kana.”
(Tahimik akong nakikinig sa kwento ng matanda. Kahit papaano may malaman man lang ako.)
“Alam kong natatakot ka dahil sa nangyaring accedenting sa mama at lola mo. Wag kang mag alala iha. Hinding hindi na mauulit pa ang pangyayaring iyon sayo. Nawala daw ang alaala mo?”
“opo totoo po yun nagising po ako sa hospital na walang maalala.”
“wag kang mag alala iha. Babalik din ang alaala mo. ”
“Sana nga po maalala kona ang lahat. Baka po maari na po akong umalis. ”
“Hindi ba sinabi ko sayo na dito kana titira. Sa ayaw at sa gusto mo dito kana titira. Maliwanag ba yun iha.”
Wala na nga akong Choice kundi manatili na nga dito sa mansyon. Ang nakakaluka talaga nagdala pa talaga ako ng damit. Nakakahiya.
Nasa loob na ako ng Kwarto kung saan dating naka kwarto si Megan.
Bigla tuloy akong napa...


isip kung sino ba talaga ako. Bakit hanggang ngayon wala parin akong maalala?
Sa pagtira ko sa mansyon na ito ano nga ba ang magiging bunga nito?
Gulo ba ang idudulot ko sa pagtira ko dito?
Hawak ko kasi ngayon ang Diary ni Tiffany ang isa kung katauhan at nais nyang maghigante sa pamilyang ito.
Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin. Ano nga ba ang nakaraan ko.
bakit kailangan kong maghigante I mean Bakit nya kailangan maghigante?
Nakahiga lang ako at nakatingin lang sa kawalan. Ang dami kong mga tanong sa sarili ko na hindi ko masagot.
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto maganda at maayos ang pagkakadesinyo ng kwarto.
Binuksan ko yung mga cabinit may mga damit na doon. Ayos pinaghandaan talaga ang pagbabalik ko.
Binuksan ko yung mga drawer at may napansin akonhg notebook hindi lang yun basta basta notebook . Isang Diary. Kukunin ko na sana kaya lang…
Biglang sumulpot sa pintoan ko si Andrew????
” Teka anong ginagawa mo dito Hindi bat nakakulong kana?bakit ka nandito, paano mo ako nasundan dito? Stalk*r ka no?”
Sinara ko na yung drawer at hinarap ang tukmol na ito.
“Ayan ka nanaman magbibintang ka nanaman. Una rap*st, magnanak*w at ngayon stalk*r naman? Hindi ako ganong klasing tao”.
“Eh bakit ka nandito?”
“Sabi mo nga maliit lang ang mundo nating dalawa hindi ba. ”
Mapang asar na sabi saakin ng tukmol na ito.
“Hindi ako ang nagsabi non no!”
“Ahh. . Kung ganon ikaw mona si Step? Kailan lilitaw si Tiffany para naman matulongan nya akong hanapin si Megan.”
“Wag mong ibahin ang usapan . . Hindi mo pa ako sinasagot. Paano ka nakalaya? Bakit ka nandito? Sagutin mo ako ng maayos.”
“Ano ba ang akala mo saakin crimin*l?”
“Kung hindi ka crimin*l bakit hinahanap ka ng lalaking sumondo saakin dito ngayon? Sigi nga sabihin mo?”
“Tulad mo sinusundo din ako. Gusto kasi akong pauwin ni Vincent pero ayaw ko pa tlagang umowi pero dahil sa kagagawan mo napilitan akong tawagan sya at sunduin ako. . Saating dalawa ikaw ang mukhang crimin*l. Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo saakin sa singgapore”
“Ayan nanaman tayo, Bakit hindi mo makalimutan ang nangyari doon.”
“sa tingin mo makakalimutan kupa ang lahat ng ginawa mo saakin? Aba yung pag hampas hampas mo saakin ng matigas mong bag alamo bang namaga ang katawan ko sa sakit. ”
“Hindi ako yun. maniwala ka. diba alamo naman na may dalawa akong personality. Hindi ko alam ang mga pinag gagawa ng isa kung katauhan. ”
“kahit hindi ikaw yun katawan mo parin ang gumawa. Iisa kayo. Iisa lang kayong dalawa. Kahit magkaiba ng personalidad.”
“Ito ka nanaman iniiba mo ang usapan. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito. Hindi ko ito pamamahay nakikitira lang ako dito kaya umalis kana. Umalis kana dito please. ”
“Bakit naman ako Aalis. Isa din ako sa mga nalatira dito. Dito ako nakatera. ”
“Di nga! Bahay mo to?
( hindi ako makapaniwala na nakatira sya dito? Ibig sabihin titira kami sa iisang bahay. Di nga?!
“Gulat ka no! Sa ayaw at sa gusto mo tutulongan mo ako sa paghahanap kay Megan. Maliwanag”
“Doon mo sabihin kay Tiffany. Wag saakin. ”
“Okey hihintayin ko ang pagsulpot nya. I have to go”
Lumabas na ng kwarto ang tukm*l na iyon. . Kainis bakit kailangan iisa pa kami ng bahay. Malaking problema ito.
To be continue.
Dipo mona ako makaka update ng upated ng ๐Ÿ’•Catch me if u can๐Ÿ’• busy po ako. ..ito po kasi re-post ko lang po ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top