TOUCH THE COLOR


TOUCH THE COLOR
“Ate Airazel! Laro tayo! Dali na! Ate please?”
Ang kukulit naman ng mga batang to. Sinabe ng busy akong gumawa ng assignment eh.
May mga kamag anak kase akong nakitira muna sa bahay namin. Nagbabakasyon kase sila.
Lima silang maliliit na bata. Tatlong babae dalawang lalaki. Ayoko naman tumanggi kase baka magsumbong, sabihin ang sungit ko.
“Fine!”
Tuwang tuwa naman silang nagtatakbo palabas. Wala akong nagawa kundi umirap nalang sa ere.
Tinatamad na sumunod ako sakanila sa labas.
“Ano ba lalaruin nyo?”
“Touch the color ate! Madali lang yon!” Sabi nung isa.
“Paano ba yon?” Tanong ko.
“Diba ito pong line, tatayo ka lang diyan tas po kunware ako yung taya tas sabi ko touch the color green! Edi lahat po ng may green sa damit pede mong tayain. Kapag po wala, pede na silang lumusot sa kabila. Ganon po.”
Nung naintindihan ko na. Tumango tango lang ako. “Okay sige. Sinong taya?”
“Ako nalang ate!” Sabi nung mukhang pinaka matanda sakanila.
“Sige. Pero saglit lang to ha, marame gagawin si ate Aira eh. Okay?” Tanong ko sakanila.
“Okay po!” Sabay sabay nilang sagot.
So yun nagsimula na kameng maglaro. Nasa...


tapat lang kame ng bahay. Daanan yon actually pero wala naman kaseng tao.
Nung una, pilit na pilit pa ako pero nung medyo nagtagal nag eenjoy nadin akong makalaro sila.
“Taya ate! Hahaha!” Sabi nung batang makulit.
Hindi ko alam kung pano niya ako nataya eh wala naman akong color blue na suot sa katawan.
“Hala bakit? Wala namang blue eh.” Tanong ko sakaniya.
“Meron po kaya! Ayan oh!” Sigaw niya sabay turo sa hikaw ko.
“Ay oonga Hahaha!” Sabi ko na kinapa pa yung hikaw. “Sige ako na taya.”
Edi syempre tumalikod ako sakanila. Habang nag iisip ako ng color na meron silang lahat para mabilis mataya, nadidinig ko silang nagbubulungan saka naghahagik hikan.
“Game na! Touch the color.. Black!” Sabay harap sakanila pero saktong pag harap ko may yumakap sakin.
“Ayieeee! Si ate Airazel saka si Kuya kenji!” Dinig kong pang aasar nila.
Nanlalaki ang mga mata ko sa kinilos niya. Hindi tuloy ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Si Kenji. Yung crush ko sa tabing bahay.
“Tsk. Tagal mo namang mataya. Kanina pa kita gusto mayakap eh.” Bulong niya saken na lalong naging dahilan bakit ako hindi nakagalaw lalo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top