TRAFFIC LIGHT


TRAFFIC LIGHT
BY: Willy Verano
Para bang isang eksena sa penikula ng mag tagpo ang aming landas ng isang magandang binibini. Sa isang kalsada para kasi siyang lutang ng mga sandaling iyon. At nagawa niyang tumawid ng kalsada kahit naka green light ang ilaw ng Stop Light sa kalsada. Nangangahulugan na patuloy lamang sa pang andar ang mga kotse. Kaya ako naman ay agad to the the rescue sa magandang binibini na tumatawid sa kalsada.
Agad akong sumenyas sa mga kotse na huminto para hindi nila kami mabunggo. At ng maidala ko na ang magandang binibini sa tabing kalsada. Doon ko napansin na namumugto ang kanyang mga mata. Gusto ko sanang tanungin ang dahilan ng kalungkutan niya. Ngunit sino ba naman ako? Para tanungin ang bagay na iyon sa kanya isa lamang akong ekstranghero.
Dama ko ang lungkot sa kanyang mga mata at patuloy ito sa pag luha. Ngunit biglang napayakap pa siya sa akin na aking ikinagulat. Ilang segundong yakap lang naman yun at bumitaw na rin siya. Agad siyang humingi ng pasensiya sa biglaang pagyakap niya sa akin.
“Ayos lang iyon ang mahalaga ligtas ka. Kanina lang kasi para kang naglalakad sa kawalan?” Sabi ko sa kanya.
“Salamat ulit huh.. Sobrang lungkot ko lang kasi ngayon hindi ko akalain wala pala sa mahabang relasyon masusukat ang tunay na pagmamahal.” Sabi niya sa akin.
Kaya napaisip ako mukhang tama ang hinala ko love problems nga ang ikinalulungkot ng babaeng ito.
“Hayahan mo na lahat ng sugat naghihilom maniwala ka makaka move on ka rin. Marami pang paraan para sumaya sa mundo.” Sabi ko sa magandang binibini.
At pilit itong ngumiti at nagpakilala sa akin. Joana ang kanyang pangalan at ako ay nagpakilala rin sa kanya. Mabilis ang pangyayari basta mula ng araw na iyon nag simula ang aming freindship. And wala rin naman akong kasintahan at siya naman ay bigo sa pag ibig. Sa matagal ng relasyong kanyang iniigatan ngunit mauuwi rin pala sa kabiguan at hiwalayan.
Tinulungan ko siya maging masaya upang maka move on sa kanyang Heart Break. Dahan dahan lamang ngunit sinisigurado kong magiging masaya siya sa huli. Hanggang sa...


napapansin ko na lamang sa aking sarili na tila ang puso ko ay nahuhulog na sa kanya. Sa halos napapadalas naming pagsasamang dalawa. Na kung iisipin ay parang magkasintahan ngunit hindi…
Ang mga ngiti niya akin ng hinahanap hanap ko na. Pati na rin ang nangungusap niyang mga mata. Hindi na maalis ito sa isipan ko at habang tumatagal mas napapamahal na siya sa puso ko. Hanggang naisipan ko na ngang magtapat sa kanya ng pag ibig isang taon na rin naman kaming mag kakilala. At ako ang kasakasama niya sa mga sandaling bigo ang puso niya.
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana dahil may minamahal na pala siyang iba. At ako ay nanatiling kaibigan lamang sa puso niya. Kaya hindi ko na sinabi pa ang gustong sabihin ng puso ko na siya ay aking minamahal. At tila manhid na ako ng niyakap niya ako ng mahigpit at sinabi niyang..
‘”Salamat at tinulungan mo ang puso ko na maka move on sa taong hindi deserve ng pagmamahal ko. I such a lucky girl to have Freind like you.. Thanks you for always make me Smile..”Masayang sabi niya sa akin.
Gusto kong umiyak ngunit pinigil ko ang aking luha at pinakita ko ang mapagpanggap kong mga ngiti para sa kanya. Kahit puso ko ay lumuluha pero naisip ko na lang hindi lahat ng mamahalin mo ay para sayo dahil maaaring hindi siya nakalaan para sayo. At kung wala man taong nakalaan para sayo hindi ibig sabihin nun hindi ka na magmamahal.
Sa huli naging masaya na lang ako para sa kanya at hihintayin ko na lang ang pagkakataon na may magmamahal sa akin at mamahalin ko rin. At sa kalsadang iyon kung saan kami unang nagkita. Ako ay napatingin sa Stop Light na naka Red Sign at ako ay naglakad at napaisip ako..
Parang pa lang Stop Light ang puso ko? Dahil literal na huminto pansamantala magmahal ng espesyal ang puso ko. Ngunit magiging Berde din ang ilaw kaya ang puso ko sa hinaharap ay patuloy pa rin magmamahal. Hanggang mahanap ko ang aking sunod na mamahalin at sana ay mamahalin rin ako.
THE END.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top