“Don’t drink too much, Candace. Magpapahatid pa ako sa’yo mamaya.” Si Bana, isinandal ang ulo sa aking kaliwang balikat.
Isa pa ‘to lasing na din.
Sinilip ko siya, pagtapos, kinuha ko ang palapulsuan niya upang tignan kung anong oras na doon sa relo niya.
“Mag-a-alas dose na, Bana. Ihatid na kaya kita.”
Nakapikit siyang tumango. Umiling nalang ako sa kalasingan ng kaibigan.
“Uuwi na kayo?” tanong ni Hiron.
“Oo eh. Ihatid ko pa si Bana sa kanila.” sabi ko.
Tumango siya. Tumayo sa kinauupuan upang puntahan si Liyk na nakatulog na dahil sa kalasingan.
“Liyk! Gising! ihatid na kita.” sabi ni Hiron saka niya binalingan si Astepa, “Sabay ka na sa amin.”
“Sige sige.”
“Kaya mo pa bang tumayo, Bana?” hinawakan ko siya sa magkabilang baywang at sapilitang tinayo.
“Y-yeah,” ngunit dahil sa sobrang magaslaw niya hindi ko nabalanse ang tindig naming dalawa kaya napasubsob siya sa dibdib ko. Inalalayan ko ulit siya.
Humagikgik siyang napatingin sa akin.
“Huwag makulit! Stand still, Bana.” sabi ko, pati buhok ko ginulo na niya.
Hindi ko ata kakayanin ‘tong si Bana.
Mabuti pa si Liyk kahit siya ang mas lasing sa kanilang dalawa ay nakaya niya pa rin tumayo mag-isa.
“If you like, Candace. Ako na ang maghahatid kay Bana. At ikaw na lang kila Liyk at Astepa… mukhang mahihirapan ka rito kay Bana.” suhestyon ni Hiron.
“Mabuti pa nga, Hiron. I-text mo nalang ako kapag na-ihatid mo na siya.” aniko.
Tumango naman siya at kinuha mula sa akin si Bana.
Nagpaalam muna kami kila Betsy na uuwi na. Si Jeff at Tiyo na ang bahalang maghatid kila Heya at iba pang mga ka-klaseng nandoon pa.
Dahil una naming dadaanan ang mansyon ng mga Sandajes. Si Liyk muna ang ibaba ko kesa kay Astepa.
“Hoy! Liyk! Gising!” niyugyog siya ni Astepa sa balikat. Nakayukyok ang ulo niya.
Kanina pa namin siya ginigising ngunit hindi kami nagtagumpay kahit ilang beses na siyang sinampal ni Astepa. Hindi malakas ang binibigay na sampal ngunit sa maraming beses na naulit ay namula ‘yon.
Sa katunayan naaawa na ako sa kanya, kanina ko pa pinipigilan si Astepa. Hindi naman kasi magising-gising ‘tong si Liyk.
Paano ba ‘to? Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng sasakyan ni Kuya sa harap ng gate ng mga Sandajes. Hindi rin namin kayang buhatin si Liyk dahil malayong malaki ang katawan niya sa aming dalawa ni Astepa.
Astepa’s body were almost the same like mine. Petite.
“Liyk! Gising!” Pero wala pa rin talaga. Ang hinayupak! humihilik pa!
Bumaba ako sa sasakyan at nilingon ang paligid kung may posibleng taong makikita sa dis-oras ng gabi. Siguro sa ibang pagkakataon matatakot ako pero ngayon at dahil kay Liyk… mas gustuhin kong may magpakita nalang bigla para sa kanya ko siya iiwan.
Umikot ako papunta kay Liyk. Binuksan ko ang pintuan, at sapilitang ginising na naman.
“Liyk, naman eh! Iiwan ka namin dito kapag hindi ka pa magigising!” si Astepa.
“Nandito na tayo, Liyk.” sabi ko.
Patuloy pa rin ang hilik niya.
Suko na ako! Nagmartsa ako patungo sa harap ng gate ng mga Sandajes… kahit gabing-gabi na, at kahit nakakahiya.
“Saan ka pupunta?” boses ni Astepa galing sa loob ng sasakyan.
“Hihingi ng tulong magbuhat kay Liyk.” atsaka gumawi sa malaking gate.
Umangat ang tingin ko sa pinakadulong taas ng gate ng mansion. Agad ko din ibinaba nang masilaw ako sa liwanag na nanggaling sa bombilyang nakasabit doon.
“Tao po!”
“Tao po!” sigaw ko.
“May tao ba diyan?!” Pinalakas ko pa ang boses ko.
Nakarinig ako ng lagitik at unti-unting bumuka ang gate. I even heard some voices inside.
Lumapit pa ako lalo para masilip ang loob. Kahit may kalayuan ang mismong magarang bahay sa kinatatayuan ko ngayon, kitang-kita ko pa rin ang mga nangyayari sa loob.
Pamilyar ang mga mukhang nakita. Ang iilan sa kanila’y pagewang-gewang ang lakad habang sapilitan ipasok sa loob ng kotse. Tila galing din sila sa inuman.
Mas mahihirapan pala ako sa paghatid kay Liyk.
“Manong!” tawag ko sa guard na nasa tabi ng gate.
Mukhang nagulat pa siya sa pagtawag ko sa kanya. “Sino ka? Ano’ng ginagawa mo diyan?” tanong niya nang mahimasmasan sa pagkagulat.
“Si Gregor po?” tanong ko. Tinutukoy ko ang kapatid ni Lyk.
Pasalamat ka Liyk dahil inatake ako ng konsiyensa, ayoko naman matulog ka rito sa labas habang pinag-fi-fiestahan ka ng mga lamok.
Kahit pa may duda ako sa mga grupong nakikita ko ngayon. Arrghh! How I hate you right now!
Kumunot ang noo niya. “Ano’ng kailangan mo kay Sir Gregor?”
“Kilala ako ni Gregor. Can I talk to him?” hilaw akong ngumiti.
Tinignan niya muna ako sa paa pataas, waring ine-examine. “Sige. Maghintay ka.” sabi niya.
Itinapat nito ang walkie talkie sa bibig at nagsimulang kausapin ang nasa kabila.
“Henry! Henry!” sabi niya.
“Bakit?” sa kabilang linya. Siguro siya ‘yong Henry na tinutukoy ni Manong guard.
“Si Sir Gregor? May naghahanap sa kanya dito. Babae… mukhang mayaman. Siguro isa sa mga babae ni Sir.”
Kahit pabulong ang pagkasabi sa huling sinabi naabot pa rin ng pandinig ko iyon.
I rolled my eyes when he picture me as one of Gregor’s girls in his mind.
Napatingin siya sa akin nang ibaba ang walkie talkie.
“Hintayin mo nalang daw siya dito. Palabas na ang sasakyan ni Sir.” sabi pa niyang titig na titig sa akin.
Gumilid ako. Tatlo ang palabas na kotse, hindi ko alam kung nasaan doon ang kotse ni Gregor....