“Aiana!” Tawag ng kuya Robert niya sa labas ng kwarto niya.
Inaantok pa rin na bumangon siya at idilat ang mata… Mataas na pala ang araw ng tumingin siya sa bintana ng kwarto niya.
“Yes kuya, ano Yun?..” inaantok niya pang tanong.
“Mark is here” sagot nito.
Napatigil siya at napatayo na… Pero muli niyang naalala ang nangyari kagabi… Panaginip lang ba iyun o totoo -tanong niya sa sarili pero nasagot agad yun ng makita niyang bukas ang bintana ng kwarto niya.
Alam niyang isinara niya iyun kagabi, at kung tutuosin hindi niya hinahayaang bukas ang bintana niya kapag matutulog siya lalo na kapag madilim o gabi na.
“Sandali maghihilamos muna ako” sagot na lang niya dito. “Bababa na lang ako”
Hindi niya alam bakit bigla siyang kinabahan ng sandaling yun… Agad na siyang pumasok ng banyo at agad na naghilamos at nagayos ng sarili.
At pagkaraan mg ilang minuto ay halos patakbo siyang bumaba ng second floor at tumungo sa sala kung saan nagaantay sa kanya si Mark.
Nadatnan niyang kausap nito ang kuya niya, at ng makita na siya ay nagpaalam ang kuya niya na aakyat muna sa second floor para tingnan si Lolo Gregorio.
Katahimikan ang sumunod na sandaling magkaharap sila… Tiningnan siya nito at siya naman ay nagiwas ng tingin.
“I ask your brother kung pwede kang lumabas ngayon…” Basag nito sa katahimikan.
“I am free, wala naman akong ibang lakad ngayon” nahihiya niyang wika dito.
“So, can we go out now?” Tanong nito.
“Sure, why not” mabilis na sagot niya.
Ngumiti na lang ito sa kanya, nahihiya naman siyang tumingin dito. Nagpaalam muna siya sa kanyang kuya at Lolo Gregorio bago umalis… May mga bantay na rin sa loob at labas ng gate ng bahay nila.
Umalis nga sila ng bahay dala ang bago niyang big bike. Oo bumili na siya ng sariling motor kasi nahihiya na siya kay Mark.
..
“Saan pala tayo pupunta?” Tanong niya dito habang nasa biyahe sila.
Ito na rin ang nagdrive ng motor niya..
“Saan mo gusto” balik na tanong nito sa kanya.
“Ikaw bahala” sagot na lang niya at yumakap dito mula sa likuran.
“Okay” wika nito.
Tinahak nga nila ang...