Kinabukasan nag-alinlangan pa akong pumasok. This is my first day at work! pero ‘tong isip ko nahahaluan ng kung anu-anong walang kabuluhan.
I shouldn’t let this to happen to me!
What happened to the wall you build, Candace? ‘Wag mong hayaan magiba nalang bigla!
Hindi ko mabilang kung pang ilang beses ko nang sinulyapan ang sarili sa salamin. Tila hindi pa nasisiyahan sa naging resulta sa pag-aayos… kaunting pulang mantsa sa magkabilang pisngi, ganoon din sa labi.
Simpleng ayos gaya ng gusto ko pero hindi mapakali sa harapan ng salamin. Nilapit ko pa lalo ang mukha ko, at pinitik ang imahe sa bandang noo sa salamin.
Wake up! This is your new life now, Candace. Be matured enough to show him that it’s all in the past between you and him. Just focus in the present, create another pages… more memorable and happiness.
Ang mapait mong nakaraan ay tatabunan ng masasayang nangyari sa kasalukuyan, at ‘yon ang babaunin mong alaala sa hinaharap, Candace.
“Magandang umaga, Ma’am Candace.” nakangiting bungad sa’kin nila Beth.
I smiled sweetly at them. “Good morning.”
I think Ate Fiya already told them about changing of position with me. Okay na din ‘yon para hindi ko na sila kailangan pang ipatawag sa pagpupulong.
Wala naman akong babaguhin ngayo’y ako na ang bagong mamahala, ganoon pa rin ang patakaran.
Sumunod ako kay Ate Fiya sa opisina nang mahagip ko ng tingin si Travis na nagpupunas sa parisukat na mesa ngunit sa akin naman siya nakatingin.
Binalewala ko nalang ang tingin niyang ‘yon. Para saan pa’t masasanay din ako.
Basta huwag ko lang hayaang lumaki ang apoy sisimulan niyang sindihan sa pagitan namin. Hindi ko hahayaan! Ngayong may relasyon sila ni Keith.
I can’t let myself be called the other woman… It can’t be.
Umupo ako swivel chair samantalang nasa harap ng cabinet si Ate Fiya at may inaayos doon.
Tumikhim ako para manakaw ko ang atensyon niya sa gusto kong itanong sa kanya.
Lumapit siya habang bitbit ang mga kinuhang folder at umupo sa upuan nasa harapan ng mesa.
“Ihiwalay ko na ‘to para hindi matambak doon, noong last year pa kasi ‘to.” tukoy niya sa mga folder.
Pinag-ekis ko ang dalawa kong baraso atsaka ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa.
“Ate Fiya, kailan pa siya dito?” tanong ko.
“Huh? Sinong siya?”
“Ahm, s-siya… ‘yong nagpupunas sa mesa kanina?” Ewan ko ba’t ‘di ko magawang bigkasin ang pangalan ng lalaking ‘yon.
Pahapyaw akong tinignan ni Ate Fiya, “Which among them?”
May kasama siyang nagpupunas kanina? Hmm. I didn’t noticed.
I tilted my head, at hinagod ang leeg. Hindi makapaniwalang mahihirapan akong sagutin iyon.
Come on, Ate Fiya! Hulaan mo! Sino ba ang bago sa kanila? Hindi ba niya napansin na nakatitig siya sa akin?
Gaga! Ano naman ang alam ni Ate Fiya doon? Atsaka isa pa, Candace, lahat sila nakatingin sa’yo! Siya lang talaga ang napansin mong nakatingin sa’yo!
“Ahh. Si Travis ba? For sure hindi sila Kevin at Diane dahil kilala mo na ang mga ‘yon.”
“Nitong buwan lang, Candace. Bakit?” may pagdududa sa kanyang tingin.
“Natanong ko lang. Pamilyar kasi ang mukha.” kibit balikat ko na parang isang hindi interesadong pag-usapan.
“Because he’s graduated at your school.”
“Kaya pala,” sabi ko pa.
“And famous to girls, too.” hagikgik pa ni Ate Fiya.
Umikot ang mata ko sa huli niyang sinabi. Masumbong nga ‘to kay Kuya.
Hindi ko na ‘yon pinansin pa, aminado naman akong totoo ang sinabi niya. Mas lalo na ngayong malaki ang pinagbago niya… tumangkad siya at mas lalong nahubog ang pangangatawan… mas lalong nadepina ang malalim niyang mata sa kanyang ‘gang balikat nitong buhok.
He became more intimidating… and attractive.
Ginugol ko ang oras ko sa loob ng opisina. Umalis si Ate Fiya dahil may pinasuyo saglit si Mama.
Someone knocked on the door. Bumalik muli ako sa pagkakaupo at inayos ang tindig pati buhok inayos ko kahit hindi naman magulo.
“Come in.”
Pumihit ang busol ng pintuan at iniluwa no’n si Travis.
“Aren’t you going to eat for lunch?” tanong niya nang tuluyan makalapit sa akin.
Wala sa sariling inangat ko ang palapulsuan ko upang tignan kung anong oras na.
1:25 na pala, ni hindi ko manlang namalayan.
Nang maalalang hindi pa nga ako kumain, biglang kumalam ang sikmura ko. Pati ba naman tiyan ko sang-ayon sa lalaking ‘to!
“Lalabas na ako.” I used the kind of voice to dismissed him. Hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa mga papel na nakakalat sa harapan ko.
“Mabuti naman.” bulong niya pero ‘di sinasadyang marinig ko.
Umangat ang ulo ko, sumalubong sa akin ang titig niya.
“May kailangan ka pa?” taas kilay kong tanong.
“Hinihintay kitang lumabas.”
Aba! Aba! Teka nga! Teka nga muna! Sino ba ang boss sa’ming dalawa?
“Bakit?”
“Naninigurado lang kung talagang lalabas ka, Ma’am.” and he emphasize the word ‘Ma’am’.
Naningkit ang mga mata ko nang tinalikuran niya ako bigla… binuksan nito ang pintuan at nginuso ang labasan. Silently telling me to go out.
Mas lalo lang akong nainis sa pagiging kalmado niya samantalang nagpupuyos ang damdamin ko sa inis… sa pagiging bossy niya.
Pati na rin sa sarili dahil kahit anong isigaw ng isip ko na tanggihan siya ay susundin pa rin ng katawan ko, tila may ibang nagkokontrol doon… walang iba kundi siya.
Patabog akong tumayo, at nagmartsang naglakad palabas nang hindi siya sinulyapan ng tingin kahit ramdam ko ang titig...