TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 5
Tahimik, yabag ng sapatos, huni ng pagbuklat ng aklat ang tanging naririnig ko dito sa library.
Nakasimangot akong tumayo ng walang ginawang ingay. Kinuha ang apat na libro upang palitan ng iba nang hindi ko mahanap ang pinapahanap ng Prof. namin sa Basic Grammar! Kung ano pa ‘yung minor subject… sila pa ‘yung nakikipag-unahan sa mga major!
Makalipas ang ilang segundo, bumalik ako ulit sa dati kong inuupuan bitbit ang may kabigatang tatlong libro.
Dumako ang tingin ko kila Keith at Bana. Seryosong nagsusulat si Keith sa notebook nito, si Bana naman ginawa atang tulugan ang library, nakasaksak ang earbuds sa tainga niya.
I wonder kung tapos na ba ni Bana ang pinapagawa ng aming Prof.? Kung tam*d ako, mas lalong dumoble ang katamar*n ni Bana sa’kin.
I scanned all the books. Parang gustong sumabog ang utak ko ng hindi ko pa rin mahanap iyon. Inilagay ang ilan takas kong buhok sa likod ng aking tainga. Kinagat ang pang-ibabang labi, tila doon ibinuhos ang frustation na nararamdaman.
Nang matapos ako, Bana’s sleepy head lifted, kinusot pa nito ang mga mata’t nag-inat.
Tumingin siya sa’kin, “Tapos ka na? Pakopya ako.” Nakangiting sabi niya.
Tumango nalang ako.
I took out my phone inside the pocket of my skirt. There’s no text, all clear, like the bright light of wednesday, August. Napatingin ako sa labas, sa may bintana kami nakapwesto, kita ang iilang estudyanteng nakakalat sa paligid, ang iba ay kasalukuyang nagkla-klase. Sumasayaw ang mga hulog na dahon dahil sa kagagawan ng ihip ng hangin. Sinundan ko ng tingin ang ibang dahon papuntang kanluran.
The view of the dancing leaves was replaced by a shadow. Inangat ko ang ulo upang tignan kung sino ang mapangahas na humarang sa pinapanuod ko.
“A-hm. Pwedeng magpaturo, Candace?” Si Hiron, classmate namin. Sabay kamot sa batok.
“Ako? Bakit?” Hindi makapaniwalang itinuro ko pa ang sarili ko.
Bakit hindi si Keith? Eh mas magaling siya kesa sa’kin? Sa pagkakaalam ko, palagi namang present itong si Hiron sa klase, kaya alam kong alam niyang si Keith ang palaging nasa una pagdating sa academics.
“Oo. Ikaw nga.” He said like a shy little boy. Narinig kong kumanta si Bana, pero boses nanunukso iyon! Nakisama pa si Keith!
Tumikhim ako’t marahang tumango. May ibubuga naman ako kahit ganito ako katamad mag-aral. Umurong ako ng kunti para may maupuan...