UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️Chapter 1: .•°Pagkupkup°•.
°JC’s pov;
Abala ako sa pagmamaneho habang may kausap sa telepono, pauwi na ako sa condo dahil tapus naman na ang trabaho ko sa paaralan.
Ako nga pala si John Clark Montemayor Jc in short, kasalukuyang nasa 25 na taong gulang na, lahat ata na sakin na hindi lamang sa panlabas na anyo ang makikitang kaaaya-aya sa akin kundi maging ang aking mga pag-uugali. Sa edad ko na ito ay marami rin akong mga ari-arian at negosyo ngunit kasalukuyang naka-focus ako sa pagtuturo sa sarili kung paaralan.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng biglang may dumaan na bata masasagasaan na sana ito buti nalang at agad kung naihinto ang sasakyan ko. Nagmamadali naman akong lumabas at tingnan ang batang babae at baka nasaktan ito.
“Okay ka lang ba bata? May masakit ba sayo?” Nag-aalala kung tanong habang masusing pinagmamasdan ang buong katawan nito, doon napansin kung isa itong batang pagala-gala dahil sa marumi nitong pangangatawan at sira-sirang kasuotan. Bukod doon agaw pansin din ang karga-karga niyang tuta.
“Pasensya na po tinulungan ko lang po yung tuta, tyaka maayos naman po ako. Pasensya na po talaga” paghingi ng tawad nito, “tyaka dina po ako...