UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND Kabanata 7


UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND
Kabanata 7:
“Mom, what she is doing here? Ang akala ko ba tayo lang ang nakatira dito tapos nandito ang babaeng yun. Sigurado ako na kukunin niya ang atensiyon ni dad para hiwalayan kayo!”.reklamo ni Mariel sa kanyang ina. Nandito sila ngayon sa kwarto ng mommmy niya na si Beatrice.
Kakatapos palang nila kumain ng tanghalian at panay ang reklamo nito ni Mariel sa Mommy niya na chill na chill lang sa nangyayari at walang pakialam sa mga sinasabi niya.
“Mom, are you listening!?”.may inis sa tono niya. Inirapan siya ng mommy niya bago ito magsalita.
“Can you please Mariel shut up your mouth, nakakasakit sa eardrums ko ang mga pinuputok ng butse mo eh”.Turan nito. Padabog na umupo sa kama ang dalaga at doon humalukipkip sa inis.
“So, hahayaan nyo nalang na nandito ang Zamora na yan. Paano kung may Plano pala siya at heto naman tayo hindi kumikilos”. iritadong wika ng dalaga. Muli siya inirapan ng ina.
“Kung may binabalak man siya, then do it. Basta wag lang niyang subukan na paglayuin saakin ang ama niya dahil magkakasubukan kami”. seryosong paliwanag niya.
“Eh, how about her mother? Alam na ba nito na kayo na ng asawa nito?”.
“I didn’t know kung alam niya but I’m sure nasabi na ng anak niya rito”.sagot nito.
“Eh, ikaw kamusta ang date nyo ni Angelo. Ano? Nakuha mo na ba ang tiwala niya?”.maarteng tanong nito sa anak. Ngumisi ang dalaga.
“Magaling ata itong anak nyo mom, of course. Nakuha ko ang buong tiwala niya kaya nga pati password nito sa bangko ay agad ibinigay nito, hahaha”.tawa nito na parang mangkukulam.
“Eh, tungkol dun sa Ex boyfriend mong si Logan? May balita ka pa ba dun?”.
Umirap ang dalaga ng banggitin ng Ina niya ang tungkol doon.
“I’m irritated to him, paano kasi panay ang called saakin habang nasa date kami ni Angelo kaya Angelo buy me a new phone”.at ipinakita pa...


nito ang mamahaling selpon. Mangha naman tumingin ang Ina doon.
“Di ba yan Yung bagong labas na exclusive phone, oh gosh ang swerte mo, my dear”. ngiting mangha nito.
Ngumisi lang ang dalaga bago ibalik sa loob ng bag niya ang selpon.
______
Pagkatapos ayusin ni Zamora but Zam for short. Iniayos niya kasi sa closet ang mga gamit niya. Didesidido talaga siya na dito na tumira. Balak niya talagang bantayan ang bawat galaw ng mag-inang iyun.
Naligo muna siya at pagkatapos ay nagsuot siya ng simpleng floral dress. Wala siyang gagawin ngayon at gusto niya maglibot-libot sa mansyon na ito para makabisado niya ang daan bawat sulok.
Sa alam niya kasi bagong bili ito ng dad niya. Malaki ito at malawak.
Pagkalabas niya ng kwarto ay bumaba siya at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Naabutan niya doon ang isang matanda na parang mayordoma dito.
“Kayo po pala, ma’am”.gulat na sabi nito ng mapansin siya. Ngumiti lang siya ng tipid.
“May kailangan po ba kayo, ma’am?”.
“Iinom sana ako ng tubig”.
“Ako nalang ho ang kukuha”.presenta nito. Tumango siya at umupo sa stoll.
Ibinigay nito ang isang basong malamig na tubig na kinuha nito sa reff.
“Salamat, ano po pala ang pangalan nyo?”.tanong niya.
“Nelia ho”.
“Hmm, nanay Nelia nalang po ang itatawag ko sainyo at tsaka Zam nalang po ang itawag nyo sa’kin”.ani niya. Tumango ito. Napatigil sila ng marinig nila ang sunod-sunod na dingdong bell sa labas ng gate.
“Ako nalang po ang bubukas?”.wika niya tumango ito.
Naglakad siya palabas hanggang sa makita niya ang gate. Hindi niya masyado makita ang tao dahil wala namang butas ang gate nila hindi katulad ng ibang gate.
Binuksan niya iyun at ngumiti sa taong kumatok pero ang ngiting iyun ay napalitan ng pagkagulat.
‘Anong ginagawa niya dito?’.pabulong niyang tanong ng makita ang lalaking gulat rin ito ng makita siya.
Walang iba kundi ang lalaking nakaonenight niya…..
A/N: Kyahhh nagmeet ulit sila🎉💖😍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top