UNTIL MY LAST BREATH Chapter 6


AUTHOR MISS . MYLEN GAAN
πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°SECOND CHANCE πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°
””””’πŸ₯°πŸ₯° UNTIL MY LAST BREATH πŸ₯°πŸ₯°
Maagang Gumising SI Cassie kinabukasan gusto niya kasing ibilad SA sikat Ng haring araw Ang alagang SI baby Joy . Iyon na Kasi Ang nakasanayan niya o sabihin na nating morning routine na niya yon every day. Ginising niya na Rin SI Irish para sabay na silang magbilad SA araw Ng kani kanilang mga alaga.
Pagkatapos nilang mabihisan Ang dalawang baby Ng ternong damit ay lumabas na sila Ng kanilang silid at pumunta na SA Hardin Ng mansiyon .Doon Kasi nila balak ibilad Ang kambal.
Good morning Cassie and Irish masiglang bati SA kanila Ni Nanay Russell . Ng Makita sila nito SA Hardin .
Good morning din PO Nanay Russell sabay na bati Ng dalawa.
Itinigil Ni Nanay Russell Ang pagdidilig Ng mga halaman at kinuha Ang towel na NASA balikat pinunasan Ang konteng pawis na tumulo SA mukha. At naghugas Ng kamay Pagkatapos ay lumapit SA dalawa
Pwede ko bang mabuhat sandali Ang kambal ?
Oo Naman PO Nanay Russell sagot Ni Cassie .
Buhat buhat Ni Nanay Russell SI baby Joy Ng siya namang paglabas Ni madam S . Nagmamadali pa Ito wari bay may emergency na nangyayari.
Sheenna anong meron at nagmamadali Kang umalis . Hindi mo man Lang hinalikan Ang mga Apo mo. Wika Ni Nanay Russell. Kay Madam S. Sheenna lamang Ang tawag Ni Nanay Russell Kay madam S .dahil SA iyon Ang gusto Ni madam S hindi na Kasi iba Ang Turing niya Kay Nanay Russell kundi para na ring Isang kapamilya.
Ay oo NGA pala . Pasensya na mga Apo ko . Nagmamadali Munna Ang Lola mommy . Need ko Kasi maabutan SI doctor Rebollo.
Anong kailangan mo Kay doctor Rebollo? May sakit kaba Sheena na hindi sinasabi ???
Wala PO nanay Russell. Pupuntahan ko SI doctor Rebollo dahil kakausapin ko Ito na Kung pwede ay pahiramin niya muna ako kahit 1 nurse Lang dahil kailangan namin SA hospital Wala pa kasing bagong na hired eh.
Nurse ba kamu??
Oo Nanay Russell.
Bakit kapa pupunta Kay doctor Rebollo Kung nandito SA bahay ay may nurse Naman Tayo.
Ano pong ibig niyong sabihin Nanay.
ABA Sheena nakalimutan mo na yata na nurse itong SI Cassie. Sagot Naman Ni Nanay Russell.
Oo NGA Noh! Bakit ba nawala SA isipan ko yon. Kaso Lang tanong gusto ba Kaya Ni Cassie bumalik SA pagiging nurse?.
It’s my honor PO madam nakangiting sagot niya.
Talaga hija. Thank you . Kung ganun mag asikaso kana para sabay na tayong pumunta Ng hospital. Nakangiting wika Ni madam S.
Sinong pupunta Ng hospital mommy? Sagot Naman Ni Maritess na noon ay papalapit SA kanila dala Ang mga bote Ng gatas Ng kambal.
Ahmm. Si Cassie , baby kailangan ko Kasi Ng dagdag na nurse ngayon SA hospital maaari ko ba siyang mahiram kahit habang nandito Lang Kayo at habang Wala pang nag aaply.
Sure mommy Kung okay Lang din Kay Cassie.
Wala pong problema ma’am maritess.
Don’t worry hija iba Ang sahod mo SA pagiging nurse at yon ay manggagaling SA akin .mismo at Yong sahod mo bilang Yaya Ni baby Joy ay Hindi Rin mawawala sayo. Nakangiting turan Ni Mrs Sandoval.
Madam okay na PO SA akin Ang sahod ko bilang Yaya. Kaligayahan ko PO Ang makatulong SA kapwa ko .at Isa pa PO madam malaki PO Ang utang na loob ko SA inyo SA kabutihan niyo SA akin Kaya kahit wag niyo na PO akong sahuran SA pagiging nurse ko . nakangiti pa SI Cassie habang sinasabi iyon.
no hija, Yan Naman Ang Hindi ko papayagan Ang Hindi mo tanggapin Ang sahod mo . magtatampo AKo SAyo. gusto mo bang magtampo ako SAyo?????
Cassie wag kana umapila pa , sinasabi ko sayo iba SI mommy magtampo . sagot Naman Ni Maritess.
Kayo na NGA Lang PO madam Ang bahala. Alam ko Naman PO na Wala Rin PO akong magiging panalo SA inyo eh.
Kung ganun hija pumanhik kana at magbihis , hihintayin na lamang Kita ditto SA Hardin.
tumalima Naman agad SI Cassie. sabik na Rin siyang bumalik SA dating trabaho bago pa siya naging Yaya Ni baby Joy. mabuti na NGA Lang at may Isang uniform na pang nurse siyang dala . sadyang itinulot na Rin siguro yon Ng pagkakataon SA kanya na maisama Ang Isang pirasong uniform SA bag Niya.
pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya at nagsuklay . nang masiguradong Wala Ng naiwan SA mga gamit Niya ay bumaba na siya para makaalis na .
madam Tara na PO , pagyayaya Niya Kay madam S.
OKAY let’s go hija,. hinalikan pa Ni madam S ANG KAMBAL maliban Kay baby Ismael Hindi pa Kasi Ito nailalabas Ng Yaya nitng m*LD*TA. . sumakay na siya SA likurang upuan Ng kotse . nagulat pa SI Cassie Ng bumukas muli Ang pinto SA tapat niya at pumasok SI madam S.
hija umusad ka doon Banda dito ako uupo SA tabi mo .
PO??? ditto po Kayo uupo?
yes hija don’t worry mas gusto k Lang talaga umupo SA likurang bahagi Ng kotse kaysa SA katabi Ng driver. may problema ba hija?.
eh Kasi madam ……. inamoy amoy pa Ang sarili .
natawa Ng mahina SI madam S. NANG MAKITA. Ang ginawa Ni Cassie. don’t worry hija mabango ka Naman eh Kaya wag Kang mag alala na baka mahilo ako SA amoy mo.
madami pa silang pinag kwentuhan , Hindi NGA nila namalayan na NASA tapat na pala sila Ng Sandoval hospital. Kung Hindi pa sinabi Ng driver.
good morning po madam sabay na bati Ng mga nurse na naroon Ng pumasok sila SA nurse and doctor station.
good morning din SA inyo, by the way may ipapakilala AKo SA inyo bilang Isa SA makakasama niyo rito. siya SI nurse Cassie Santiago from batanggas at pamangkin ko SA pinsan pagpapakilala SA kanya Ni madam S SA mga nurse na naroon.
may Iba na nakangiting bumati at nakipag kamay SA kanya may Iba Naman na tinaasan siya Ng kilay pagtingin Niya .
Cassie hija maiwan na Munna Kita rito SI Ruby na Ang bahala sayo. SI Ruby ay Ang pinaka head Ng mga nurse .
Ruby ikaw na Ang bahala SA pamangkin ko ha .
okay po madam.
pagkatalikod na pagkatalikod Ni madam S ay lumapit agad SA tabi niya SI Ruby at Ang Isang babaeng nagpakilalang Precious.
saan ka nakatira? tanong Ni Ruby ( may pagka chismosa din ehπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚).
SA mansiyon Nina madam S .
madam ? diba tita mo siya bakit madam Ang tawag mo SA kanya ? tanong Ni Precious.
ah ,,,,, eh,,,, Kasi ano….. nag iisip Ng maaaring isagot . tumingin Munna siya SA mga nandoon na naghihintay Ng kanyang sagot yong Isang nurse Nga na Isa SA nagtaas Ng kilay Ng tumingin siya kanina ay medyo nakaawang pa Ang labi dahil SA paghihintay SA kanyang...


sasabihin.
Kasi nandito tayo SA trabaho. kapag NASA mansiyon Lang kami Doon ko Lang tinatawag na tita SI madam . pagpapaliwanag Niya, umaasa siya na Sana ay maniwala Ang mga Ito SA paliwanag Niya.
ah kaya Naman pala wika Ni Ruby na tumango tango pa.
Caren where are you?
sir NASA bahay PO ako.
why are you still there , Diba ngayon Ang sinabi Kung araw na makikipag Kita ka SA asawa Ni
Alvin para samahan Ang mga Ito SA Manila SA Sandoval hospital.
yes sir, Hindi ko PO yon nakakalimutan sir, pero ano PO Kasi…..
anong ano? nauubosan na NG pasensiya SI mark , ayaw na ayaw Niya Kasi SA taong maraming pasakalye , Ang gusto niya ay direct to the point magsalita.
Ano PO kasi sir, may lagnat PO ako . At Hindi ko PO Kayang magbyahe sir.
Totoo ba Yan o ayaw mo Lang talaga akong sundin??
Sir totoo PO Kung gusto niyo PO magdadala PO ako Ng medical pagpasok ko sir. Sagot Ng kanyang secretary.
No need … Alam ko Naman na madali Lang makakuha Ng medical. Magbabayad ka Lang Ng 150 may medical kana. Turan Ni mark.
Kung ayaw niyong maniwala sir ,okay PO susundin ko PO Kayo sir kahit na Hindi ko talaga Kaya pipilitin ko nalang PO sir , pero kapag may nangyari PO SA akin at namatay ako . I sw*ar sir ikaw Ang unang una Kong mumultuhin.
Ang dami pang sinabing Wala namang kw* nt*. Mag asikaso kana at dadaanan Kita diyan SA inyo. Pagkatapos sabihin yon Ni Mark ay in off na niya Ang cellphone.
Kahit na giniginaw ay pinilit ni Caren na maghilamos. Gustuhin man niyang .maligo subalit ginaw na ginaw talaga siya. Saktong katatapos Lang magsuklay Ni Caren Ng marinig niya Ang sunod Sunod na busina Ng kotse. Nagmamadali na siyang lumabas . SA takot na magalit Ang amo.
Sumakay na siya agad SA likurang upuan Ng kotse . Pagkalapat na pagkalapat Ng pinto Ng kotse ay pinaandar na Ni mark Ang kotse at nagsimula na nilang tahakin Ang daan patungo SA meeting place nila Ni Alvin.
Tigil muna Kasi SI Alvin SA paghahanap Kay Sandra nakiusap kasi Ito na Kung maaari ay off muna niya dahil gusto niyang kasama siya SA pag punta Ng manila Ng kanyang mag ina para SA pagpapa gamot Ng kanyang anak. Na agad namang pinayagan Ni mark.
Nakarating Naman agad sila SA kinaroroonan Nina Alvin at Ang mag Ina nito. SA likurang upuan naupo Ang mag Ina Ni Alvin katabi SI Caren at SA driver seat Naman SI Alvin katabi nito SI mark. Ayaw Kasi pumayag Ni Alvin na Ang boss pang SI mark Ang magmamaneho Ng sasakyan. Kaya Hindi na kumontra pa SI mark. Ayaw din Naman niyang mapagod dahil may kalayuan Ang manila . Kung siya Lang Ang masusunod magdadala siya Ng driver at dahil SA nag offer na Rin Naman SI Alvin na Ito na Ang mag maneho ay Hindi na niya isinama SI mang Rodolfo Ang kanyang driver.
Bakit PO Ang init niyo ? Tanong Ng anak Ni Alvin na SI Carl Kay Caren.
Hindi umimik SI Caren dahil Ang totoo kanina pa siya nilalamig dahil SA aircon Ng sasakyan . Hindi Naman siya makapag reklamo dahil secretary lamang siya Kaya tinitiis nalang Niya Ang lamig na dulot Ng aircon.
Mama Ang init niya PO wikal Ni Carl sabay turo Kay Caren na nakapikit at nakasandal SA upuan Ng sasakyan.
Inilapit NGA Ni Sheryl Ang kamay SA noo Ni Caren at ganun nalang Ang gulat niya Ng mapatunayan na inaapoy NGA SA taas Ng lagnat Ang secretary Ng. Boss Ng kanyang asawa.
Alvin , tawag Ni Sheryl SA asawa.
Hmmm bakit ? Tanong nito na Hindi man Lang tumitingin SA gawi Ng asawa at nanatiling nakatutok Lang SA pagmamaneho Ang tingin.
Ah . Eh. Itong katabi Kong babae inaapoy SA lagnat Hindi na nakatiis na wika Ni Sheryl.
Sigurado kaba? Tanong Ni Alvin na sinulyapan Ang katabing boss na nakikinig Lang SA pag uusap nilang mag asawa.
Oo Kaya Kung pwede pakihinaan Ng konte Ang aircon . Medyo humina pa Ang boses Ng babae Ng banggitin Ang salitang paki hinaan Ang aircon nahihiya Kasi siya SA boss Ng asawa baka ano pa Ang isipin nito.
Bago pa sumagot SI Alvin SA sinabi Ng kanyang asawa ay SI Mark na mismo Ang naghina Ng aircon.
Ilang oras din Ang ginugol nila SA byahe bago nila narating Ang Sandoval hospital.
Nauna Ng pumasok Ang dalawang babae naiwan Sina Alvin at mark . Hinanapan pa Kasi nila Ng maaayos na parking area Ang kotse Ni Mark.
Wala SA dinadaanan Ang atensiyon Ni Cassie dahil SA pag aalala nakita niya Kasi SA pasilyo Ng hospital Ang Isa SA mga lalaking humabol SA kanya 3 years ago. Nakayuko siyang naglalakad patungo SA office Ni madam S. Ng mabangga siya SA malapad at matigas na bagay. Kahit hindi niya Ito tingnan Alam niyang hindi iyon pader . Lalo pa at nakita niya Ang dalawang sapatos nito. Dahan dahang iniangat Ni Cassie Ang kanyang nakayukong mukha . Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ay napalitan Ng galit Ng mapagsino Ang lalaking nakabanggaan niya.
Sandra mahinang bulalas Ni mark siya Kasi Ang lalaking NASA harapan Ni Cassie ngayon. Hindi alintana Ni mark Ang mga kasama at ilang naglalakad SA pathway Ng hospital. Niyakap Niya Ang nagulat na babae.
Subalit agad na itinulak Ni Cassie SI mark.at Isang malutong na sampal Ang pinadapo niya SA mukha nito.
M*NY*k. Hoy Mr! Hindi Kita kilala? Sino ka para yakapin ako??!!!! Pagalit na wika niya. Wala siyang choice kundi Ang magpanggap na Hindi niya kilala Ang lalaking kaharap.
Sandra ako to SI mark Montes . Ang best friend at kababata mo.
Sorry Mr. Hindi Kita kilala at Hindi Rin Sandra Ang pangalan ko. Turan Ni Cassie sabay lakad papalayo Kay Mark. Hindi na niya Kayang tumagal pa SA harapan Ni Mark. baka hindi na Lang mapigilan Ang kanyang sarili at bumigay siya . Ok sobrang namimiss niya Ang kababata Lalo PO at may puwang Ito SA puso niya Ito subalit SA tuwing naaalala niya Ang katotohanan na Ang ama nito Ang gustong magpapatay SA kanya nababalot Ng galit Ang puso niya.
Sir , okay Lang PO Kayo? Tanong Ni Caren .
Mukha ba akong okay!!!
Alvin gusto Kung alamin mo Ang tungkol SA background Ng babaeng iyon. Malakas Ang loob ko na siya at Yong pinapahanap ko sayo ay iisa.
Yes sir , ngayon niyo na ba gustong gawin ko??
Nope tommorow nalang . SA ngayon Yong pagpapa check up Ng anak mo Ang unahin mo . .
Caren ikaw na Ang bahala SA kanila tawagan mo nalang ako kapag tapos na Ang check up .may gagawin Lang ako. Wika Ni Mark.
Hindi na hinintay pa Ni Mark na sumagot Ang secretary niya tumalikod na siya para sundan Ang babaeng nakabanggaan niya na kamukha Ni Sandra. Malakas Ang hinala niya na SI Sandra yon. Lumipas man Ang ilang Taon pero Hindi nagbago Ang mala hugis pusong mukha nito.
Next o delete






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top