UNWANTED LOVE CHAPTER NINE


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER NINE
Halos hindi na makatingin si Trisha kay Bryan dahil sa narinig. Ngayong alam na niya na mahal siya ng binata ay naiilang na siya. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan iyon sa kanya pero iba ang sinasabi ng puso niya. Kailangan niyang pigilan iyon dahil hindi tama, saka gusto pa niyang malaman ang totoo. Baka kasi sa huli ay siya ang kawawa at talo.
Simula noon, maaga na siyang bumabangon at pumapasok. Nagbabaon nalang siya ng almusal at sa pwesto na siya kumakaen. Mga ilang linggo din siyang ganun kaya nagtataka na ang mga kasama niya sa bahay, maging ang anak niya. Nagtatampo na si Brayll dahil paggising niya wala na ang mommy niya. Hindi sanay ang bata sa ganun.
Tapos kapag gabi naman ay mabilis siyang natatapos kumaen, tapos nun ay pupunta na siya sa kwarto. Hindi na sila gaanong nakakapagusap. Maging si Bryan ay nahihiwagaan na sa kilos niya dahil kapag kinakausap siya ng binata ay iniiwasan niya o hindi na iniimikan.
Isang araw abala siya sa pagaayos ng mga bulaklak ng biglang dumating sina Bryan at Brayll. Kaka out lang ni Brayll sa school niya at dumeretso na sila doon.
“Oh anong ginagawa niyo dito? Wala ka bang pasok Bryan?”, ang nagtatakang tanong ni Trisha.
“Wala, meeting lang naman ngayon kaya wala na kong gagawin”, ang sabi ni Bryan na titig na titig sa mata ni Trisha.
“Ah ganun ba uwi nalang kayo masikip dito eh”, sabi ni Trisha na hindi komportable ang pinapakita kay Bryan para umuwi na sila.
“Ang ganda ng flower”, pagiiba ni Bryan sa usapan. Inaabot niya ang bulakbulak na nasa likuran ni Trisha. Sa ganung ginawa niya ay napadikit ang dibdib niya sa mukha ni Trisha. Naamoy niya ang mabangong buhok ni Trisha at napapikit siya.
Hindi naman maipaliwanag ni Trisha ang nararamdamang kaba, kilig at pagkataranta. Hindi niya alam kung itutulak niya si Bryan o hahayaan nalang niya ito sa posisyon nila. Pero nanaig ang sinasabi ng puso niya na hayaan nalang ang binata.
Ng makuha ni Bryan ang bulaklak ay nakahinga si Trisha ng maluwang. Hindi siya dapat kinakabahan kapag magkalapit sila ni Bryan dahil alam niyang nahahalata na iyon ng binata.
“Flower for you”, ang sabi ni Bryan sabay abot ang isang tangkay ng pink na rose. Ngumingiti-ngiti naman si Brayll habang pinagmamasdan ang dalawa.
“Thank you”, ang sambit ni Trisha at saka kinuha ang rose, hindi parin nawawala sa puso niya ang kilig at kaba.
“So baby samahan na natin si mommy na magbenta para makasama natin siyang umuwi”, ang sabi ni Bryan kay Brayll.
“Yes daddy, miss ko na po si mommy eh, hindi na niya ata tayo love”, ang sabi ni Brayll at saka yumuko na parang lumungkot.
“No baby love ko kayo ni daddy busy lang ako eh kaya Kailangan kong mag double time”, ang agad na sabi ni Trisha sa anak at hindi manlang pinag isipan ang sinabing ” love ko kayo ni daddy”. Nagbigay tuloy iyon ng saya sa bata.
“You mean love mo na din po si daddy Bryan?”, agad na sabi ni Brayll.
“Huh ahmmmm”, ang tanging nasabi lamang ni Trisha at saka tumingin kay Bryan. Naiinis siya sa pinakitang ngiti ng binata dahil parang gustong gusto pa nito ang tanong ng bata. Ngumingisi ito sabay kindat kay Trisha.
“No baby i mean i love him because his my friend, remember?”, ang natatarantang sagot ni Trisha.
“Yun lang ba?”, ang tanong ni Bryan.
Tumayo si Trisha at lumapit kay Bryan, kinurot niya ng pasimple ang balakang ng binata at binulong na ,” Ikaw talaga nasa harap natin ang bata baka kung ano pa matutunan niyan dahil sayo”.
“Awww it was nice, kurutin mo nga ako...


ulit”, ang natatawang bulong ni Bryan. Inirapan nalang siya ni Trisha.
Dahil malapit ang parke ay napagkasunduan nila Bryan at Brayll na doon na magbenta.
“Sir bili na kayo ng bulaklak, alam niyo po ba, binigyan lang ng Daddy ko ang mommy ko ng flower sabay sabing ” Flower for you” ngumiti na ang mommy tapos sinabi na niyang love niya ang daddy ko. Kaya bili na po kayo para sa babaeng laman ng puso niyo”, pang-aalok ni Brayll sa binebentahan.
Dahil sa tuwa ay bumbibili sila sa benta ng dalawa. Napakabibo ni Brayll kaya hindi nila ito matanggihan. Madali nilang nauubos ang paninda nila at nakailang balik na din sila sa shop para kumuha ulit ng ibebenta.
Dahil hindi na makatanggi si Trisha ay nakisabay na siyang umuwi. Pagkarating nila sa bahay ay nakaluto na si Manang Saleng kaya sabay na silang kumaen.
Nakatulog na agad si Brayll kaya naisipan ni Trisha na lumabas muna at magpahangin. Nakita siya ni Bryan kata sinundan niya ito. Laking gulat nalang niya ng yumakap si Bryan mula sa likuran niya.
“What are you doing?”, gulat na sabi ni Trisha at pilit tinutulak si Bryan gamit ang balikat niya pero di niya magawa dahil mahigpit ang yakap ng binata.
“Stay still, I want to feel this moment”, mahinang sabi ni Bryan.
Napahinto si Trisha dahil napansin niyang garalgal ang boses ni Bryan na parang pinipigilan ang iyak. Ilang saglit pa ay may pumatak na luha sa balikat niya. Alam niyang umiiyak na si Bryan pero hindi niya alam ang dahilan. Hinayaan nalang niya ito na nakayakap sakanya at dinadama niya ang bawat hikbi ng binata.
Huminto na si Bryan sa pag-iyak, unti-unti na din niyang tinatanggal ang kamay niya sa katawan ni Trisha. Humarap sakanya ito at nagtatanong ang mga mata. Pinunas niya ang luhang naiwan sa mata niya at saka tinanggal ang damit niya at pinunasan ang luhang nasa balikat ni Trisha.
Napanganga naman si Trisha dahil sa nakikitang hubad na katawan sa harapan niya. Matipuno ito may abs at malalaki ang dibdib, bumilis tuloy ang tibok ng puso niya lalo nat naaamoy na namang niya ang pabango ng binata.
“Sorry kung nagdrama ako ha, comfortable kasi ako kapag nakayakap sayo”, sabi ni Bryan.
“May problema ka ba? Pwede kang mag open up sakin”, suhestiyon ni Trisha.
Hindi sinagot ni Bryan ang tanong ni Trisha, bagkus ay nagpaalam na ito na matutulog at saka na umalis. Naiwan namang naguguluhan si Trisha dahil sa ginawa ng binata.
Kinabukasan, hindi pa nagising si Bryan. Kung kaya pinuntahan ni Trisha ang binata dahil nag-aalala parin siya. Hindi naka lock ang pinto kaya nangahas nalang siyang buksan iyon.
“Bryan gi. . .”, hindi na tinuloy ni Trisha ang sasabihin dahil sa nakitang itsura ni Bryan habang natutulog.
Nakaunat ang mga kamay nito at paa, nakasuot lang ng shorts at walang pang-itaas na damit. Hindi tuloy niya maiwasang hagudin ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa. Napapangiti nalang siya dahil para na siyang manyak kung makatingin sa katawan ng binata. Nagtagal siya sa ganung kalagayan ng limang minuto at saka na sinara ulit ang pinto.
Naramdaman naman ni Bryan na sinarado na ni Trisha ang pinto kaya unti-unti niyang binukas ulit ang kanyang mga mata. Gising na siya ng mga sandaling iyon, nakatulala nga lang dahil iniisip niya ang ginawa niya kagabi.
Unti-unting lumapad ang ngiti niya dahil alam niyang pinagmasdan siya ni Trisha. Sinadya niya talaga ang ayos niya para magpapansin, at ng hindi na niya mapigilan ang saya ay parang bata na nagpagulong-gulong sa kama niya. Ng hindi niya namalayan ay nahulog siya at tumama ang balakang niya sa sahig dahilan kaya nasaktan siya.
Kailan kaya ipagtatapat ni Bryan kay Trisha ang pagmamahal na nararamdaman niya? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top