A HUSBAND’S REGRET Chapter 16


A HUSBAND’S REGRET💔
💔Chapter 16💔
FLASHBACK
Habang pinagmamasdan ang sekretarya ng kaibigan ay di maiwasan ni Ivan ang makaramdam ng inggit kay Zach. Matagal na kasi siyang may gusto kay Samantha.
Ngunit kahit kailan ay hindi siya nito napagtuunan ng pansin at alam niyang si Zach ang gusto nito. Si Zach na lang ba palagi. Si Zach na lang lagi ang magaling.
” Sir Ivan kayo po pala wala pa po si boss.” Ngiti nitong sabi sa kanya. Makita niya lang ito ay kumpleto na ang araw niya, lagi siya nitong pinapangiti.
” Hindi siya ang pinunta ko dito, ikaw.”
Nagulat siya ng peke itong tumawa. ” Joke po ba yan sir? Gamitin niyo na lang po yang banat niyo sa girlfriend niyo po.”
” Bro. ” Kakausapin niya pa sana si Sam pero dumating na si Zach at ang sama ng tingin nito sa kanila. Kakaiba ang tingin nito kay Sam. Tila may ibig sabihin iyon.
” Ivan meet my girlfriend. ” Akmang aalis na si Sam doon pero hinawakan ni Zach ang kamay nito at pinagsikop ang kamay ng dalawa. Kita ang pagkahiya ni Sam.
” Kayo na?” Kunyari ay masaya niyang tanong at naeexcite na malaman ang sagot nito. Pero sa totoo lang ay sobrang sakit ng puso niya. Wala ng pag-asa pa.
Kita niya kung paano tignan ni Samantha ng puno ng pagmamahal si Zach. Ngumiti pa ito sa kanya na parang nahihiya may relasyon na nga ang dalawa. ” Congrats!”
Masaya niyang bati. Bakit ba palagi na lang siya ang natatalo? Ang atensyon ng mga tao palagi na lang si Zach ang nakakuha pati ba naman ang gusto niya?
Umuwi siya sa bahay niya na mainit ang ulo. Kulang na nga lang ay basagin niya ang lahat ng gamit doon. Mabuti na lang talaga at siya lang naroroon.
Ang mga magulang niya kasi ay nasa ibang bansa. Siya ang nag-aasikaso ng negosyo nila sa Pilipinas. Kailangan ay maging mas magaling siya kay Zach!
Nabalitaan niya na lang na ikakasal na ang dalawa. Masakit man para sa kanya ay dumalo siya sa kasal ng mga ito. Ngunit ni isang ngiti walang lumitaw sa labi niya.
Kitq niya kung paano nagpalakpakan ang mga tao dahil sa kasal na ng dalawa. Pero napunta ang pansin niya sa babaeng napakatalim ng titig kay Samantha.
Kilala niya ang babae. Si Claire iyon ang babaeng baliw na baliw sa kaibigan niya at isa sa mga naging fling nito. Kilala niya ang babae pero hindi siya nito kilala.
Matapos ang kasal ay pumunta na sila sa reception.Labis siyang nasasaktan sa nakikita. Kung paano sabay na ngumiti ang dalawa sa mga bisita lalo na si Sam.
” What will you do?” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Claire ng akmang lalapitan nito si Sam. Galit naman siyang tinignan ng babae matalim ang titig nito.
” I will f*cking k*ll that girl inagaw niya sa akin si Ivan.” Galit na saad nito. Hinila niya naman ito paalis doon. Nag-usap silang dalawa sa kotse niya ng maayos.
” What?!Are you crazy?! Ako lang ang lalabas na masama tapos mapupunta sayo ang babaeng yon? ” Diba yun naman ang gusto nito ang makuha si Zach.
” Alam kong anak lang ang gusto ni Zach sa kanya. Kaya sirain mo sila. Akitin mo si Zach then magiging sayo na siya at akin naman si Sam. ” Ngisi niyang sabi.
” B*liw b*liw ka sa babaeng yon ha? Di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.” Napatawa na lang siya sa sinabi nito.Higit na maayos dito si Samantha.
At doon nila sinimulang...


gawin ang plano. Minsan ay pumunta siya sa opisina ni Zach at nakita niya doong umiiyak si Sam kaya nilapitan niya naman ito para patahanin.
Mukhang ginagawa na ni Claire ang dapat nitong gawin. Ilang buwan na rin kasal si Samantha at Zach ngunit hindi pa rin ito nabubuntis.Masaya siya sa isiping iyon.
Hindi magtatagal ay alam niyang sa kanya din mapupunta si Sam kapag naghiwalay na ang dalawa dahil hindi nito agad mabigyan ng anak si Zach. Alam niya yon.
” Sir Ivan kayo po pala.”Saka ito nagpunas ng luha. ” Ivan na lang tutal asawa ka naman ng kaibigan ko.” Pinatahan niya ito at pinatawa.
Simula noon ay naging close silang dalawa. Siya na ang sinasabihan nito ng problema. Kapag nag-aaway ang dalawa.
At mas lalong nahulog ang loob niya rito.
” Sabi sakin ni Zach ay hihiwalayan niya na ang asawa niya.Masaya ka na ba makukuha mo na siya? Ikaw ang sasalo?” Ngiting sabi sa kanya ni Claire.
Pumunta ito sa bahay niya, lagi naman nito iyon ginagawa dahil doon sila nag-uusap. Noong gabing iyon ay nag-inom silang dalawa ngunit.
Di niya inaasahan na paggising niya ay katabi niya na ito sa kama at may bahid ng dugo ang bedsheet. F*ck may nangyari sa kanila. Inakala niya na ito si Samantha.
Pero para kay Claire ay wala lang naman iyon tuloy pa rin ang plano nila. Hanggang sa dumating na nga ang araw na hiniwalayan na nga ni Zach si Sam.
Kita niya ang pagkatulala nito habang nasa labas ng mansyon ni Zach. Alam niyang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Dala nito ang lahat ng gamit.
” Samantha.” Pumarada siya sa harapan nito saka siya lumabas ng kanyang sasakyan. Kita niya ang pamamaga ng mata nito dahil na rin sa kakaiyak.
“Ivan” Nasabi niya na lang nito. ” Come with me.” Sabi niya naman ito saka sumakay ng kotse. Sumunod namana ito sa kanya at ikinuwento nito ang lahat.
Kahit na alam niya naman mangyayari ang lahat ng iyon dahil planado nila iyon ni Claire. Pero ang hindi niya matanggap ay mahal na mahal pa rin nito si Zach.
” Pero Ivan mahal ko siya! Mahal na mahal siya lang meron ako…”Iyak nito sa kanya nandoon na sila sa bahay niya. Niyakap niya naman ito ng mahigpit. He loves her.
” Nandito ako Sam… Pwedeng ako na lang. “Nagulat ito sa sinabi niya.” Since then gusto na kita Sam pero kayo ng kaibigan ko.Kaya ko ibigay lahat, Sam. ”
” Sorry Ivan pero si Zach lang talaga.” Nasabi na lang nito. Pinatulog niya ito sa bakanteng kwarto sa bahay niya kahit doon na ito ay magiging masaya pa siya.
Ng umagang bumalik ito sa mansyon ay planado pa rin nila ni Claire ang lahat. Masayang siya ng sabihin nitong gusto nitong makaalis doon dahil sobrang sakit.
Sinabi pa nitong gagawin nito ang lahat basta ilayo niya ito doon. Nalaman niyang buntis na rin pala ito dahil nakita niyang hawak nitong PT kaya masaya siya.
” I love you Sam ako na lang at hindi kita sasaktan handa akong maging ama ng anak niyo ni Zach. Nandito ko aalagaan ko ko kayo.” Habang yakap niya ito.
Pumayag naman ito at sumama pa ito sa kanya papunta sa France. Sa wakas ay sa kanya na si Samantha. Nagtagumpay silang dalawa ni Claire sa kanilang plano.
Pero sisiguraduhin niyang hindi malalaman ni Samantha ang lahat lalo na ni Zach dahil sa kanya na si Sam pati na rin ang bata sa sinapupunan nito.Nanalo na siya.
Mga marites labas.Ano say niyo? 😌






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top