UNWANTED LOVE CHAPTER SIXTEEN


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER SIXTEEN
Habang linalakbay nila Trisha ang daan patungong ospital ay bumalik sa alaala niya ang anak. Si Brayll ang dahilan kaya natanggap na niya ang kanyang daddy Enricho.
Nung papasok na siya noon sa loob ng mansyon ay nakita niyang nasa sala si Brayll kasama ng isang katulong. Naglalaro ito sa mga laruang sasakyan at ng makita siya nito ay agad na yumakap.
“Thank God nakita na din kita anak”, umiiyak na wika ni Trisha.
“Don’t cry na mommy safe naman po ako dito kasama ni Daddy Lolo”, nakangiting wika ni Brayll.
Natigilan noon si Trisha, dahil alam niyang ano mang oras ay magkikita na sila ng kanyang ama. Sa buong buhay niya hindi pa niya ito nakikita kahit picture manlang pero heto siya ngayon at nasa bahay ng ama niya. Hindi niya alam kung handa na ba siya pero naiisip bay niyang umalis nalang para hindi na sila magkita.
“Mommy let’s go to daddy lolo’s room. May sakit po siya kaya hindi siya makakalabas”, paanyaya ni Brayll.
“Pero anak uwi na tayo naghihintay na ang daddy mo please”, pagdadahilan ni Trisha.
“Mommy, love ka ni daddy lolo, sabi niya sakin gusto ka niyang makita before he pass away”, malungkot na turan ni Brayll.
Mga salitang binitawan ni Brayll na nagpalambot sa puso niya, kaya wala siyang nagawa kundi pumasok sa kwartong kinaroroonan ng ama niya.
Mahimbing na natutulog noon si Don Enricho, may nakasaksak ng dextrose sa katawan niya. Nanghihina si Trisha na pinagmamasdan ang kanyang ama. Kamukha nga niya ito, para silang pinagbiyak na bunga sa itsura. Nasa singkwenta palang ito pero hindi maipagkakaila na may itsura pa Hindi niya masisisi kung bakit dalawang babae ang nagmahal sa kanyang ama.
Nauna ang kanyang ina na sinira ng ina ni Leo, kundi sana sumingit ang ina ni Leo ay masaya na silang namumuhay bilang isang buong pamilya. Dahil din sa mag-ina kaya nakagawa siya ng maling desisyon. Pero nakaraan na iyon kailangan na niyabg kalimutan.
Lumapit si Brayll sa kanyang lolo at saka hinalikan sa pisngi, dahilan upang magising ang matanda. Tumutulo na ang luha ni Trisha ng magtama ang kanilang mga mata. Pinilit ni Don Enricho na umupo upang makausao at mayakap ang anak ng maayos.
“Trisha anak”, banggit nj Don Enricho.
“D-daddy”, hagulgol ni Trisha dahil sa unang pagkakataon ay narinig na niya ang boses ng kanyang ama.
“Halika anak yakapin mo ang daddy”, umiiyak na ding wika ni Don Enricho.
Lumapit si Trisha at saka yumakap sa ama, isinandal niya ang ulo sa dibdib ng ama at saka umiyak ng umiyak ba parang bata. Yakap ng ama na matagal niyang hindi naranasan, na dati ay pangarap niya ngayon ay natupad na. Rinig din niya ang bawat paghikbi na kanyang ama, nagbigay iyon ng sakit sa kalooban dahil pinagkaitan sila ng tadhana na magkasama.
“Sa wakas anak nayakap na din kita matagal na kitang gustong makita, simula nung nalaman kong may anak ako lagi kong pinagdadasal na sana dumating ang isang araw na makasama kita”, wika ni Don Enricho.
“Daddy mahal kita andito na ako daddy, sorry po kung naisip kong magalit sayo”, wika ni Trisha.
“Ako dapat ang magsorry sayo anak kasi pinabayaan kita, hindi ko ipinaglaban ang pagmamahalan namin ng ina mo, kumusta na pala siya?”, sabi ni Don Enricho habang hinahaplos ang buhok ni Trisha.
Isinalaysay ni Trisha ang tungkol sa kanyang ina, maging ang buhay niya ay naikwento niya na din. Nalaman ni Trisha na nalaman agad nito ang tungkol sa kanya, at ang pananakit nila Leo. Sa panahong iyon nalaman din ng Don na hindi nito anak si Leo. Dahil sa galit ay pinalayad niya ang mga ito at pumunta ng Italy, sa ama ni Leo.
Mag-isa na noon si Don Enricho at si Attorney Federico lang ang tanging...


naiwan sa tabi niya. Sinubukan nitong hanapin si Trisha pero hindi nito mahanap, at ng nalaman nito ang kinaroroonan ni Trisha mula kay Attorney Federico ay pinauwi niya si Leo pakiusapan ang anak na magkita sila. Pero hindi alam ng Don na dinamay ni Leo si Brayll kaya nagalit siya pero wala na siyang magagawa pa.
Nagkaayos si Trisha at ang kanyang ama dahil kay Brayll, dahil sa pakiusap ng anak kaya niya natanggap ulit ang ama. Pero ngayon nasa ospital si Brayll at hindi niya maintindihan kung napano ito, kung bakit siya nahilo. Hindi naman ganun dati ang anak, malusog naman ito at hindi sakitin.
Pagkababa niya sa kotse ay patakbo siyang pumunta sa ward at tinanong ang room number ni Brayll. Ng mahanap niya ito ay agad siyang pumasok. Nanghina ang mga tuhod niya, mabigat ang mga paa niyang humahakbang palapit sa anak. Sa dami ng aparato sa tabi ng bata at mga nakasaksak na dextrose sa katawan niya ay parang namamatay si Trisha.
Naguguluhan siya kung bakit ganun kadami ang nakakabit sa katawan ng anak. Mahimbing natutulog ito na parang walang masakit, mala anghel parin ang mukha nitong gustong gusto niyang pagmasadan. Si Manang Saleng ay nakaupo sa gilid ng kama Brayll samantalang nakaupo din sa kabila si Bryan at hawak-hawak ang munting kamay ni Brayll.
Umiiyak si Trisha na lumapit sa anak at hinawakan ang kamay nito. Napaluhod na din siya dahil nasasaktan siya sa nakikita. Inalalayan siya ni Bryan at pinapatahan. Huminto lang siya ng bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.
“Kayo po ang ina ng bata?”, tanong ng doktor.
“Ako nga po, ano bang nangyari sa anak ko?”, tanong ni Trisha.
“Ma’am, Brayll has anemia. Nahuhulog na ito sa leukemia, naaapektuhan na ang kanyang bone marrow and pakunti na ng pakunti ang red blood cells niya”, malungkot ba wika ng doktor.
“Wait what? Leukemia?”, kinakabahang tanong ni Bryan.
“Yes sir, ilang oras nalang pwede ba itong mahulog sa leukemia, ang pagkahilo niya ang hudyat at na stress siya kaya hindi na niya ito napigilan”, paliwanag ng doktor.
“Pero doc wala naman po kaming nakita na sign na may anemia ang anak ko, ngayon lang po nangyari sakanya na mahilo”, sambit ni Trisha na patuloy ang pag-iyak.
“Nararamdaman na po niya ang sign pero baka hindi niya sinasabi sa inyo. And now were going to survive him”, wika ng doktor.
“What shall we do doc?”, tanong ni Bryan.
“We need a blood to transplant it to his body. We need an operation, aalisin namin ang ilan sa white blood cells sa katawan niya at sasalinan ng dugo. Pero ang dugong ito ay kailangang match sa white blood cells niya para hindi magkaabirya. Kailangan matanggap din ng bone marrow niya ang dugo, mas maigi kung dugo ng kamag-anak niya”, paliwanag ng doktor at saka na nagpaalam na umalis upang ma examin ang dugo ni Brayll para mahanapan nila ng kamatch nito.
“We need Leo kailangan siya ni Brayll”, saad ni Trisha.
“Why dina siya kailangan”, bulalas ni Bryan.
“Sinabi niya sakin na siya ang ama ni Brayll, hindi ko hahayaang mamatay ang anak ko Bryan”, sigaw ni Trisha.
“No, Brayll needs my blood”, mahinang sabi ni Bryan.
“Anong ibig mong sabihin?”, nagtatakang tanong ni Trisha.
“Sa ngayon gusto ko ng magsorry sayo, but this is not the right time para magpaliwanag. Ililigtas ko ang anak natin, I made a mistake but I’m hoping that you will forgive me”, wika ni Bryan habang hinahaplos ang mukha ni Trisha.
“I love you more than anything”, wika ni Bryan at hinalikan sa labi si Trisha at saka na umalis.
Naiwan si Trisha at Manang Saleng na nagtataka sa sinasabi ni Bryan.
Abangan sa susunod na kabanata kung paano malalaman ni Trisha ang mapait na katotohanan kung sino ang ama ng anak niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top