Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 8.1


Sumigaw ang madaldal na kaklase kong si GiL. Kalalaking tao ey napakaingay.
“HOY ESANG UMALIS KA JAN.,NAKAHARANG KA SA KRAS NI JINO AYEEEEEHHHHH.. “sigaw neto..
BigLa akong tumabi at nakitang nakasunod pala sa akin si Marie.. Ang Muse sa klasrom namin.
“Hoy Marie. KRas ka daw ni Jino. “sabi pa neto.
Tiningnan ko si Marie at nakita kong proud na proud pa ito.
“Gandang ganda sa sarili tsk” inis na buLong ko habang naglalakad papunta bandang likod kung saan nandun ang upuan ko.
PatuLoy ang ingay at asaran ng mga Klasmeyt kong Lalaki. At si Marie ayun nakipag Jamming pa sa mga ito.
Di ko alam pero parang naiinis ako. Nakakainis kase ang ingay nila o nakakainis kse Akala ko ako yun 😭.
SinuLyapan ko si Jino na pangiti ngiti pa habang tinutulak tulak sya sa balikat ng mga klasmeyt kong Lalaki.
“Wow hah?? Gustong gusto din! “bulong ko.
Kinuha ko ang notebook ko at sa likod sinuLat ko ang salitang GALIT AKO SAYO JINO.
Natahimik namn ang Lahat ng pumasok ang MAPEH teacher namin.
Discuss
Discuss
Discuss
Pero di ako nakikinig. Mas makikinig ako sa puso kong naiinis.
Uwian na namin pero bago kami umuwe ay kailangan muna namin mag igib ng tubig para sa tanim naming mga buLaklak at kanya kanyang rooms ay may nakatukang garden na dapat alagaan.
“Esang tara na. Sabay tayo.. Ikaw na magtimba ng mga gallon natin at ako na bahala magbuhat “, si Jino
“Tsk. Kaya ko naman to ey ,” pagtataray ko dito.
Pagkatapos kung lagyan ng tubig yung galon ko ay iniwan ko na sya. Bahala sya at nabubuwisit ako sa kanya.
Mabilis lumipas ang araw at di na kame nagpapansinan ni Jino. Siguro dahiL naramdaman nya ang pag iwas ko sa kanya.
” Kras mo no? Aminin mo na.. Halata ey.. ” si Maris ang Mahilig sa pocketbook.
“Oo nga. Akala mo di namin nabasa...


yung sinulat mo sa likod ng notebook mo.. “sabi nman ni ApriL.
“Sino ba yang sinasabi nyong kras ko. Saka anong sulat? ” tanong ko sa mga ito.
Sa paglipas ng araw ay naging close na kameng tatlo. Sa katunayan dito kame sa ilalin ng puno ng santol na malapit sa room namin at nakaupo habang nagbabasa kameng tatlo ng pocketbook na binabasa ni Maris. Nakapalaman lng ito sa libro nya. Para di kame mahuLi ng mga teacher kse BAWAL yun.
“asus kunyare ka pa ‘ eh sino nga yun maris? ‘ pangangalabit pa nito sa pinsan nya
“Ah. Yung FLAMES nya sa notebook at yung Pangalan nila ni Jino ang nakasulat. “sagot nman nito..
“Sweet pa nga yung sagot eh”,dagdag pa neto
“Gaga! Married yun” pagtatama nman ni ApriL.
“hoy. Wag kayo maingay! Baka may makarinig nakakahiya “saway ko sa mga ito ng pabulong.
“Aminin mo muna. “sabi pa ni ApriL
“Oo na. Kras ko na sya pero Secret lng natin aa. “,sabi ko nman “saka Enemies ko na sya ngayon “,dagdag ko pa.
Madaming araw na ang lumipas at nanatili paring secreto ang pagtingin ko kay Jino.minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin kaya napapaiwas nako agad ng tingin.. Di ko alam pero parang nahihiya ako.
At minsan naiinis ako kase nahuhuli ko syang kausap yung Kras daw nyang si Marie sabi ni GiL.
Isang araw naging partner ko ulit sya sa P. E ..
At kahit ayaw ko syang kausapin ay napiLitan ako..
“ok na ba to?? ” tanong nya ng pinakita ang drawing nyang gubat kuno na nakalbo.
“oo nman ang ganda “, sabi ko. Totoo nman magaling syang nagdrawing..
Habang kinukulayan ko ang gawa nya’y di ko sinasadyang tanongin sya
” Kras mo ba ako??? ”
-itutuLoy
Ui.. May kras na ang Esang natin mga Readers πŸ˜‚
sa mga nagtatanong po kung TRUE STORY ito ay HINDI po πŸ™‚
Gawa gawa ko lng po ang Kwento πŸ™‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top