UNWANTED LOVE CHAPTER THREE


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER THREE
Makalipas ang isang oras huminto ang taxi sa isang bar malapit sa dagat. Bumaba si Trisha at pumasok sa loob, nararamdaman niya ang masarap na simoy ng hanging mula sa dagat dahil open ang bar at masarap sa pakiramdam. Deretso siya sa loob at halos lahat na ng mesa ay puno na, mabuti nalang at mag-isa siya kaya madali siyang nakahanap ng mauupuhan.
“Ma’am anong order niyo?” ang tanong ng waiter na lumapit sa kanya.
“3 glass of tequila”, wala sa loob niyang sinabi.
Pagkaalis ng waiter ay umiyak ulit siya. Humihikbi, mabuti nalang at malakas ang tugtog kaya hindi iyon naririnig ng iba. Tinatanong niya ang sarili kung ano ang kasalanan niya at bakit pati siya idadamay nilang paghigantian. Bakit kailangan pa nilang maghiganti? Mawawala ba ang kasalanan ng ina niya na sinasabi nila kung makakapaghiganti na sila?
Pagkalapag ng waiter ang 3 baso ng tequila ay linagok niya agad ang isa. Napapikit siya dahil sa mainit at mahapdi na umagos sa lalamunan niya. Hindi siya sanay uminom ng matatapang na alak pero heto siya at sinusubukan iyon. Naubos na niya ang dalawa at lasing na siya, pero pinipilit pa niyang inumin ang pangatlo.
“Ano may kasalanan ba ako huh? Nagmahal lang ako ah, tapos sa kapatid ko pa. Alam naman pala niyang kapatid niya ako bakit niya ako pinaibig. Dahil daw sa lintik na paghihiganti, nakuuuu magsama silang mag-ina”, ang sabi ni Trisha habang hawak ang baso at kinakausap ito.
Ngumingiti-ngiti pa siya habang hinahaplos ang baso na may laman pang alak. Pagkatapos niyang uminom ng kunti ay saka ulit siya iiyak. Tinawag niya ulit ang waiter at umorder ng isa pang baso ng tequila.
“Ma’am lasing na po kayo”, ang sabi ng waiter.
“Hoy sino ka para pigilan ako huh? Babayaran ko naman to eh, bigyan mo na ako dali!”, ang lasing na sabi ni Trisha. Sumunod nalang ang waiter dahil nagwawala na si Trisha.
“Kanino yan?”, ang tanong ng lalaki na hinarang ang waiter papunta kay Trisha na dala ang alak.
“Sa babaeng yun sir kanina pa siya umiinom naka tatlong baso na, tequila pa naman”, ang sagot ng waiter at saka na naglakad.
Lasing na lasing na si Trisha at isinandal na ang katawan sa upuan. Masakit na ang ulo niya,ang mata niya at lalo na ang puso niya. Umagos ulit ang luha niya ng maalala niya ang ginawa ni Leo.
Munting na siyang nahulog sa pagkakaupo, mabuti nalang at nahawakan siya ng lalaki at napayakap siya dito. Nginitian niya ang lalaki at saka yumakap ng mahigpit.
“Your so handsome mmm”, ang bulong ni Trisha sa tainga ng lalaki.
Isinandal na niya ang ulo sa balikat ng lalaki at nakaramdam siya ng kapayapaan lalo na hinahagod ng lalaki ang kanyang likod. Nagbigay iyon sakanya ng gaan ng pakiramdam kung kaya tuluyan na siyang nakatulog.
Hindi na namalayan ni Trisha na binuhat siya ng lalaki, naramdaman nalang niya na ibinababa na siya sa kama. Dahan-dahan siyang binitawan ng lalaki pero hinila niya ang kamay nito kung kaya napasubsub ang lalaki sa katawan ni Trisha.
“Don’t leave me please”, ang hagulgol ni Trisha.
Pinahid ng lalaki ang luhang dumaloy sa sa pisngi ni Trisha. Hinawakan naman ng dalaga ang mukha ng lalaki at pilit minumulat ang malamlam niyang mata para makita ang imahe ng lalaki. Ngunit sadyang mabigat na ang talukap ng mata niya kung kaya hinaplos nalang niya ang mukha nito.
Kahit hindi...


niya nakikita ay gwapo ang lalaki, makapal ang kilay, matangos ang ilong. Ngunit mahahaba na ang bigote at balbas nito na, hindi na ito nakapag-ahit ng ilang buwan. Alam niya ding matipono dahil nararamdaman niya ang katawan ng lalaki na nakapatong sa katawan niya.
Napapangiti nalang siya kapag hinahaplos din ng lalaki ang mukha niya. Nagbibigay iyon ng milyo milyong boltahe sa katawan niya. Dahil siguro sa epekto ng alak kaya ganun nalang ang nararamdaman niya.
Hinalikan siya ng lalaki, bumawi din siya hanggang sa ang simpleng halik ay naging mapusok. The man slowly touch her body and remove her clothes. Gusto man niyang pigilan pero nangingibabaw sakanya ang init na nararamdaman niya dahil sa ginagawa ng lalaki.
She make a move too, bagay na hindi din napigilan ng lalaking kasama niya. This man kiss her body, her everything. When he come to the top Trisha push him away because she felt a pain.
“I will be gently baby, i will”, ang bulong ng lalaki at itinuloy ang ginagawa.
Bakas sa mukha ni Trisha ang ibat ibang emosyon, pain and satisfying of happiness. The room full of whispering.
Madaling araw na ng magising si Trisha, masakit ang kanyang ulo at katawan, specially her private area. Wala na siyang damit at tanging kumot nalang ang nakatakip sa katawan niya. Wala na din ang lalaki sa kwartong iyon at pilit iniaalala ni Trisha ang nangyari.
Nagulat siya ng mapansing may dugo sa kama, doon niya napagtanto na naibigay na pala niya ang kanyang babae sa hindi niya kilalang lalaki. Naiinis siya sa sarili at lalong lalo na sa lalaki na iniwan siya pagkatapos nitong makuha ang gusto nito sakanya.
Nagmamadali siyang nagdamit, tatakas siya dahil wala siyang ibabayad sa room na kinalalagyan niya. Paglabas niya ay madilim pa ang paligid at napansin niyang malapit din sa dagat ang hotel na kinalalagyan niya. Pagbaba niya ay nakita niya ang bar na pinuntahan niya, ibig sabihin nun ay magkasama ang bar at hotel, isang resort.
Nagmadali siyang tumakas at hindi na napansin ang pangalan ng resort. Hindi na niya alam ang gagawin, at kung saan siya pupunta. Dahil nahimasmasan man siya sa pagkalasing ay bumalik naman ang sakit na nararamdaman niya.
Hinintay niyang magbukas ang bilihan ng mga damit, bumili siya ng maisusuot niya at saka pumunta sa isang hotel malapit sa bayan at dokn naligo. Kinuskos niya ang katawan niya ng sabon at nagbabad sa tubig para matanggal ang amoy ng alak at ang laway ng lalaking nakaniig niya. Umiiyak siya habang ginagawa iyon, at pinagdadasal din niya na sana hindi siya mabuntis.
Ng makapag-isip na siya ng maayos, ay balak niyang bumalik sa kanyang ina. Linabas niya lahat ng pera niya sa bangko at saka iyon pina cut off, nagpalit na din siya ng number para hindi siya makontak ng kahit sino. Gumawa din siya ng sulat para sa kanyang tito at tita at iniwan iyon sa mailbox ng kanilang bahay. Gumawa din siya para kay Cindy at iniwan iyon sa office nito.
Pagkatapos nun ay bumyahe na siya pa Manila, tatanungin niya ang kanyang ima tungkol sa tunay niyang ama dahil gamun na lamang ang pananakit ng maginang Leo sakanya. Dahil simula noong nagkamalay siya ay sinabi lamang nito na patay na ang ama niya sa isang aksidente.
Sasabihin kaya ng ina ni Trisha ang tungkol sa tunay ba ama nito? O paniniwalain parin siya ng kanyang ina na patay na ang ama niya? Abangan sa susunod na kabanata.
PASENSYA NA PO LATE SA PAG UPDATE MAY GINAWA KASI AKO😁😁😁






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top