___
Nasa labas ako ngayon ng bahay habang nanunuod sa mga anak Kong masayang nag lalaro ng bago nilang Laruan na pasalubong ng Ninang Jenny nila ,yes may dalawa akong cute na cute na twins sila Stepen at stepani , habang naka tingin ako sa kanila diko maiwasang mag isip kung sino ba talaga ako or. Saan ako ng galing. Hanggang ngayon wala parin akong maalala sa naka raan ko 3years na ang nakalipas.
FLASHBACK
Pagka gising ko napabalikwas ako dahil napansin kong nasa Hospital ako “nasan ako ” bakit ako nandito” anong ng yare ?” Paulit ulit na tinatanong ko saaking sarili. Napatingin ako sa pintuan na bumukas. Niluwa duon isang babae palagay ko isang doctor ayon sa suot niya at kasunod dalawang taong sa palagay ko nasa 50 years old na sila ,lumapit saakin ang matandang babae sabay haplos sa buhok ko.
“Kumusta kana iha? “May masakit ba sayo? ” tanong ginang at lumapit narin ang lalake sa palagay ko asawa niya ito
“Ano pong ng yare bakit ako nandito at...