WAITING IS PART OF FINDING”
By: Marinella
Naaalala ko pa noon ang sabi sa akin ng lola ko tungkol sa pag ibig. Sinabi nya na mahahanap mo ang tamang tao para sa’yo sa tamang panahon.
Sinabi nya rin na “Waiting is part of finding” na ang ibig sabihin ay kailangan mong maghintay upang mahanap ang taong nararapat.
Back on High school, Grade 9 ako that time. I start to have feelings with someone, his name is Jhon Mark. He was my classmate that time at isa sya sa pinaka makulit na lalaking nakilala ko. Palibhasa ay tahimik akong babae, hindi kami masyadong nagkaka usap, at kung mag usap man kami ay tuwing may activity lang. Paminsa minsan ay nahuhuli ko syang timitingin sa akin.
Dahil isa akong babae, dakilang marupok— I start to assume that he likes me. Oo! Simula nang palagi nya akong tinitignan, nagkagusto ako sa kanya. Minsan hindi ko maiwasang kiligin kapag ngumingiti sya kahit hindi naman para sa akin. I kept my feelings for him hanggang sa maging Senior high na kami.
The way he talk, smile and laugh makes my heart flutter. Kapag malapit sya sa upuan ko ay kumakabog agad ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang kabahan, lalo na kapag kinakausap nya ako.
Noong una okay na ako na patagong humahanga sa kanya, not until the Valentine’s Day came.
“Pwede ba kitang ligawan, Lyzyl?”
Namumutla akong nakatitig kay Jhon. Pinapakiramdaman ko ang pintig ng puso ko.
Did he just say he will court me?
“Gusto kita, gustong gusto kita”
His words ring in my head again and again. I was so overwhelmed that time, the guy I like wants to court me.
“Handa ka bang saluhin ang bala ng baril ng tatay ko?” pabiro kong wika, pero napakamot sya sa batok nya.
“Hindi ko iyon kayang saluhin, pero handa akong matamaan basta ba ikaw ang mag aalaga sa’kin.”
Kinilig ako sa sinagot nya. Humalakhak ako at ganon din sya.
“Kaya mo bang mag hintay?” iyon ang tanong na matagal bago nya sagutin. Kinabahan ako, what if bawiin nya ang confession nya? What if ayaw nya na naghihintay?
“Kaya ko… Kakayanin ko”
And with that, he wait for the time when I’ll say yes.
Years passed he’s still waiting, College na kami and we’re still on courting stage. Minsan nagdi-date kami sa simbahan. Yes, sa simbahan. My parents we’re too strict kaya nakakapag date lang kami sa simbahan. Ako, siya at ang pamilya ko.
Tumingin ako sa gilid ko and I saw him there, smiling at me.
“Peace be with you”
“Peace be with you”
My parents are too busy saying their ‘Peace be with you’ with the people in the church. Iyon ang pagkakataon ni Jhon para halikan ako sa pisngi.
Nang dumampi ang labi nya sa pisngi ko ay kabado akong napatingin kay mama at papa na nasa kabilang upuan.
Phew!
Taas kilay ko syang tinignan. Humalakhak lamang siya atsaka kumindat.
Siraulo rin eh.
—
Until graduation day came. Nag usap kami sa loob ng room at tinanong nya ako kung ano na ba ang lagay namin.
“I love you Lyzyl. Kailan mo ba ako balak sagutin?” nakasimangot na wika niya. Napakagat ako sa labi dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Ang totoo ay mahal ko rin sya, pero natatakot ako lalo pa at hindi ko sinasabi kay mama at papa na mahal ko si Jhon.
“I’m sorry Jhon, pero hindi pa sa ngayon eh.”
Lumungkot ang mukha nya at napakurap. Iniwas nya ang tingin sa akin at ibinaling ito sa labas ng room. Sandaling tumahamik ang paligid namin hanggang sa magsalita ulit sya.
“I’m waiting for almost 7 years. I waited since we’re on highschool, ‘til senior high at hanggang ngayon Graduate na tayo ng College. Mahal mo ba talaga ako Lyzyl?” ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Napapagod na sya sa paghihintay.
“Mahal kita Jhon. Let me ask my parents first. Please?”
Tumingin sya sa akin at makaraan ang ilang segundo ay tumango. Hinalikan nya ako sa noo at lumabas ng room.
Naiwan akong mag isa at inisip kung ano ang dapat gawin. Mahal ko si Jhon pero hindi ko alam kung papayag ang magulang...