WALANG COMEBACK SA AYUDA


“ Shocks, ang pogi nung nag-aabot ng ayuda oh! ” kilig na kilig na saad ng best friend kong nasa likuran ko lamang.
Kanina pa siyang ganyan at kanina pa din kaming bilad sa arawan habang nakapila dito sa barangay hall, naghihintay na mabigyan ng ayuda.
Humarap, “ Tumigil ka nga, hindi hamak na mas gwapo ako diyan. ” napangiwi naman siya.
“ Ayusin mo nga facemask mong timer ka. ” natatawang saway ko ng makitang tagtag na ang facemask nito.
Nakita kong nainis siya sa huling sinabi ko kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran.
Totoo naman eh, ang dami dami niyang pinagsabay-sabay syotain tapos parang ngayon lang nakakita ng gwapo.
Napapunas ako sa noo ng maramdaman ang pagtulo ng pawis. Wala man lang papayong ang barangay.
“ Bess, nakatingin siya sa’kin! ”
Binalewala ko na lang ang sinabi niya dahil ako na ang susunod na...


mabibigyan. Hindi na ako tumingin pa sa nag-aabot at tinanggap na lang ang isang plastik ng ayuda.
“ Kuya, ‘yung ayuda ko po huwag niyo ng ipagdamot. ” ani ko bago nagtaas ng tingin sa tulalang nag-aabot.
Mukha namang natauhan siya bago natatawang binitawan ang ayuda.
“ I’m Timothy Deogracia. You are? ”
“ Francis Cuenca. ” matipid na ani ko.
“ Can I court you? Na love at first sight ata ako sayo. ”
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha.
“ Playboy. Nagbreak na tayo, remember? Salamat dito, walang comeback sa ayuda. ” paalam ko bago humakbang paalis.
Last month lang kami nagbreak pero heto siya, walang tigil sa pagpaparamdam. Parang multo lang hahaha.
Narinig ko pa siyang tinawag akong baby pero hindi ko siya pinansin. Hintayin ko na lang kaibigan ko sa labas.

Written by: Rain Marshall.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top