Walang karapatan


Written by: Blishy Whxyilter
” Uy gerald! Kumusta kana? “, pagbati ko kay gerald. Si gerald ay aking boybestfriend. Magkaibigan kami simula high school, ngayon lang kami muling nagkita dahil busy kami sa kaniya kaniya naming buhay.
” Okay lang naman ako, kate. Ikaw ba? Kumusta lablayp natin diyan aba. Dapat kwentuhan mo’ko. “, panunukso nito. Tinawanan ko lang ito saka ito binatukan.
” Eto single padin HAHA ikaw ba? Balita ko may nililigawan ka daw. Sino yan? Pakilala mo naman sakin. “, sagot ko.
” Sira, eh matagal na ‘yon. Tatlong buwan ko lang siyang niligawan, eh pano ba naman kasi may jowa pala itong ldr. Ginawa pakong kabit. “, sambit nito. Tumawa na lamang ako bilang pagsagot. Sana kasi ako nalang.
Oo tama kayo, may lihim akong pagtingin kay gerald. Hindi ko lang maamin dahil baka yun pa ang ikakasira ng pagkakaibigan namin. Hays, mukang hanggang tingin nalang muna ako sa ngayon. Kahit na nasasaktan ako kasi nga may iba siyang naliligawan. Eh okay na lang. Bakit ba kasi nagkafeelings ako sa kan’ya.
” Kate! Pakitulungan naman ako sa pinsan mo oh. Gusto ko kasi siya, alam mo ba yung tinatawag nilang love at first sight? Naramdaman ko yun sa kaniya. Kaya sige na tulungan mo na’ko. ” Kahit na nasasaktan na ako sa mga sinabi niya ay tumango na lamang ako.
Yun bang mapapasabi ka nalang na ‘ Bakit kasi hindi nalang ako? Andito naman ako ah, bakit naghahanap ka pa ng iba? ‘ Napatigil ako sa pag eemote ng biglang dumating ang aking pinsan.
” Kate, gala tayo? Ay gerald andiyan ka pala. “, wika ni lynne. May favor sakin si gerald kaya si gerald nalang yung ipapasama ko kay lynne.
” Ay sayang, si gerald, oo si gerald siya nalang isama mo. May lakad kasi ako ngayon kasama si—- ” Nang biglang dumaan si nathan na siyang naisip ko agad.
“Si nathan, oo kasama si nathan. Kaya lynne si gerald nalang isama mo. ” Sumang ayon naman si gerald na papayag siyang sumama kay lynne. Kaya mission accomplish ako.
” Ano ‘yon kate? May lakad tayo? “, nang makaalis sina gerald at lynne ay agad akong tinanong ni nathan. Tumawa naman ako at sinabing gawa-gawa ko lang para makapasyal silang dalawa.
Lumipas ang isang linggo, at tuluyan...


na ngang nagkaligawan si lynne at gerald. Pero bakit parang malungkot ako? No kate! Masaya ka, masaya ka para sa kanilang dalawa okay? Sobrang masaya ka, kaya ngumiti ka!
Dumating itong araw na madadagdagan ang taon ni gerald, oo itong araw ang kaarawan niya. Marami ang dumalo, isa na ‘ron si lynne. Sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta ngunit pinilit ako ni lynne na samahan siya.
Nagsimula na ang salo salo, ngunit nasa labas lang ako nakaupo sa isang bench. Tiningnan ko ang mga mata ni gerald sa di kalayo layo. Ang saya niya. Sana ganun din ako kasaya. Bumuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang mga tala sa itaas.
Niraramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Kailan kaya maramdaman ni gerald na mahal ko siya? O sadyang di niya yun malalaman dahil sa manhid siya? Tama na kakaisip kate! Wala kana ngang pag asa, umaasa ka padin. Tangina.
” Ang dami namang iniisip ng bestfriend ko, isa kaya ako diyan? “, pabirong sambit ni gerald. Binatukan ko naman ito ng pagkalakas lakas.
” Makapal din mukha mo ano? “, sagot ko. Ngunit tumawa lang ito saka mahinang napahawak sa tiyan. Puro ka tawa! Kung minahal mo sana ako edi worth it siguro.
” Syempre joke lang, ikaw? iisipin ako? Di mangyayari yun diba? “, dahil sa sinabi nito ay agad akong natahimik. Ako? iisipin ka? Manhid mo talaga. Matagal na akong nag iisip sayo. Mahal kita di mo ba makita? Fvck.
” Hindi kita iisipin no. Kapal mo naman hayop ka, sumbong kita kay lynne mo. “, pagbabanta nito. Agad niya naman akong sinenyasan na wag.
Matapos ang araw ng birthday ni gerald ay agad akong umuwi, pero bago ako makauwi ay may nakita akong hindi kanais nais, na sana di ko nalang nakita. P0tangina sobrang sakit, hindi ko na kaya. Araw araw nalang ba akong magpapanggap? Magpapanggap na hindi ko siya mahal?
Nakita ko lang namang naghalikan si gerald at lynne. Alam kong walang kami ni gerald pero bakit ako nasasaktan? Bakit parang tinusok ng karayom ang aking dibdib?
Ako ang nagpalapit sa kanila, pero bakit gan’to nalang kung ako’y magalit, magselos, masaktan. Pagod na pagod na ako. Wala akong ginawa kundi mahalin ka. Sa sobrang sakit ng aking nadama naisipan kong pumunta sa bar.
Mag iinom ako ng mag iinom, di nila ako kayang pigilan. Gusto kong maglasing.
Plagiarism is a crime!
Open for critism/correction
To be continue…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top