What a Girl wants CHAPTER EIGHTEEN


What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER EIGHTEEN 🍬
IT WAS overwhelming. Nahihilo si Claribelle sa dami ng personalities na nakapaligid sa kanya. Hindi pipitsugin ang charity ball na ginanap sa ballroom ng Sofitel. Halos lahat ng malalaking tao sa lipunan ay nandoon. Kilalang artista, athletes, producers, directors, socialites, tycoons, and politicians. Parang nakakapanliit dahil hindi niya alam kung ano ang significance niya roon.
“Kinakabahan ako. Parang hindi na ako makahinga,” sabi ni Vincent na hinihila ang bowtie. “Hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo sa stage mamaya. Gusto kong umalis ma lang. Uwi na ko…..”
Pinigilan ito ni Jaime sa braso. “Brother, don’t leave yet. Nakapag-commit na tayo. Nakakahiya naman kung ngayon ka pa uurong.”
“Oo nga. Inaasahan na tayo,” sabi ni Gerlan na ang kontribusyon ay ang masarap na luto nito.
“Paano kung walang mag-bid sa akin?” tanong ni Vincent. “Sino pa ba ang gustong makinig ng mga tula ngayon?”
“Magbi-bid ako sa iyo,” prisinta ni Claribelle at itinaas ang kamay. May nag-abot sa kanyang one hundred thousand para ipam-bid.
“Uy! Mag-bid ka rin sa akin,” sabi ni Dave.
“Ako rin, ha?” sabad ni Gerlan.
Tumango na lang si Claribelle para mawala ang kaba ng mga kasama. Ang mga boys muna ang mauunang mag-bid kaya nagpunta na ang mga ito sa likod ng stage. Si Claribelle naman ay tinitignan ang mga naka-exhibit na plano para sa Helping Hands gaya ng isang bagong haven sa labas ng Metro Manila kung saan magkakaroon ng sariling building para sa paaralan at livelihood center ang kababaihan.
“Magbi-bid ka ba sa akin mamaya sa auction?”
Dumiretso ng tayo si Claribelle nang marinig ang boses ni Reymart. Bahagya niya itong nilingon. “N-nandito ka na! Akala ko hindi ka dadating….”
Lumakad ito at huminto sa harap niya. “Na-traffic ako. Kanina mo pa ko hinahanap?” tanong nito at iniabot ang hawak na kopita. “Peach chardonnay. Not so alcoholic.”
Naramdaman ni Claribelle ang init ng presensiya ni Reymart. He was really looking after her. Hindi matao sa area na iyon at parang buo na ang gabi niya dahil nakapag-usap na sila. “Thanks.”
“So, will you bid for me later?”
“Reymart, hindi kita afford. Hindi ako mayaman.”
Akala niya ay malulungkot ang lalaki. Sa halip, isang mahiwagang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
“Then I will bid for you.”
“What?” bulalas niya. “Sira ka talaga. Hindi mo naman ako pwedeng i-bid. Tiyak na pag-uusapan tayo.”
Nagkibit-balikat si Reymart. “So what? It is for charity. And I realized, matagal na tayong hindi nakakalabas. A dinner date would be nice.”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Reymart…..”
Inipit nito ng daliri ang ilang hibla ng buhok niya na kumawala sa bun. “And you look exceptionally beautiful tonight.”
Hindi makakibo si Claribelle sa papuring iyon ni Reymart. Nawala sa isip niyang sawayin ito nang titigan siya sa mga mata na parang nang-aakit. Pakiramdam niya ay natunaw na ang lahat sa paligid nila. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso. Talaga bang susugal si Reymart ngayong gabi para lang makasama siya na mag-date?
“Reymart, I’ve been looking for you all over the place. You are not answering my call,” sabi ng nagtatampong boses ng isang babae na bumasag sa masayang mundo na silang dalawa lang ni Reymart.
Umurong si Reymart at nakita ni Claribelle sa di-kalayuan ang ka-love team nitong si Darling. She was a classic beauty with generously wide lips that was perfect for the sultry red lipstick she was wearing. Nakasuot din ang babae ng diaphanous Roman style gown na puti at ang buhok at nakapusod at kinulot.
“Sorry. Kadadating ko lang,” sabi ni Reymart at hinawakan ang baywang ng babae. “Darling, this is Claribelle. Claribelle, this is Darling.”
“Oh! I think we’ve met during your school concert,” sabi ng babae na kay Reymart nakatingin. “Isa siya sa mga coordinator ng fair. Of course, fan mo pa lang ako noon.” Hindi maikakaila na kinikilig ito kay Reymart. “Kaya sabi ko, familiar siya sa akin noong makita ko siya sa TV. She used to be your classmate.”
Kinamayan ni Claribelle ang babae. “Sorry. Hindi na kita naalala from the school fair.”
“Oh! That was a couple of years ago. Nakita ko kasi na kausap mo si Reymart. Akala ko nga girlfriend ka niya.” Tumawa ang babae. “May dala ka bang pastillas diyan?”
“Darling,” saway ni Reymart.
“She should have brought some. I would love to buy. Ayaw mo kasi akong bigyan ng pastillas mo. Damot!” nagtatampong sabi ni Darling at saka lumingon kay Claribelle. “I hope you are not offended. I also love pastillas.”
“Not at all. Masarap talaga ang pastillas ng nanay ko. And congratulations for winning the best love team,” nakangiting sabi ni Claribelle.
“Thank you. Sana nga, totoo na,” kinikilig na sabi ni Darling. “We better get going. Ihahatid ko lang si Reymart sa backstage. Magsisimula na kasi ang auction.”
Tumango na lang si Claribelle at kumaway. “Bye.”
Mabigat sa loob na kahit iisang mundo na ang ginagalawan nila ni Reymart ay kailangan pa rin nilang itago ang nararamdaman nila. Hindi bale. May auction pa naman. Aasahan niyang siya ang pipiliin ng binata.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
PAMBUNGAD pa lang ng ipapa-auction ay umulan na ng tilian ang buong hotel lobby. Lumabas ang isang matangkad na model na nakasuot ng tuxedo. Mahaba ang buhok pero lalaking-lalaki pa rin ang dating.
“Gosh! Si Kirst Villaviray yan!” tili ni Edmark. “Kung hindi si Jaime ang ipinasok, siya dapat ang makakasama sa suitors mo. He is so hot. Hindi kinakaya ng centralized aircon. Kirst, I am all yours! Fifty thousand!”
In-acknowledge...


ng host ang bid ni Edmark.
Siniko ni Claribelle ang kaibigan. “Paano ka nagkaroon ng fifty thousand?”
“Kapapadala lang ni Mama sa akin. Saktong-sakto para sa auction na to,” sagot ni Edmark na natameme nang may mag-bid nang mas mataas. “Friend, baka naman pwedeng umutang para makasama ko sa midnight picnic with the moon and the stars si Kirst.”
“Wala kang K na mag-bid kung wala kang pera. Wag mo nang ipilit,” sabi ni Claribelle. Unang bidding pa lang ay umabot na ng one hundred thousand. Kaya walang kapana-panalo si Edmark.
“Life is unfair,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Edmark nang i-declare na isang lola ang nanalo kay Kirst sa bidding.
Sumunod na lumabas si Vincent na halatang kinakabahan.
“Thirty thousand!” sigaw agad ni Claribelle para mawala ang kaba ng lalaki. Nagsisunod naman ang iba. Siya lang ang nagpapasimula ng pag-bid pero sa huli ay hinahayaan na niyang iba ang manalo. Para naman magkaroon ng chance ang mga manliligaw na mai-share ang talento ng mga ito sa iba. At mas makaka-boost sa ego ng mga ito kung hindi siya ang mananalo sa bidding.
Siniko siya ni Edmark. “Gusto mong mag-bid kay Reymart, noh?”
“Shut up,” sabi niya at ngumiti kay Kara na nasa di-kalayuan kasama ang ibang executives ng network.
Napuno ng sigawan ang ballroom nang tinawag na ang pangalan ni Reymart. Opening pa lang ng bidding ay seventy-thousand na agad. Narinig ni Claribelle ang iyak ng isang batang babae at nang sumilip sa ilalim ng mesa, nakita niya ang sampung taong gulang na batang babae na anak ng executive ng network nila.
“Hey! Bakit ka umiiyak diyan?” tanong niya.
“Gusto ko pong mag-bid kay Reymart para makantahan at masayawan niya ang kaibigan kong may sakit sa ospital pero ten thousand lang ang pera ko at hindi pa raw ako pwedeng mag-bid dahil hindi pa ako eighteen.”
Inilahad ni Claribelle ang kamay dito. “Lumabas ka diyan at huwag ka nang umiyak. Hahabol tayo ng bidding. Tutulungan kita.”
“Talag po?” tanong ng bata na nagniningning ang mga mata. Hinawakan nito ang kamay niya at gumapang palabas ng mesa. Nang mga sandaling iyon ay nasa one hundred thousand na ang bid para kay Reymart.
Itinaas ni Claribelle ang numero niya. “One hundred thousand ten!”
Nagtinginan ang lahat ng tao sa kanya, kasama na si Darling na nakataas pa ang kilay. Bakit nga naman siya magbi-bid sa bida ng kalaban nilang program? Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya. “Ano….. Gusto kasi niyang maka-date si Reymart,” sabi niya at itinuro ang batang babae.
“One hundred twenty thousand,” bid ni Darling.
Namutla si Claribelle. Wala na siyang idadagdag pa roon. Siniko niya si Edmark. “Pautang naman ng fifty thousand diyan.”
“Bakit? Mapapakinabangan ko ba yang si Reymart kapag tumulong ako? Makakaribal ko pa ang bagets.”
“Para naman sa charity,” katwiran niya.
“It is okay. We will take it from here,” sabi ng vice president for marketing at kinuha ang anak. Ang mga ito na ang nagpatuloy ng bid.
Parang nanlaki ang ulo ni Claribelle dahil umabot ng half a million ang date para kay Reymart. Doon na lang sumuko si Darling at ibinigay na sa batang si Andrea ang pagkakataong maka-date si Reymart.
“Your turn,” sabi ni Kara nang lapitan siya.
Oras na para si Claribelle naman ang sumalang sa bidding. At excited na siya dahil alam niyang nandoon si Reymart para mag-bid para sa kanya.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
“PARANG pagod ka, hija. Dapat, inaalagaan mo ang balat mo dahil lagi kang nasa TV. Don’t worry. Ako ang mag-i-sponsor sa iyo. Maganda ang clinic ko,” sabi ni Dr. Peralta.
Ngiti at tango na lang ang isinagot ni Claribelle sa doktor na nanalo sa bidding sa auction. Masaya siya dahil nasa three hundred thousand din ang inabot ng bidding para sa dinner kasama siya. Ang ikinadismaya lang niya ay hindi nag-bid sa kanya si Reymart. Pulos pangako lang ito. Paasa. Alam naman niyang malabong mag-bid sa kanya ang lalaki dahil siguradong gagawa iyon ng ingay. Pero sana, hindi na lang ito nangako para hindi siya umasa.
“Mag-toast kayo, Sir, Claribelle,” sabi ng cameraman. Sumunod naman sila at bahagyang tumawa sa harap ng camera. “Okay. Good.”
“Pwede na rin siguro kayong mag-dinner,” sabi ni Dr. Peralta sa cameraman. “Nagpa-reserve ako ng table para sa inyo.” Nasa isang private room sila na may sariling balkonahe dahil gusto ng doktor na may privacy. “Huwag kayong mag-alala. Safe naman si Claribelle sa akin.”
Ngumiti ang cameraman at umalis na.
“Salamat po sa pag-bid sa akin,” sabi ni Claribelle nang silang dalawa na lang ni Dr. Peralta ang naiwan. Nagsimula na silang mag-dinner. “Malaking tulong po iyon para sa mga bata.”
“Walang anuman, hija. Regular naman akong nagdo-donate sa kanila. Malapit kasi ang puso ko sa mga bata. Ako rin ang nag-sponsor kay Reymart Ferrer.”
Biglang nasamid si Claribelle sa pagkakabanggit ng doktor sa dati niyang nobyo. Inabutan siya nito ng tubig na ininom naman niya. “Thank you po.”
“May problema ba kung sakaling magkakasama kayo ni Reymart sa isang clinic?”
“W-wala po. Reymart Ferrer po yon.”
“Good, good,” sabi ni Dr. Peralta at makahulugan siyang tinignan.
Hindi tuloy alam ni Claribelle kung anong kain ang gagawin. May alam ba ito sa relasyon nila ni Reymart? Nasa gitna sila ng pagkain nang may kumatok.
“Come in,” sabi ni Dr. Peralta.
Isang lalaking nakamaong na pantalon at long-sleeved shirt ang pumasok sa pinto.
“Nandito na pala ang hinihintay natin.”
Saka lang nakilala ni Claribelle kung sino ang lalaki nang alisin nito ang suot na baseball cap.
“Reymart?”
Ngumiti ang lalaki. “Ready na ba ang dinner?”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po please

Leave a Reply


top