What a Girl wants CHAPTER ELEVEN


What a Girl wants ๐Ÿ’•๐Ÿฅฐ
๐Ÿฌ CHAPTER ELEVEN ๐Ÿฌ
MAAGANG gumising si Claribelle at ang nanay niya. Maaga itong umalis para asikasuhin ang mga tauhan dahil marami raw order ngayon ng pastillas. Simula na iyon ng magagandang bagay sa kanilang mag-ina kaya sulit ang sakripisyo niya. Lagi niyang ipinapaalala sa ina na parte iyon ng course niya para hindi na siya alalahanin.
Bitbit ang mug ng cereal drink, pumunta si Claribelle sa monitoring room para i-review kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi at para kumuha na rin ng instruction kung ano ang mangyayari sa buong araw.
“Congratulations!” Sinalubong siya ng yakap ni Kara. “For a pilot episode, we got high ratings. Everyone is saying that you are better than that starlet. You are fresh, unassuming and very pretty. The executives of the network are impressed.”
Isang malaking sugal para kay Kara at sa network na si Claribelle ang ipasok sa dating game. Pero dahil magaling mag-pitch ang babae, na-convince din nito ang mga TV executive. But it was not easy. Alam ni Kara na oras na hindi bumenta si Claribelle ay kasamang gugulong ang ulo nito.
“Nakaka-relate sila kay Claribelle. She is like Cinderella. Galing sa hirap pero ngayon, pinagkakaguluhan ng mga prinsipe,” sabi ni Abegail habang yakap ang clipboard at kinikilig. “Ang ganda-ganda mo talaga kahapon. May mga artista na nga na may crush na sa iyo.”
“And we have very interesting footage from last night. This Heiru is wild,” nakangising sabi ni Kara at itinuro sa monitor ang eksena nang nagdaang gabi. May isang manliligaw si Claribelle na hinalikan ang isa sa mga sexy model na bisita sa pool party. “Napakabilis magpakita ng tunay na kulay.”
Humalukipkip si Claribelle at tinignan ang ibang manliligaw. Ni-note agad niya nina Vincent, Gerlan, at Claudius na pawang pangiti-ngiti lang sa mga babae habang abala sa pagkukwentuhan.
“Si Jaime, pinagkakaguluhan ng mga babae pero parang wala lang sa kanya. Iba na talaga ang guwapo,” sabi ng story editor na si Mico. “Kawawa naman ang mga nalasing kagabi. They will have a hell of a hangover.”
ALAS-SINGKO y medya nang mag-wake up call gamit ang boses ni Claribelle. “Good morning, boys! Time to get up.” At paulit-ulit ang recording hangga’t hindi nagigising ang lahat. May instruction agad sa mga Ito na linisin ang bahay at maghanda ng agahan para sa lahat kasama na si Claribelle dahil sasamahan niyang mag-agahan ang mga ito. Sinadya rin ng mga staff na hindi linisin ang mga kalat sa nagdaang party sa pool area at sa loob ng bahay. Gusto ng mga staff na makita kung marunong magsinop sa bahay ang mga lalaki. Parang panunuyo na rin kay Claribelle.
Masarap pa rin ang tulog ni Heiru dahil na rin siguro sa kalasingan. Sa palagay ni Claribelle ay isa ito sa tatanggalin niya bago matapos ang linggong iyon. Ang iba naman ay masisipag o kaya ay pinipilit na matutong gumawa ng mga gawaing-bahay kahit sa isang gaya ni Gerlan na mula sa maykayang pamilya sa Negros.
“Ano naman ang ginagawa ni Jaime?” tanong ni Claribelle at napamaang nang makita ang lalaki na nakatayo lang habang pautos-utos sa mga kasama. “Wow, ha? Supervisor ba siya dito?”
“Dominant daw siya kaya pautos-utos lang,” sagot ni Edmark.
(Dominant mo ang mukha mo) ๐Ÿ™„๐Ÿคจ sabi ni Claribelle sa isip. Sa palagay niya, alam ni Jaime na guwapo ito at mayaman kaya ito na ang prinsipe ng lahat. Hindi naman ang lalaki ang nagpapasweldo sa mga kasamahan. O masyado lang confident na ito ang pipiliin niya. Hindi alam ni Jaime na mas malaking basehan sa show na iyon ang ugali. Kahit pa sabihing hindi kailangang ma-in love ni Claribelle sa pipiliin, gusto rin naman niyang makasundo kung sino man ang makakasama nang matagal sa mansiyon.
Nilapitan siya ni Abegail dahil kailangan na raw niyang maghanda para sa agahan. Masyado pang maaga para husgahan ang mga lalaki. Kailangan muna niyang pakisamahan ang mga ito nang pantay-pantay at isasantabi muna ang mga personal na opinyon na parang wala siyang napanood.
๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ
“GUYS, thank you for the breakfast and for cleaning the house,” sabi ni Claribelle pagkatapos nilang magdasal bago kumain ng almusal.
“Wala yon. Kahit naman ano paghihirapan ko para sa iyo,” sabi ni Jaime.
“Oo nga. Parang pagod na pagod ka,” (sa kauutos ๐Ÿ™„) dagdag ni Claribelle sa isip.
“Pwede ko ring linisin ang kuwarto mo,” sabi naman ni John at itinaas ang kanang kamay. Isa itong call center agent mula sa Pasig.
“Ako naman, handang maglaba ng damit mo. Sabihin mo lang,” prisinta ni Warren na galing ng Ilocos at may farm ang pamilya roon.
“I will cook for you,” sabi ni Gerlan.
“Siguro, maganda kung pag-usapan niyo na ang designation ng mga gawaing-bahay dito sa mansiyon,” sabi ni Claribelle. “Alalahanin ninyo sana na importante sa akin ang lalaking marunong sa bahay.”
“Kapag ako ang pinili mo, maraming maid na mag-aasikaso sayo,” sabi ni Jaime at kumindat pa.
“My ex-boyfriend came from a well-off family as well. Pero nagawa niyang magsilbi sa amin kahit na hindi hinihingi,” sabi ni Claribelle na nakataas ang gilid ng labi.
“It is not fair to compare ua with your ex,” angal ni Jaime.
“Gusto ko lang i-emphasize ang values na magugustuhan ko sa kahit sinong lalaki. Karapatan ko iyon bilang nililigawan ninyo,” sabi ni Claribelle at nakipagtitigan kay Jaime. Nang yumuko ang lalaki ay saka niya ibinaling ang tingin sa iba at ngumiti.
Mabuti nang malinaw sa lahat kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki. Oras na rin siguro para seryosohin ng mga ito ang dating game na iyon.
๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ
PAGKATAPOS ng agahan ay dumating ang host na si Vhon at in-announce ang pinakaunang challenge.
“Suitors, lalabas kayo ngayon para mamili o maghanap ng bahay na magre-represent sa inyo. Ang pinakamagugustuhan ni Claribelle ay mananalo ng isang exclusive picnic mamayang hapon. Are you ready, suitors?”
“Yes!” sabay-sabay na sagot ng mga lalaki, mababakas ang excitement sa mga mukha. Siguro ay iniisip ng mga ito na oras na para makapagpasikat kay Claribelle.
“Impress me, guys. Pero tandaan ninyo na gusto ko ring makita dito kung anong klaseng personality mayroon kayo. Good luck!” sabi ni Claribelle. Habang namimili ang mga lalaki ay tumulong siya sa production at inaral ang sistema sa likod ng camera. Naabutan niyang nagbi-brainstorming ang mga staff..
“You don’t have to be here, you know,” sabi ni Kara.
“Gusto ko pong matuto,” sagot ni Claribelle. “Hindi lang po ako searcher dito. This is also my OJT.”
Tinitigan siya ni Kara pero sa huli...


ay tumango rin. Hindi lang naman grades ang gusto niyang makuha kundi ang kaalaman na magagamit niya kapag nagtrabaho na. Sa likod ng camera naman talaga niya gustong magtrabaho. Gusto niyang maging kagaya ni Kara na isang magaling na executive producer. Kara was a genius and she was amazed. Maganda ang vision kaya lahat ng ideas nito ay nagugustuhan at tinatangkilik ng publiko.
๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ
PAGKALIPAS ng dalawang oras ay bumalik na rin ang mga boys. Sa sala sila ng mansiyon nag-shoot. Dala-dala ng mga ito ang isang box at nakapaloob doon ang mga items na nagre-represent sa mga ito.
Binuksan ni Gerlan ang box at isang libro ang nandoon. “I am like a book. Do not judge me by my cover. I hope you will get to know me.”
“Nice book,” sabi ni Claribelle nang basahin ang teaser sa likod. “Romance?”
“Romantic kasi ako,” sabi ni Gerlan.
Sumunod naman si Vincent. “Band-aid para gamutin ang puso mong sugatan.”
Si Dave naman ay isang paketeng 3-in-1 na kape. “Pampagising sa nahihimbing mong puso. Titimplahin ko sana kaso mababasa ang kahon.”
Natawa si Claribelle. “Salamat, Dave.”
Gustong tumaas ng kilay niya hanggang hairline nang bigyan siya ng trophy ni Jaime.
“Panalo ka na agad kapag ako ang pinili mo,” sabi pa nito.
Isang tipid na ngiti at mahinang pasasalamat lang ang sinabi ni Claribelle pero sa likod ng isip ay gusto niyang tadyakan palabas ng mansiyon ang lalaki. (Napaka-narcissistic talaga ๐Ÿ™„)
Si Heiru ang pinakahuling nag-present. Binuksan nito ang kahon na may lamang mga Japanese paper na iba’t ibang kulay. “Ako ang pambalot sa pastillas mo.”
Ngumiti si Claribelle. Sa palagay niya ay natagpuan na niya kung sino ang makakasama sa lunch date.
๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ
INIT na init si Claribelle nang makabalik sa mansiyon. Malagkit sa pakiramdam na nag-picnic sila ni Heiru sa La Mesa Ecopark. Mainit ang panahon kahit maraming puno. At malas pa dahil nasira ang aircon ng van na sinakyan nila. Tuloy-tuloy agad siya sa kuwarto para mag-shower.
Nag-enjoy naman si Claribelle na kasama si Heiru. Makulit kasama ang lalaki. Gaya niya ay nasa college din ito at kabe-break lang sa girlfriend. Ipinagpalit daw ito sa iba. At kaya sumali sa dating show ay dahil naniniwala si Heiru na naghahanap din si Claribelle ng tunay na pag-ibig gaya nito. Hindi naman siguro mahahanap ang tunay na pag-ibig sa loob ng isang buwan lang pero sa palagay niya ay makakasundo niya si Heiru.
Pagbukas ni Claribelle sa miniref sa loob ng kanyang kuwarto ay kinuha niya ang nag-iisang bote ng mineral water. Iinumin na sana niya nang mapansin ang note na nakadikit doon.
๐Ÿฌ NOTE ๐Ÿฌ
Malamang, umay ka na sa mga pambobola ng mga manliligaw mo. Inom ka muna ng tubig at kumain ka ng chicharon. —- Totoy Biloy ๐Ÿ˜˜
Lumabas agad ng kuwarto si Claribelle at nakita si Abegail na may pinapanood sa cellphone nito. “S-saan galing itong mineral water at chicharon?” tanong niya.
“Dala ng nanay mo kanina. May nagpabigay daw,” sagot ng kanyang assistant. “May problema ba?”
Umiling siya. “Wala naman.” Tatalikod na sana siya nang mahagip ng mga mata ang video na pinapanood nito. “Ano yan?”
“Mga bagong commercial ni Reymart Ferrer. Mineral water saka vegetable chicharon. Panoorin mo at sure ako na kikiligin ka rin,” sabi ni Abegail at iniabot sa kanya ang smartphone. “Pahingi naman ako ng chicharon.”
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Claribelle nang ma-realize na ang mga ine-endorse na produkto ni Reymart, mineral water at chicharon ay ang siya ring padala sa kanya. What a coincidence. Bumalik siya sa kuwarto at inubos ang chicharon bago nag-shower. Naglalaro pa rin sa kanyang isip ang posibilidad na si Reymart at si Totoy Biloy.
Ipinilig ni Claribelle ang kanyang ulo. Imposible. Kung noon ngang girlfriend siya ni Reymart, wala itong oras sa kanya. Ngayon pa kayang break na sila? Pagkatapos ng huli nilang pag-uusap dahil sa dating game ay hindi na uli ito kumontak sa kanya. Kahit isang simpleng kumusta lang ay wala na siyang narinig mula rito.
Siguro dahil na-realize din ni Reymart na kahit ano ang gawin nito ay hindi rin naman sila magkakaroon ng normal na relasyon. Gaya ng dati, magtatago pa rin sila sa mga tao. At ang masaklap pa ay nasa magkalabang istasyon sila —– siya ay nasa Star Network at ito naman ay nasa Rainbow Network.
Masyado nang imposible ang lahat para sa kanila. Hindi na rin dapat pang umasa si Claribelle. Hindi talaga sila ni Reymart ang para sa isa’t isa.
๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ
PUMIKIT si Claribelle at sinamyo ang mabangong amoy ng brewed coffee mula sa Wonderland Boutique. Bagong sponsor daw nila iyon at ang mga damit doon ang isusuot niya para sa duration ng pagtira sa mansiyon.
She loved the boutique. Parang nasa loob siya ng isang English cottage dahil na rin sa interior decoration. Naririnig niyang pinag-uusapan iyon ng mayayamang kaklase dati pero hanggang tingin lang siya sa labas ng boutique. Nakakatakot kasing hawakan ang mga items doon dahil nakakahimatay ang presyo ng mga damit. But now, she could enjoy staying there on her free day.
Iniwan ni Claribelle sa mansiyon ang mga manliligaw habang siya naman ay nagliliwaliw. Mamayang gabi siya mag-e-eliminate. Gusto niyang makalabas ng mansiyon nang walang nakabuntot. Nakipagkita lang sandali si Abegail sa boyfriend nito sa isang cafรฉ sa di-kalayuan. Nagtatampo na raw kasi ang lalaki. Hinayaan na lang ni Claribelle dahil alam niya ang pakiramdam ng isang girlfriend na walang oras ang boyfriend dahil sa trabaho.
“Wow! I thought this place was exclusively for classy people. Kung sino-sino na lang pala ang pinapapasok dito. Di niyo alam kung anong bacteria pa ang dala dito ng mga iyan.”
Idinilat ni Claribelle ang isang mata at nakitang nakatayo sa harap niya ang ina ni Reymart. Kapag nga naman minamalas. Akala niya ay magkakaroon siya ng katahimikan. Hindi rin pala. “Hello, Mrs. Ferrer! Gusto po ba ninyo ng kape o tea?”
Umirap si Mrs. Gina Ferrer. “Nawalan na ako ng gana. Ikaw na lang tutal di ka naman laging nakakatikim ng brewed coffee. Next thing I know, they are serving instant coffee here.”
Kumuha si Claribelle ng fashion magazine at binuklat. “As far as I know, money can’t buy you class. Ibig sabihin, hindi lahat ng pumupunta dito, may class. Yong iba, may pera lang.”
“Right. And you are the low-life who has no right to be here.”
———————–
Nagkita na sila face to face ni Mrs Ferrer at Claribelle. Ano Kaya mangyayari na ? ๐Ÿค”๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ฎ
Abangaaaaan …
Please, read din po ninyo yung bagong pangatlo kong story yung “To Where You Are” Thank you po, Readers ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top