When a Single Mom meet the Hot CEO CHAPTER 57


SANDRA’s POV:
INAMIN ko na kay David ang totoo.
Mulat na ako sa katotohanan.
Set-up nga ang lahat.
Pareho kaming napaikot ni Katrina.
At kung sino man ang kasama niya sa pagpatay sa anak namin, ipapatikim ko sa kanila kung gaano kainit ang mapunta sa impyerno.
Hindi ko na papalagpasin ito, lalo pa’t sabay na kaming lalaban ni David.
“How about Derick?”, he asked me.
May namumuong selos sa boses niya na hindi ko man lang naisip ito.
Hays! I’m too selfish kung iiwan ko si Derick dahil lang kay David.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
“Sabi ko nga, maghihintay na lang ako hanggang sa maging okay ang lahat.”, pilit na turan niya.
Siya pa mismo ang sumagot sa tanong.
“I’m sorry. Hindi naman agad maibabalik ang dating tayo dahil sa mga paliwanag mo. Remember, nandyan si Derick sa tabi ko nung mga oras na kailangan kita. Nung mga oras na pinatay ako ng kalungkutan. At ang unfair kung ipagpapalit ko siya dahil lang sayo.”, mahabang wika ko.
Napatango na lamang ito na alam kong napipilitan.
“Tama ka, nandyan nga siya. Pasensya ka na ha? Pasensya na kung wala ako sa tabi mo para damayan ka. Pero ayos lang kung hindi mo na ako mahal, Kate. Ang mahalaga, nalaman kong buhay ka. At least nawalan ng isang tinik ang dibdib ko.”, aniya ni David.
Mas mabuti na muna ang ganito.
Yung walang closure para walang makahalata.
We’re just partner in JUSTICE, but not in LOVE.
“Nga pala, kung ano ang dati kong trato sayo bilang Sandra, gano’n pa rin ang gagawin ko. Tatarayan at susungitan kita sa harapan ng mga tao, lalo na kay Derick. Kasi ayokong mag-isip ‘yon ng kung ano.”, turan ko sa kanya.
“D-do you love him?”, bigkas nito na tila nagdadalawang-isip pa na itanong.
“Hindi ko kailangan sagutin ‘yan. Our goal is the same. At yun lang ang aatupagin natin. So let just focus on that.”, tugon ko rito.
Kaso biglang umamo ang mukha ni David na parang may hinihintay pa ito.
“Anong tingin ‘yan?”, bigkas ko.
“Wala. Ang daming nagbago sayo, Kate. I just can’t imagine na yung Kate na kasama ko lagi sa pagtawa, heto, ibang-iba na.”,
“People changed because of the pain. Kaya huwag mong ke-questionin ang inaakto ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko nung mga panahon na WALA KA.”, madiin na saad ko sa huling salita.
“Akala ko ba okay na tayo?”,
“Okay yung usapan natin, pero yung salitang TAYO, hindi pa ‘yon okay.”, paliwanag ko para maintindihan niya ito.
“Gano’n ba? Siguro nga, minahal mo na si Derick. Ano...


bang laban ko do’n? Siya yung una mong minahal bago ako. Siya yung una mong pinangakuan bago ako. Pero Kate, ako naman yung bumuo sayo nung durog ka.”,
“Pero dinurog mo rin ako, at siya rin ang bumuo sa akin.”,
“I told you, hindi ko alam ang nangyari sa inyo ni Michael at ng anak pa natin.”,
“Bakit hindi mo inalam? Kaya nga inembento ang telepono para gamitin sa pagtawag. Kaya sana ginamit mo rin ‘yang utak mo.”,
“Hindi ko ginusto na hindi ka tawagan. I tried to call you, pero wala talagang oras eh. Kapag hawak ko na ang telopono, may client meeting agad.”, turan nito sa akin.
“Meeting? Dyan ka magaling David! Ang hilig mo sa ganyan!”, malakas na sambit ko.
Mapakla akong napatawa dahil pinipilit kong patawarin siya kaso ang sakit pa rin eh.
“Yun lang ang pagkakamali ko, Kate. Kasi mas inuna ko ang meeting kaysa protektahan kayo. Pero alam ng Diyos na wala akong alam sa mga nangyari sa inyo. Uulitin ko, hindi ako ang nasa hotel na sinasabi mo.”, pagtuturan niya.
“Shut up. Dahil ikaw lang naman ang David na kilala ko. Ikaw lang naman ang may ganyan na mukha! Yung mata mo, yung ilong at yung labi at nung tinawag ka pa ni Katrina na David, ikaw na ikaw ‘yon. So stop being a liar! Lalo akong naiinis!”, tugon ko ulit.
“Kamukha ko? Teka, bukod sa akin, meron pa akong kamukha Kate.”, wika niya dahilan para matigilan ako.
“What did you say?”, I asked.
“May kambal. At siya si Deo. Kaya posibleng–fuck!”, biglang mura nito.
Napasipa siya ng bato dahil sa sumagi sa kanyang isip.
“Ano bang ibig mong sabihin?”,
“May galit sa akin si Deo. At matagal na ring gusto ni Deo si Katrina. Hindi kaya, nagsabwatan sila para sirain tayo? Kasi alam ko, tutulong ‘yan si Deo kapag may kapalit. And I think, binigay ni Katrina ang sarili niya para lang tulungan siya ng kapatid ko.”, pahayag ni David.
Sa mga sinabi niya, hindi malayo na may punto siya.
So si Deo pala ang nakita ko sa Hotel?
Pero sino yung humigit sa akin sa Mall?
“Nasa mall ka ba nung nakaraang araw?”,
“Oo, at nakita ko do’n ang kambal ko. Bakit mo natanong? May ginawa ba siya sayo?”, sunod-sunod na sambit niya.
“Wala naman. Pero akala ko ikaw ‘yon. Dahil base sa mga titig at pananalita niya, gusto niyang angkinin ang katawan ko.”, pag-sasabi ko.
“Tangina! Hindi ko na papalampasin ‘to. Kakausapin ko siya!”, malutong na mura ulit ni David.
Muntik ng umusok ang ilong niya sa sobrang galit sa kapatid.
All this time, napaikot kami!






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. 🥰🥰🥰

Leave a Reply


top