WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 62


SANDRA’s POV:
READY na ang lahat.
Sa pagdating namin sa restaurant, nakahain na ang pagkain sa mesa na may kasamang wine.
Ganitong set-up palang, kinutuban na ako sa pwedeng mangyari.
So tinarget ko ng titig ang baso na may alak.
Palagay ko, may mali sa wine na ‘yon.
If I’m not mistaken, may hinalo siyang gamot para ituloy ang plano laban sa akin.
Kung ano man ‘yon, I’ll make sure na hindi siya magtatagumpay.
Pautakan ang laban namin dito.
Kaya kung sino ang matira sa amin, siya ang matibay.
“Ano pa ba ang hinihintay natin? Nagugutom na ako.”, aniya ko sa binata.
Hinaplos ko pa ng marahan ang braso niya para painitin ang katawan nito.
“Ako din naman, nagugutom na.”, baling nito na may pagnanasa sa mukha.
“Kung gano’n, kumain na tayo. Parang handa na kasi ang foods natin.”, sambit ko at itinuro ang table.
Name kasi namin ang nakalagay kaya walang sino ang pwedeng pumwesto do’n.
“Yeah. Cinontact ko yung mga tao dito para gawin ‘yan. Ayoko namang mapahiya sayo, kaya pinaghandaan ko lahat.”, nakangiting sabi niya.
“Thank you. May mabuting kalooban ka rin pala, Mr. David.”, bigkas ko sabay ngisi.
Pangalan palang ang sinasambit ko, umiiba na agad ang awra nito.
What more, kung tawagin ko na siya sa pangalang Deo?
KINABIG niya ang bewang ko at sabay kaming naglakad do’n.
Siya pa mismo ang nag-assist ng upuan para ipahatid sa akin kung gaano siya ka-gentleman.
“Salamat.”, turan ko at kinuha agad ang tissue.
Umarte ako na parang umaatching para iparating sa kanya na medyo allergic ako sa pabango nito.
“What’s wrong, Sandra?”, he asked me.
“I’m sorry, kanina ko pa kasi ito pinipigilan.”,
“Huh? What do you mean?”, tanong niya muli.
“Sumasakit ang ilong ko.”, bigkas ko sabay atching ulit.
“Kanina ko pa ‘yan naaamoy nung nasa kotse tayo, David. And I don’t like your perfume. Masyadong—“,
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil umatching ulit ako para maging kapani-paniwala.
“Gano’n ba? Sige, aalisin ko ang polo ko. Doble naman itong suot ko.”, aniya nito.
Akma sana siyang huhubad sa harapan ko, pero pinigilan ko ang binata.
“Can you please give some respect? Ang sagwa tingnan kung dito ka huhubad. Go to the rest room.”, wika ko sa lalaki.
“Ahh, yeah. Pasensya na. I’ll be back.”, paalam nito kaya tumango ako bilang sagot.
Sa huling beses, nagpahabol akong atching bago ito nawala sa paningin ko.
So here I am, lumingon sa paligid dahil baka may spy siya sa lugar na ‘to.


/> At nung nakita ko na walang nakatingin sa akin, agad kong pinalit ang baso ko sa baso niya.
And I guess, siya ang iinom ng maling wine.
Grabe! Ang talino ko talaga!
BUMALIK na si David na naka-tshirt at umupo ulit sa harapan ko.
“Saan mo nilagay ang polo mo?”, tanong ko rito. I act like as if nothing happened.
“Ayun, iniwan ko na do’n. Marami naman akong gano’n.”, he said.
“Okay. So let’s eat. Tumatahol na kasi ang mga alaga ko sa tiyan.”, pagbibiro ko pa.
Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang meat. Mapang-akit ko itong kinain habang nakatuon sa akin ang mata niya.
“Why?”, I raised my eyebrow.
“You’re so naughty. Kaya pala nagustuhan ka ni Deo, dahil sa mata mo palang, nakakabighani na.”, komplimento nito.
“Ang dami mong alam. Kung ako sayo, kumain ka na lang.”, I replied.
“Eto na nga kakain na.”, wika niya at kinain na rin ang nasa plato.
Maya-maya, bigla siyang napatitig sa wine ko.
“By the way, para saan ba ‘to na wine? You know, hindi kasi ako sanay sa alak.”, pahayag ko sa binata.
“Well, you must try this. I’m sure, magugustuhan mo ang lasa nito. Ngayon lang nagkaroon ng ganito sa restaurant. Sinabay pa talaga sa celebration natin as a partner. So cheers?”, litanya ni David.
Tinaas niya ang baso at hinihintay ako na i-cheers ang baso ko sa kanya.
Kaya pasimple akong ngumiti at marahan itong pinahalik sa baso.
“Cheers! A big congratulations to us! Sana tuloy-tuloy na ang lahat para makaahon din ang kompanya mo.”, I said in a plastic way.
Dahan-dahan kong nilagok ang wine habang nakatingin sa lalaki na tinuloy talaga ang pag-inom.
“Masarap nga. Mapait na medyo matamis ang lasa.”, pagtuturan ko.
Inilapag ko ang baso na wala ng laman sabay titig sa kanya.
“Oh? Ba’t parang natahimik ka? May problema ba, Mr. David?”, I asked him na kunwari ay concern.
“W-wala naman, I’m just–“,
“Just what?”, kunot-noong sambit ko.
Pero bago pa man siya makasagot, tuluyan na itong nawalan ng malay na tila nakatulog.
Sinasabi ko na nga ba, may plano siyang hinanda sa akin.
“Ikaw talaga, Deo. Uutakan mo pa ang isang matsing. Plinano mo at ako ang tumapos.”, natatawang bigkas ko.
Tumayo ako at nilapitan pa ang binatang tulog.
“Paano ba ‘yan, sleep well.”, muli kong saad.
Sinenyasan ko ang totoong David na nasa labas para bitbitin si Deo.
Kaya heto, hawak ko na rin sa leeg ang kambal ni David.
END OF CHAPTER 62






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top