DEO’s POV:
“UMALIS ka na, baka makita ka pa ni David.”, wika ni Derick sa akin na halos ipagtulakan na ako palabas ng kompanya.
Minsan talaga, may takot din pala ang taong ‘to.
Nanginginig na parang bakla.
“Relax ka lang, magaling ako tumago. Kaya huwag kang umihi dyan sa kaba. I can handle this. Malinis na malinis, walang banayad na ebidensya.”, turan ko sabay tawa ng nakaka-insulto.
Humakbang na ako sa may pinto at pinihit ang door knob para lumabas na.
Mamaya, magkikita kami ni Sandra.
What do you think will happen next?
Excited na tuloy ako na siraan lalo si David sa mata ng babae.
Atat na atat na kasi ako magkaroon ng share sa malaking kompanya na may-ari mismo ni Derick.
Kaya pipigilan ko ang sarili na huwag maakit kay Sandra kapag nakausap ko ito.
Pangiti-ngiti akong naglakad at halos lahat ng mga taong nakakakita sa akin, tinatawag akong Sir David.
So bad, they don’t know who I am.
But I enjoy every second, every minute and every hours, sa tuwing nagpapaganggap ako.
Binigay na rin ni Derick sa akin ang number ni Sandra kaya pwede ko siyang matawagan para sa lunch namin together.
Hindi na sa akin bago ang maging ganito dahil nagawa ko ngang paikutin siya nung nasa hotel ako na kasama si Katrina.
Eto pa kayang kakain lang kami na may kasamang kasinungalingan.
“Deo?”, sambit ng isang lalaki nung nasa elevator na ako.
Hays! Kung minamalas ka nga naman, nakasabay ko pa talaga ang aking kambal sa loob ng elavator.
“Bakit ganyan ang suot mo? Idol mo yata ako sa mga suotan.”, he said.
The same suit, the same shoes, the same necktie and the same hairstyle.
“Ikaw talaga, minsan...
pano po makita yung ibang chapter?
pano ko po makikita ung mga bagong chapter?
humanda ka sa DEO