When I’m with you


When I’m with you”
✍️: Steven
Jai Marcos = Francine Max Cooper
Xyrill Montes = Cyrus Ford
Janell Tolentino = Steven Sevilla
Aya Abing Fernandez = Clark Montefalco
Renzo Alvarez = Stacy Amber Lorenzo
EPILOGUE
Mahirap maging mayaman.
Sa dami ng pera mo, hindi mo na alam kung paano mo to gagastusin.
Sa grabe ng yaman mo, halos gawin mo na lang floormat yung iba.
Minsan sa sobrang yaman mo, nalilito ka na kung anong gagawin mo sa pera mo.
Pero ang totoo. Mas mahirap maging mahirap. Sa dami ng kailangan mong bilhin, hindi mo na alam kung saan mo pa kukunin ang pambayad. Oh ano? Diba mahirap yun?
Totoong mahirap na talaga ang buhay ngayon. Kung hindi ka magkakayod-kalabaw, kayod-kabayo at pati na kayod-biik, mamatay kang dilat ang mata. Nag-iisa na lang ako sa buhay kaya naman, kahit 16 pa lang ako, kailangan ko ng magsikap.
Ako si Xyrill Montes. Sosyal pakinggan no? Kaya hala, pakinggan nalang natin. Kasi hindi naman ako talaga sosyal. Pangalan lang. Namatay ang parents ko when I was still 7. Naaksidente sila kaya naiwan ako sa pangangalaga ng aking aunting kung magalit ay parang pusa. Pusang kumakain ng tao. >_____< Sa kanya ako nakikitira. Pero hindi libre ang pagtira ko dun. Hindi ko naman siya direktang kamag-anak. Kaya kailangan kong magbigay sa kanya. Napasok ko na ang kung anu-anong trabaho. Actually, hindi lang iisa ang trabaho ko. Isa akong saleslady/ clerk / hardinera / all around at kung anu-ano pa. Pinagsasabay ko yan para kumita para mabuhay ako. At isa pa. Nag-aaral rin ako. Fourth Year High School na ako ngayon sa isang PRIVATE HIGH SCHOOL. Hindi pa kayo naduduling. Tama ang basa niyo. Private High School nga. Nagtatanong kayo kung paano ako nakapasok dun? Dahil kahit hirap ako sa buhay. May laman ang utak ko kaya nakakuha ako ng scholarship. Pero hirap parin ako sa school kasi maraming mga mayayabang, maarte, bakulaw at wagas kung makalook-down sa akin. Palibhasa, lamang lang sila ng ilang paligo sa akin. >______< "Auntie, alis na po ako!" sabi ko sabay takbo palabas. Hindi ko na narinig kung sumagot ba si Auntie don. Lakad-takbo ang ginawa ko. "Konti na lang Xy.. Kaya mo yan!" pagchicheer ko sa sarili ko. Malapit na ako sa kanto ng biglang natapilok ako. "Ouch!" mas lalo akong nahirapan sa pagtakbo. Pero di parin ako nagive-up. Nakikita ko na ang dambuhalang gate ng school namin kaya sumaya ako bigla. "Yes! Malapit na a-" * S P L A A A A A S S H H * "Aww!" napasigaw ako. Pagtingin ko sa uniform ko ang dumi dumi na. 0_____0 Pakshet! Nagmukha akong chocolate na tao. Pagtingin ko sa harap ko. May sasakyan. "Hoy! Ang sama mo! Tignan mo ngayon kung ano nangyari sa uniform ko?!" angil ko. Bumukas yung salamin ng sasakyan at may lalakeng halos ka-edad ko lang ang dumungaw. "Pasensya na. Di ko kasalanan kung haharang-harang ka sa kalsada." tapos umandar na ulit yung sasakyan. "Bwiset! Sana malasin ka rin tapos magkakulugo ka sa katawan!" pahabol kong sigaw. "Paano na to ngayon? Punung-Puno na ng putik ang uniform ko. Nag-iisang uniform ko pa naman to. Ang mahal kasi ng umiform. Di kaya ng bulsa ko." litanya ko. *Claaaaaaaang..* Bumalik ang atensyon ko sa school. Sh*t! 5 minutes na lang! Patay! Bahala na! Tumakbo ako papunta sa school. Pagdating ko sa gate. Pinagtinginan na ako agad ng mga tao. Pano ba naman, ang dumi ng damit ko! T_____T "Excuse me miss. Can I check your ID." sabi nung guard. Talagang sinigurong dito ako nag-aaral. Akala siguro eh pulubi ako eh. Pero nagmukha nga ata akong pulubi ;0 Binigay ko naman yung ID ko. Tapos imbis na papasukin ako eh, tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba talaga si Xyrill Montes?" tanong nung guard. Ang sarap sungalngalin nitong damuhong guard na to ah. Binigyan ko na nga ng ID ayaw pa maniwala. "Oo nga po guard. Kailangan ko pa po bang magpa- DNA para maniwala po kayong ako yan?" malapit...


na maubos ang pasensya ko uh. Konti na lang. "Sige. Pasok ka na." sabi niya. Habang mabilis akong naglalakad sa hallway eh, ang sama ng tingin sa akin ng mga tao. "Look at her. She looks like a trash." sabi nung usang maldita. "Not just a trash. A squishy trash." sabi naman nung isa. Di ko sila pinansin. "Hey you!" tawag nung isa. Hindi ako lumingon. Malay ko ba kung ako ba ang tinatawag neto. "Hey you trash!" asik nung isang maldita at hinila niya ang ID ko kaya parang feeling ko binigti ako. Doon na ako napaharap sa kanila. "What the hell are you doing in this school? Baka langawin kami dito?" nakakauyam ang tono nung malditang babae. Nakataas pa ang isang kilay niya kaya parang pwede ko ng sampayan ng nilabada kong damit. Hindi ako sumagot. Tinulak niya ako. "Are you mute?! Why are you not answering. O baka gusto mong sipain kita?! Ay wag nalang ako baka mahawa ako ng bacteria galing sa squaters. So ano? Gusto mong ipasipa kita sa guards ko ngayon na? ang filthy mo!" maarteng sabi nung isa pang maldita. Nagtawanan ang iba niyang kasamang halatang bratinela nga. Naubos na ang pasensiya ko. Tatlong minuto na lang at magsisimula na ang klase ko pero malayo pa ako sa classroom ko. Hinarap ko siya at nagsalita. "Bakit niyo ba ako pinag-aaksayahan ng panahon. Wala naman kayong mapapala sa akin." sagot ko. "How dare you talk back to us like that! Hampaslupa!" galit na si maldita sa akin. Pikon na rin ako. "Teka! Mukhang ikaw ang may sayad ah. Kanina galit ka nung hindi ako sumasagot tapos ngayon naman, galit ka kasi sumagot ako." nagtataray na rin ako. Maldita talaga tong mga estudyante dito. Palibhasa mga mayayaman. Ang sarap igarapon. Akmang sasampalin na niya ako ng biglang may nagsalita. "Slap her and I'll kick you out of this school." Napalingon kaming lahat sa nagsasalita. It's a pretty girl na nakatayo confidently. Ni dulo ng pilikmata ng babae ay di ko pa nakikita. Kaya nagtataka ako. Ang tapang naman neto. Siya naman ngayon yung hinarap ng mga maldita. "Oh, it's her." sabi ni Maldita 1 "You know what. I can sue you." maarteng sabi naman ni Maldita 2 pero parang ni hindi man lang natinag yung babae. Lumapit pa nga hanggang katabi na niya ako. "Go on. Try me." sagot niya sa tatlong maarteng babae. Biglang umatras yung tatlong maldita. "Psh, may araw ka rin saming basura ka." Then bigla silang nagdecifer sa mga harapan namin. Nawala na rin ang kumpol ng mga tao na nakikiusyoso kanina. Humarap sa akin si pretty girl tapos hinawakan ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" sabi niya sa akin sabay ngiti. Nagtaka ako. May ganito rin pala sa Topline Academy? Woah! Parang magugunaw na ang mundo? "Hey." pumitik siya sa harapan ko. Napakurap-kurap ako. "A-ah.. oo." sabi ko. Ngumiti siya. "Wag mo na lang pansinin yung mga nagmamaldita sa iyo dito huh? Mga may sayad yun." Nakatingin lang ako sa kanya. Halatang mayaman to eh. Pero ang bait naman. "Ang bait mo naman." tipid kong sabi. "Sus." sabi niya sabay ngiti. Ang ganda rin. Matitibo ako nito. Haha! joke! "Salamat pala sa tulong mo. Baka pag di ka dumating, bakat na yung mga kamay nila sa mukha ko." sabi ko ulit. "Sus. Walang anuman. Tyaka alam ko naman na kahit wala ako dun. Kaya mo sila." "Huh?" taka kong tanong. "Wala. Bilib lang ako sayo kasi, di ka natatakot sa tatlong yun. Sa ngayon, dalawa pa lang tayo na nakasagot sa kanila ng pabalang." sabi niya sabay tawa. Ngumiti ako. "Salamat pa rin." "Walang anuman." "By the way, I'm Francine Max Cooper and you are?" pagpapakilala niya. Ngumiti ako. "I'm Xyrill, Xyrill Montes." Inilahad niya bigla ang kamay niya kaya nagtaka ako. "Friends?" tanong niya while nakangiti. Namilog ang mata ko? Kami magiging friends? Eh ang yaman nito eh. "Don't worry. Hindi ako nangangain. Gusto talaga kitang maging kaibigan." sabi ulit niya. Naisip ko, mukhang wala namang problema kung makikipagkaibigan ako sa kanya. Ang bait naman ni Francine eh.. Tinanggap ko ang kamay niya. "Friends." *END OF EPILOGUE KAGABI KO PA LANG YAN PINAG IISIPAN NGAUN KO LANG NABUO @kuya for accept






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top