YOU CAN NOW REST, MY LOVE


YOU CAN NOW REST, MY LOVE
“Pangga, promise ko sa ‘yo, dito natin bubuohin ang pamilya natin,” sambit nito sabay turo sa malawak na lupain. Mga nag-ga-gandahang tanawin, puno ng mga bulaklak, malinis na kapaligiran, at malamig na simoy ng hangin. Kasalukuyan akong nasa loob ng mga bisig niya.
“Alam mo, Genesis, sobrang swerte kong minahal kita,” i happily said while pinching his nose.
“Correction, swerte tayo sa isa’t-isa.” And then we both cuckled.
He’s not that perfect. Hindi siya mayaman katulad ko. Pero hindi iyon naging hadlang para sa aming pagmamahalan.
“Ipapangako kong tayo pa rin hanggang huli.”
He’s always like that. Hindi siya nagkulang sa pag-papaalala sa akin na mahal niya ako, na handa siyang mag-sacrifice para sa relasiyong ‘to.
I met him when i was just a grade 7 fresh student who was very lonely. Walang may interes na makipagkaibigan sa akin dahil sa kinatatayuan ko. Mayaman ako. Pinalaki ako sa galanteng mansion, ma-perang mga magulang. Sinasabihan nila ako ng mga masasakit na salita dahil ‘di raw bagay ang mga katulad ko sa Public school. I forced my parents to study there because i want to learn something new. Hanggang sa nakilala ko si Genesis. Everytime nahuhuli niya akong umiiyak sa likod ng paaralan ay palagi niyang pinapagaan ang loob ko. Hanggang sa mas lumalim ang aming pag-ka-kaibigan at sa ‘di inaasahang pangyayari ay nagising na lang ako na hindi na bilang kaibigan ang tingin ko sa kaniya.
Grade 8 kami noong inamin niya rin na may gusto siya sa akin. At the same time, he started to court me. I don’t usually believe in LOVE lalo na’t sa gano’ng edad. Pero hindi eh. Minahal ko siya kahit tawagin mang puppy love. Sa murang edad ay maaga akong na commit. Hanggang sa tumagal ng ilang taon, we’re still on each other’s path.
“Pangga, balik na tayo sa Kubo, kakain na tayo,” sabi ko. Bumalik kami sa Garden. Bumungad sa amin ang mga nakakatakam na pagkain.
“Kumain ka na, Arielle,” tawag ni Daddy. Nilingon ko si Genesis na nasa likod ko at nginitian niya lang ako.
“Pakainin mo na rin iyang kaibigan mo,” masungit na sambit ni Mommy.
“Mom! I told you so many times na Boyfriend ko siya! Hindi lang siya basta kaibigan!” I said. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng mga magulang ko na siya ang naka-relasyon ko. They told me na ang rason ay hindi raw ako kayang buhayin ni Genesis dahil mahirap lang siya. Which makes me angry. Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa halaga ng ari-arian o pera.
“Ayos lang, pangga, magpapahangin lang ako saglit,” ngiti niya. Napansin ko rin ang pagiging maputla niya.
“Hindi! Dito ka lang, pangga. ‘Tsaka ayos ka lang ba?” Tumango siya at nag-paalam sa amin. Tatawagin ko pa sana siya nang bigla siyang tumakbo. Sana ayos lang siya.
“See? Ni hanggang sa pagkain ay hindi ka kayang sabayan ng nobyo mo! What a bastard!”
“MA!” I shouted. Sumusobra na sila! Inirapan lang niya ako. Ayoko ko man silang bastusin sa harap ng pagkain pero sumusobra na sila! I decided na sundan si Genesis.
Nakita ko siyang hawak-hawak ang dibdib na para bang nahihirapang huminga. Dahil sa taranta ko ay dali-dali ko siyang pinuntahan.
“Pangga!” Sigaw ko. Halata sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako.
“UMALIS KA NA!” Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa inasta niya.
“P-pangga! Ayos ka lang?” Inabutan ko siya ng tubig pero hindi niya ito tinanggap.
“Umalis ka na, Arielle! H-hindi na kita kailangan!”
“ANO BANG NANGYAYARI SA IYO, GENESIS?!
“WALA KANG PAKIALAM! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!” Nag-uunahang tumulo ang luha ko sa mga nasaksihan ko.
“Ano bang nagawa ko? Kanina, ayos pa tayo, ah! K-kung dahil man ito sa inasta nila Mommy, ako na ang humihingi ng tawad—” he cut my words.
“WALA NA AKONG PAKIALAM SA IYO! AT KUNG ANO MAN ANG MGA PANGAKONG SINABI KO SA IYO, HINDI KO NA IYON MATUTUPAD PA! DAHIL H-HINDI NA KITA M-MAHAL!”
“SO, GANO’N NA LANG KADALI SA IYO IYON? PAGKATAPOS MONG MANGAKO AT MANUMPA SA HARAPAN KO AT SA HARAPAN NG DIYOS?” Nakaluhod na ako sa harap niya upang magmaka-awang bawiin ang mga sinasabi niya.
“Tumayo ka…” nakita kong may luhang namuo sa sa kaniyang mga mata.
“Ano bang nagawa ko?...


Patawarin mo ako sa kung ano mang kasalanan ang nagawa ko. Mahal na mahal kita, pangga, huwag ka namang ganito. May mga plano pa tayo sa isa’t-isa ‘diba? Parang kanina lang ayos pa tayo.”
“Tuparin mo iyon. Pero hindi na ako ang makakasama mo…” nasampal ko siya sa pisnge.
“Hindi ko alam kung saan ba ako nag-kulang!”
“I-i’m breaking up with you…” sabay takbo niya paalis sa gawi ko. Napahawak ako sa dibdib nang masaksihan kong hindi siya lumingon. Ang daming katanungan ngayon sa isip ko.
Years have passed. Wala na akong balita kay Genesis. May Boyfriend na ako ngayon. Siya iyong nandiyan noong mga panahong durog na durog ako. Unti-unti niyang binuo ang puso ko. Iba siya kay Genesis. Mayaman si Zach, graduate sa mamahaling university. Para sa akin ay isa siyang perpekto. Pero ‘di pa rin mawala sa puso ko ang sakit kapag naalala ko ang mga memories namin Genesis From day 1 to the end.
Napag-isipan kong pumunta sa Hospital to meet Doctora Arianne. Isang Ob-gyne. You’re right. I’m pregnant. 2 months pregnant. I’m so happy dahil may paparating na anghel na magpapasaya at babago sa buhay ko. Pero hindi pa ako nakakapasok sa pintuan ay dinig kong may lalaking umiiyak sa Hallway. Lumakas ang tibok ng puso ko sa ‘di alam na dahilan. Kaya’t may umudyok sa akin na hanapin kung sino man iyon.
Pero laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking umiiyak.
Genesis…
May dugo ang kaniyang ilong at payat na siya. Kalbo na rin siya.
Nanghihina akong napahawak sa bibig ko nang masaksihan ang kaniyang kalagayan.
“Arielle…” mahinang bulong niya.
Tumawag ako ng nurse upang ibalik siya sa sarili niyang kwarto. Imbis na magpa-check ako ngayon, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa tabi ni Genesis.
“Bakit ‘di mo sinabi sa akin?” Nahinang tanong ko. Hindi ako nakatingin sa mga mata niya dahil natatakot akong bumigay ang mga luha ko. Ramdam kong alam niya ang iniisip ko.
“Ayaw kong mag-alala ka…”
Napalingon ako.
“Kaya ba nakipaghiwalay ka sa akin dahil sa kalagayan mo?” Unti-unti siyang tumango na siyang nakapagpabigay ng luha ko.
“B-bakit? Akala ko ba sabay nating haharapin ang mga p-problema natin? Nasaan ang lahat ng iyon? Bakit ka naglihim? Bakit?!”
“Ayaw kong maging p-pabigat…” mahina na ang boses niya.
“Ganiyan ba ang tingin mo sa ‘kin? Kahit kailan never kang pabigat sa akin. Nagdusa ako, Genesis!”
“Nag-dusa rin naman ako…”
“Siya nga pala. C-congrats sa ‘yo! Magiging ina ka na.” Nakita kong may luhang tumulo sa mga mata niya.
“S-salamat.”
“M-mahalin mo iyan ng tunay. Gaya ng p-pagmamahal ko sa iyo. A-ako dapat ang mag-ma-may-ari niyan. P-pero ‘di iyan maaari.” Ang sakit. Iyong nabulag ka sa mga akala. Nahanap ko na ang sarili ko.
Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon…
“I promise…” i said while my voice are shaking.
“Inaantok na ako, p-pangga.” Finally! Our sweetest endearment.
“H-huwag muna.” Natatakot akong baka magising akong wala ka na.
“G-gusto ko lang sabihin sa iyo na patawad dahil nasaktan kita. Paulit-ulit na kitang s-sinasaktan. Naisipan kong ilihim ito para ‘di ka mahirapan. Matagal na akong m-may sakit. 6 years old pa ako nang malaman iyon. Ilang taon kong inilihim iyon sa iyo. Pero ngayon, gusto kong sabihin na mahal na mahal kita… p-patawad kung hindi ko na matutupad ang mga pangako kong bumuo ng pamilya kasama ka. Hanggang dito na lang ako. Salamat sa mga masasayang ala-ala. Habang b-buhay kang nasa puso ko. I love you, pangga. Till the scientist f-found the second earth…” kasabay no’n ang walang humpay na pag-agos ng luha ko.
“Lumaban ka, please.”
“T-tapos na akong lumaban. Sapat na sa a-akin ang makita ka sa huling h-hininga ko.”
“P-pagod ka na ba talaga?” Tanong ko. Tumango siya.
“P-papayagan kitang matulog. Inaantok k-ka na eh. Gusto ko lang sabihin na m-mahal na mahal kita, p-pangga.” Kasabay no’n ang pag-lapat ng aming mga labi. The most painful kiss. Our last kiss…
“You can now rest, Genesis…” unti-unti na siyang pumikit hanggang sa mawalan ng malay. Napasigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Goodbye, pangga…
If reincarnation is real, sana tayo pa rin hanggang dulo. Sana pag-tagpuin tayo ng tadhana. At manatili habang buhay kasama ka…
This is a work of fiction.
Thank you for reading this!
Written by; Xydrina Heather






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top