YOU’LL BE SAFE HERE chapter 2


HAYASEIN
Hindi ko inalintana ang mga pawis na dumadaloy mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ko ang mas mahalaga ay makalayo ako sa lalaking iyon.
Mabilis kong natanaw ang pamilyar na pigura sa di kalayuan, Iyong lalakeng nag ngangalang RAIZEN
nakasandal iyon sa pader malapit sa naka sarang pinto nakababa ang paningin nya sa black shoes na suot nya habang ang isang kamay nya ay naka suksok sa bulsa ng itim niyang pantalon at ang isang kamay nya naman ang syang may hawak sa sigarilyo na ngayo’y hinihithit nya.
Nag tama ang mata namin nang mag angat sya ng paningin, kaagad akong binalot nang takot dahil sa madilim na mata ito.
‘pakiramdam ko ay iba’t-ibang tao ang nakilala ko ngayong araw kahit pa dalawa lang naman sila ni Eight ang nasa isip ko.
Naglakad ako, palapit dito kahit pa nanginginig pa ang tuhod ko.
“Ahhhhh~” daing ng boses sa loob ng nakasarang pinto.
“Umalis ka…” kalmadong utos nya tsaka muling humithit ng sigarilyo.
“AHHHHGGGG! “lalo pang lumakas ang daing mula na naman doon, malamang na iyong Primotivo iyon. nanlaki ang mata ko sa sarili kong naisip.
‘hindi kaya pinaluhod na sya sa munggo? ‘
“sabihin mo, nasan iyong primotivo? ” lakas loob na tanong ko. “nandyan ba sya sa loob?” ulit ko pa.
“pwede ba? Hwag mong isali ang sarili mo dahil kahit anong tanong mo hindi kita.. sasagutin. ” masungit na anito tsaka pumwesto sa harap ng pinto.
Sinubukan ko syang hawiin gamit ang buong lakas ko pero tila pader ito na hindi ko manlang napagalaw.
“Ahhhhhhhhgrrrrrr!” lalo akong nag alala nang tumriple ang lakas ng hiyaw sa loob.
“Hoy Ivo! Hinaan mo nga ang bunganga mo! ” sigaw ni Raizen kaya ginamit ko ang pag kakataon na iyon, ibinigay ko ang pinaka malakas kong sipa para puntiryahin ang itlog ng mga dinosour.
“What the f*ck!” hiyaw nito tsaka namaluktot sa sahig.
“naku! Sorry… Sorry! ” paulit -ulit na saad ko tsaka ko kinabig ang door knob papasok sa kwarto.
Pero ang kaninang pag aalala ko ay napalitan ng walumpung porsyento ng Takot nang bumungad ang duguang lalaki na naka tali ng mga makakapal na kadena ang magkabilang braso at punong-puno puno ng sugat ang katawan nito.
bukod sa kanya ay naroon ang dalawang lalaki na naka black suit hawak ang dalawang latigo na nababalutan ng mga patalim syang ginamit tyak sa lalaking naka tali.
Dahan-dahang iniangat ng sugatang lalaki ang paningin nya para tignan kung sino ang narito. Kulot ang itim nyang buhok na medyo may kahabaan na din dahilan para matabingan ng kaunti ang mata nya.
Ngumisi ito sakin.” may mali ba sa mukha ko?.” inosenteng tanong nya sakin na tila normal ang lahat na tila wala syang iniindang sugat. ” hoy kayong dalawa! ” tukoy nya sa dalawang lalaki na may hawak ng latigo. ” di ba sabi ko sa katawan nyo lang ako sugatan hindi sa mukha? ” galit na anito.
‘Normal pa ba sila? ‘
‘paano sila nakakapag usap ng ganian? ‘
“kapag dumating si Eight at nakawala ako dito bunugbugin ko kayo! ” galit na anito sa dalawa. ” Anyway kung makikipag date ka tsaka na may ginagawa pa ko eh….sige na ituloy nyo na. ”
Muli ay hinataw sya ng latigo sa harap ko kaya’t napaatras ako pero hindi na nasundan ang atras na iyon nang bumangga ang likod.
“Eight, ano.. Ilalabas ko na sya. ” rinig kong saad ni Raizen mula sa likuran.
Unti-unti akong humarap at hindi ako nag kamali, si Eight ang nasa likod ko matalim ang mga titig na ibinigay nya sa’kin.
“Minamadali mo ba talaga ang buhay mo? “Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ko. Nakakatakot ang boses nya, hindi ko manlang nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko.
Lumunok ako ng ilang beses. “Tao ka pa ba? ” natatakot ma’y pinilit kong isatinig. “Tinrato nyo syang hayop para dito? ” ipinakita ko ang Id na nakuha ko.
“Ayan ang- – – -” saad nung Raizen.
“Ba-badge ID ko ba yan? ” rinig kong tanong nung primotivo.
Akmang hahablutin iyon ni Eight pero hinagis ko iyon sa kawalan tsaka ako umikot para bigyan sya ng malakas na sipa at naging matagumpay iyon na dumapo sa panga nya pero tulad ni Raizen ay hindi manlang sya natinag sa kinatatayuan nya.
“What’s Your name.. “malamig na saad nung Eight, hindi iyon tanong kundi Utos, kinakailangan ba talagang sabihin ko ang pangalan ko?
“Tssss STUPID! ” bulong ko tsaka naglakad palabas.
“Hwag mong hahayaang mag salubong muli ang landas natin dahil tinitiyak kong Mawawalan ka ng buhay sa sandaling iyon Stupid. ” banta nya bago ko makalabas ng kwarto.
‘kung ganun.. di hindi na ko mag eenroll’
~
“Tada~” ipinakita sakin ni Yana ang dalawang ticket.
“a-ano yan? ” tanong ko.
“Enroll na tayo.. ” nakangiting saad nya, gusto ko syang sapakin sa balita nya pero hindi ko iyon na gawa nang yakapin nya ko....


” sana ay dito tayo gumraduate. ” bulong pa nya sa tenga ko.
Napabuntong hininga na lamang ako, Mukhang wala na kong choice.
Linggo ng umaga, gising na ang diwa ko ngunit taliwas naman ang nais ng katawan ko biling baliktad na ako sa kama pero talagang ayaw nang matulog ng diwa ko.
*Knock!
*Knock!
Hindi ko naman ugaling mag sara ng pinto kaya kahit hindi ko pag buksan si mommy ay makakapasok parin sya.
“Good morning honey.. ” malambing na boses ni mommy kasabay ng pag haplos nya sa mula sa tuktok ng ulo ko.
“gumising kana hinihintay ka na ni Calvin sa Pad nya. ” nanunuksong saad ni mommy na ikinamulat ng mata ko.
‘kailan pa po sya dumating? ‘
‘na miss nya po ba ko? ‘
‘hinahanap nya kaya ako? ‘
Iyon ang mga nais kong itanong ngunit minabuti kong prenohan ang bibig at kilos ko kung hindi ay katakot-takot na tukso ang sasapitin ko.
“a-ano po…bakit nya daw po ako hihintayin? ” kunwari ay wala akong alam.
“Sus, hahayaan kong ikaw mismo ang sumagot nyan.. Kung ayaw mo naman ay sasabihin kong hindi ka pupunta. ” nakataas ang kilay ni Mommy. Kinuha nya ang phone sa bulsa nya at akmang mag titipa ng mensahe kaya’t kaagad kong hinawakan ang pulsuhan nya.
“A-ano po….pupunta na lang po ako hayaan nyo na lang syang mag hintay. ” saad ko pa, siniguro kong kalmado ang boses ko.
Tumango-tango si mommy. ” okay.. ” saad nya tsaka naglakad palabas ng room.
Bumaba ako sa kama tsaka dahan-dahang humakbang palapit sa pinto para iyon isara at i lock.
Ibinagsak ko ang buong katawan ko sa kama, ang tuwa saking puso ay nag uumapaw kinuha ko ang unan tsaka iyon pinanggigilan.
‘kyaaaaaaahhhhh! Makikita ko na sya! ‘ masiglang saad ko kahit pilit ko iyong sinabi ng pabulong .
“Oh, akala ko ba’y pag hihintayin mo sya ng matagal? ” tanong ni mommy ng mag kasalubong kami sa hagdan. Hindi ako nakasagot.
‘mabilis ba ang pag gayak ko? ‘
“Wala pa yatang trenta minutos ang lumipas. ” tatawa-tawang saad ni mommy. “oh sige na honey, mag ingat ka ha. ” saad pa nya tsaka ako nginisihan.
Ngumuso ako pero kaagad din na humakbang palabas, hindi pa ako nakakalampas sa gate ay nag ring na ang phone ko.
“Hmmm? ” paunang saad ko pag kasagot ng linya.
“did something wrong baby? Bat ganian ang boses mo? Aren’t you happy to see me? ” Nag aalalang saad nya kaya napabungisngis ako ng palihim. Namiss ko ang boses nya
“sige na may bus na eh, papatayin ko na. ” saad ko tsaka ko pinatay ang linya.
Naupo ako sa tabi ng bintana, pakiramdam ko ay naging mabagal ang bawat minuto kahit pa abalahin ko ang sarili sa panunuod sa bawat dinaraanan ng sasakyan.
‘ano kayang itsura nya? Nagbago kaya sya? ‘
‘sa paris sya galing kaya paniguradong may nakilala syang babae don. ‘
Napanguso ako dahil sa naisip ko.
“Para! ” sigaw ko nang matanaw ko ang kanto ng Villa na tinutuluyan ni Calvin.
Excited akong bumaba at excited din na tumawid sa kabilang side ng highway, nasa gitna na ako nang matanaw ko ang napaka bilis na kotse palapit sa kinatatayuan ko
Sa pangalawang pag kakataon ay naramdaman kong muli ang hindi maipaliwanag na pakiramdam, basta ang alam ko ay katulad iyon nang makita ko ang pandidilim sa mata ni Eight nang pumasok ako sa kwarto kung nasaan ang sugatang lalake, iyong tingin na ano mang oras ay maaari akong mamatay.
Gusto kong tumakbo palayo ngunit Hindi ko maigalaw ang paa ko, gusto kong humingi ng tulong pero mabigat ang dibdib ko para bang kahit anong hiyaw ko ay wala doong lalabas na boses.
Naipikit ko na lamang ang mata ko at hinintay ang pag bangga ng kotse sa’kin.
‘bakit hindi masakit? ‘
Naramdaman ko ang mainit na pakiramdam na bumalot sa baywang ko at ang hangin na ‘AMOY CHICO ‘.
‘sh*t nasa garden na ba ko kung saan kumain ng pinag babawal na prutas sina eva at adan? ‘
“You’re too heavy, mag bawas ka ng timbang. ”
‘si san pedro? ‘
‘pero hindi eh, matanda na si San Pedro samantala maangas naman ang pamilyar na boses na iyon’
Mabilis kong imulat ang mata ko pero Cup na itim ang bumungad sa’kin na syang nakaharang sa mukha nya noon ko lamang din, napag tanto na yakap nya ang bewang ko akma ko syang itutulak pero naunahan nya ko matapos nya kong itulak palayo sa katawan nya.
Nang lingunin ko sya ay nakapamulsa syang naglakad.
“tsssss Stupid. ” saad pa nito na lalo kong ikinainis.
“Im not Stupid man! ” sigaw ko.
“And i’m not your Superman.” sagot nya tsaka lumingon pero tanging pag ngisi, lamang nya ang nakita ko dahil sa Cup na suot nya.
(To Be CoNTiNue)
A/N:
ANONG MASASABI NYO HAHAHA SORRY KUNG PANGET YUNG STORY KO BAGO LANG KASI






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ayiee sana all

Leave a Reply


top