YOU’LL BE SAFE HERE chapter 3


HAYASEIN
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago muling mag patuloy sa paglakad.
“san po kayo papunta mam? “tanong ng gwardya na nagbabantay nang makarating ako sa Entrance ng Villa.
“bisita po ako ni Calvin.” sagot ko
“nako mam, wala pong Calvin dito. ” saad nang isa pang gwardya.
“Calvin Klein? .. “paglilinaw ko pero kaagad ding naputol ang pag uusap namin nang may bumusinang kotse palabas ng malaking gate mula sa loob ng Villa.
*Beep beep!
Kaagad itong pinagbuksan ng gwardya.
“Aya! ” masiglang tawag sa pangalan ko ng lalaking mula sa kotse.
Napataas ang kilay ko dahil hindi ko sya makilala, mukhang nahalata nya iyon kaya’t ibinaba nya ang sunglass na suot nya.
‘nag paris lang naging bigatin na ah, Bugatti ang kotse nya at iyong pinaka latest pa.’
“Nako Sir Ck, ano nyo po ba sya? ” kamot ulong tanong ng Guard.
“Guard ka hindi reporter. ” ngumuso ako tsaka sumakay sa kotse.
“She’s my special someone. ” tatawa-tawang saad ni Calvin siniringan ko sya tsaka ako nag cross arms.
“Anong pinag gagagawa mo? Bat anlaki ang eyebags mo? ” tanong ko, ‘kaya siguro sya naka sunglass ‘
“Eyebags Can’t cover how Handsome i Am…Right?….baby? ” aniya pa, tsaka ako pinikitan *Wink
“Mukhang pati ang malakas na hangin sa Tower ng Paris ay nadala mo. ” pambabara ko na ikinahagakgak nya ng husto. ” and please Stop calling me Baby, im not your baby anymore.” saad ko tsaka ko sya siniringan.
“hahahahahhaa” muling humagalpak ang tawa nya. “i’ll call you baby it weather you like it or not, Hindi mo talaga ko namimiss no? ” nakanguso waring saad nya.
Hindi ko na lamang sya inimikan hanggang sa makarating kami sa Pad nya.
Tulad parin ito ng dati, Kulay Grey at makakapal na bakal ang Gate na naroon, kusa iyong bumukas nang may pindutin si Calvin sa button ng kotse sa harapan nya.
Pagkapark ay bumaba ako, napangiti ako nang wala paring pag babago sa harapan ng bahay nya, green parin ang mga bermuda grass na pumalibot sa kabuuan nito naroon pa din ang dati naming tambayan na mesang may dalawang mahabang upuan at may malaking payong sa gitna.
nauna kong pumasok dahil alam ko naman na
H. A. Y. A. S. E. I. N parin ang passcode nya, hinubad ko ang sandals ko at nagsuot ng tsinelas pambahay.
“Ano to? “tanong ko sa kanya nang tumambad sakin ang mga bote ng alak na nag kalat sa carpet na nakalatag sa sahig ng Living room nya, ang ilang bukas na chichiria ay nagkalat din sa mini glass table nya.
“sorry. ” saad nya tsaka mabilis na inasikaso ang kalat.
‘nag uwi ba sya ng babae dito? ‘
” My old friend went home from another country too. so nag yaya sya na uminom kami. ” paliwanag pa nya, ‘nababasa nya yata ang hula ko ah~’
Dahilnsa amoy ng alak ay naalala ko tuloy iyong lalaki na sumagip sakin kanina lang.
“Wait i brought somethimg for you? ” excited na aniya nang matapos sa ginagawa tsaka patakbong tinungo ang kwarto at mabilis lang din na nakabalik bitbit ang mga PAPER BAG’S sa pagkabilang kamay nya. Oo with ‘S’
“te-teka ano yan! “saad ko nang ilapag nya ito sa harapan ko.
“diba i promise before na bibilhan kita ng kaunting pasalubong. ” nakangiting aniya.
“ano? Kaunti pa ba sayo to? ” umikot ng kusa ang mga mata ko.
Ilang bwan lamang syang nawala ngunit napaka dami nyang kwentong bitbit. “Minsan ay niyaya nila kong mag Barr, ang isa kong kaibigan ay mag table kaagad ng dalawang babae.”
bakit Si Raizen ang pumapasok sa isip ko?
“kaya naasiwa ako at umuwi kaagad pakirdam ko kasi ay nakikita kita baby~” kunwari ay maiiyak na sya tsaka nya ko niyakap. ” naiisip kita palagi, baka galit ka padin sakin ganun….” pinakawalan nya ko. ” i miss you a lot baby. ”
*Kriiing!
Napalingon ako sa phone ni Calvin na nakapatong sa mesa
‘EstiVan calling’
“haisst bat ngayon ka pa nang iistorbo! “angal pa ni Calvin bago nya damputin ang phone.
“Hello? “sagot nya sa linya. “nako may bisita ako eh, nasa mall ka?anong ginagawa mo dyan?… Oh sige pupunta ko…. sige..sige. ” nilingon ako ni Calvin. “Baby? ” nakangusong tawag nya sa’kin. “Mag palit ka ng damit, punta tayo saglit ng mall pwede? ”
Sinamaan ko sya ng tingin pero kalauna’y bagsak parin ang balikat kong tumayo at nag tungo sa malawak na Comfort para magpalit ng damit.
‘wala na talaga, hindi ko na sya makakasama ng matagal ‘
“Hang on bro! ” sigaw pa ni Calvin sa cellphone hawak ang habang manibela ng kotse papunta sa mall na pinag uusapan nila kanina pa. “haisst bakit naman kasi pinapahabol ka ng daddy mo sa mga yan eh alam naman nyang di ka nila kayang hulihin! ”
“Kaya nga bilisan mo para makalabas na ko sa lintik na lugar na to! ” nawawalan ng pasensyang saad pa ng nasa linya.
‘enjoy na enjoy silang mag usap samantalang ako ay bwesit na bwesit dito. ‘
Mabilis na nag park si Calvin sa malawak na parking lot tsaka nya ko iginiya papasok sa mall.
Kung iisipin ay para syang pusa na hindi matae.
“Baby, mag ikot ka lang huh.. heto ang Card ko you can buy what ever you want! ” saad pa ni Calvin nang makapasok na kami at mukha talaga syang nag mamadali.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa labis na inis. L gusto ko syang bigyan ng malalakas na sapak.
“ngayon lang kami nag kita for 6 months tapos uunahin nya pa kung sino-sino?” hindi makapaniwalang saad ko nang makalayo sya.
Padarag akong nag lakad at nag tingin-tingin hanggang sa matigilan ako sa napaka laking tarpaulin ng pamilyar na mukha sakin.
‘ hindi ba yung Eight ito? Model ba sya’
Napataas ang kilay ko.
‘bat parang ang gwapo nya naman dito? ‘
‘nagwapuhan ka din nung nandon kayo sa abandonadong kwarto! ‘
Napataas ang nguso ko matapos iyong sumagi sa isip ko.
Abala ang mata ko sa pag suyod sa bawat detalyeng naka imprenta dito kaya’t hindi ko namalayan ang lalaking humablot sakin papunta sa gilid ng tarpaulin...


na nag kubli sa likuran ko.
Nilingon ko ang lalaki, ‘ano bang ginagawa nya? ‘
muli kong nakita ang Cup na kapareha nung lalaking siraulong nag ligtas sakin kanina.
‘huh.. Sya kaya yung nag ligtas sakin kanina? Teka sinusundan nya ko? ‘
“nandun! ”
“habulin nyo! ”
“Patay tayo kay Grand master nito! ”
Sunod-sunod na hiyawan ng mga nagtatakbuhang kalalakihan suot ang black suit attire nila.
“Hoy!” sigaw pa ng panibagong boses na humahabol mula sa hulihan “sandali! ”
“Si Calvin yun ah~? ” hindi nya ako napansin dahil sa pag habol sa mga lalaki.
Tumayo ang lalaki sa likuran ko at wari’y nag pagpag ng sarili. Inayos nya ang cup na suot nya kasabay noon nang magtama ang paningin namin tumaas ang kilay ko at ganun din ang sa kanya.
‘ Tila Ayaw tanggapin ng sistema ko na sya ang nag ligtas sakin kanina ‘
Pero sadyang bumabagal yata talaga ang oras kapag nagkakasalubong kaming dalawa, ni hindi ko namalayan ang ginawa nyang paglapit sakin para cornerin ako sa gilid ng pader at walang alin langang idinampi ang labi nya sa labi ko.
‘EIGHT ‘
Tulad nang huli naming pagkikita ay wala paring emosyon ang mukha nya samantala ako ay parang lobo na malapit nang sumabog wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko.
Hanggang sa marinig ko ang muling pagdaan nang mga lalaking nagtatakbuhan kanina kaya mas lalo nyang idiniin ang labi nya sakin.
Smack lang ito pero pakiramdam ko ay hinuhubaran nya ang buong pagkatao ko.
Nang makasiguro sya na wala na ang mga taong iyon ay pinakawalan nya ang labi ko tsaka nya muling isinuksok ang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya na tila walang nangyari.
“Pambawi mo yan sa pag ligtas ko kanina sa walang kweta mong buhay. ”
Noon ko na kumpirma na sya talaga ang nag ligtas sakin.
‘pero bakit? ‘
‘bakit nya yun ginawa? ‘
Nag ngitngit ang ngipin ko sa inis, una ay hinalikan nya ko ngayon naman ay sinasabi nyang walang kwenta ang buhay ko.
Inikom ko ang kamao ko at akmang susuntukin sya pero nahuli nya ang pulsuhan ko tsaka ako muling isinandal sa pader.
“dahil sa pakikialam mo sa badge Id ng isang Rank student alam mo bang pinag hahahanap kana ng Black phantom para patayin at nag simula na sila kanina. ” natigilan ako sa mga sinambit nya. Iyon bang kotse ang tinutukoy nya?
“Masarap ang labi mo kaya sayang naman kung mapapatay ka lang nila” naka ngising saad nya.bwesit kang manyak ka! ” sige sabihin na nating ililigtas lang kita dipende sa mood ko dahil mas gusto kong ako mismo ang tumapos sayo. ” binitiwan nya ang kamay ko tsaka ako tinalikuran,
nakakadalawang hakbang na sya nang bumalik ako sa ulirat. “Eight! “sigaw ko sa pangalan nya, eksakto ang paglingon nya sa ginawa kong pag ikot para kumuha ng bwelo kasabay noon nang iangat ko ang kaliwang paa ko para padapuin muli sa panga nya tulad ng ginawa ko nung naka raan pero swerte ako dahil mukhang nabigla sya dahil an para mapaatras sya ng bahagya matapos itong dumapo sa kanya. “Hindi mo ko matatakot! “saad ko, pinilit kongnhwag mautal tsaka ko sya nilagpasan.
‘alam kong tinatakot nya lang ako, estudyante lang sya at kaedad ko pa, kaya impossible na sa ganiang edad ay may mga alam na sya sa mga pag patay na sinasabi nya’
‘oo tama! Wala ka dapat ikatakot Haya~’
‘tsaka alam kong ililigtas ako ni Calvin kahit anong mangyari ‘
Ipinikit ko sandali ang mata ko para hintayin ang susunod na hakbang nung eight, mahigit sampung hakbang na ang layo ko sa kanya pero wala pa ring nangyayari kaya’t sandali akong lumingon ngunit wala na sya sa lugar na iyon.
‘huh, nasan na sya? Hindi kaya talagang papatayin nya ko? ‘
Dali-dali kung kinuha ang phone ko at kaagad na tinawagan si Calvin.
Nakatatlilong ring pa iyon bago tuluyang may sumagot.
“Hello baby? “sagot nya sa linya sa gitna ng pag hahabol nya sa hininga.
“Nakasakay na ko ng bus uuwi na ko. ” saad ko.
“hah… Sandali, hintayin mo na- – -toot toot too” kaagad kong isinara ang linya tsaka nag abang ng bus na masasakyan pauwi, unti-unting gumuhit ang mainit na likido mula sa mata ko. Bakit ako humantong sa ganito?
Talaga bang papatayin ako ng mga taong iyon
🎀THIRD PERSON’S POV 🎀
Naka upo paikot ang pitong myembro ng Black Phantom sa sofa samantalang ang pinuno nila na nanatili sa pag simsim ng alak na kulay lila sa malimaw at mamahaling baso habang naka upo sa kanyang trono.
“H-hindi ko po napatay iyong babae. “na nginginig ang boses ng lalaking nakaluhod at tila takot na takot.
padarag na tumayo ang isa pang lalaki mula sa sofa
“Ano? Napaka simple lang ng inutos hindi mo pa nagawa? ” galit na anito.
“Kumalma ka Spaid.. “saad ng babae na syang may maamong mukha hawak ang pusa na nasa kandungan nya.
“sabihin mo nga beatrix pano ko kakalma kung ang simpleng babaeng iyon ay hindi natin ma kitil! ” dipensa muli ng nag ngangalang spaid.
“Nasa tuktok ako ng building kanina sa pinangyarihan ng insidente at may pakialamerong lalaki na nag ligtas sa babae..” nakataas ang kilang ng isa pang babae na may walong kulay ang buhok.
“Papasok ako sa West bridge.. Kasama si Nuckel.”
Lahat sila ay natigilan, “pero Pinuno! “kaagad na tutol ng may walong kulay na buhok.
“wala pang nakakakilala sa’kin kahit pa si Eight kaya’t bakit kayo matatakot. “nakangiting saad ng pinuno na lalong nagpahulog sa loob ng babaeng kumontra kanina lang.
“Yung laway mo Avanshien! Hihihihih. ” biro ni Nuckle sa babaeng may kulay ang buhok. ” exciting to, gusto kong makita kung ano ba amg itsura ng babaeng pakialamera.. “nakangising saad ni Nuckle na halos mag mukha nang pusa sa pag kakangiti. “sayang dahil saglit ko lang napanuod ang pag papahirap kay Primotivo..gusto kong pag laruan ang babaeng iyon hihihi. ”
Ang Black Phantom ay nag hahanda sa magiging pagkikita nila at ng grupo ni Eight.
KALMAHAN NYO LANG READERS HAHAHAHA






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top