THE CITY OF DEATH PART 1


THE CITY OF DEATH
PART 1
“Kuya, hinahanap ka ni mama,” nag-aalalang tinig ng kapatid ko mula sa kabilang linya.
“Sabihin mo uuwi din ako,” saad ko habang nagmamasid sa dinadaanan namin.
It’s been three hours simula nang bumiyahe kaming apat ng mga kaibigan ko sakay ng isang sasakyan. Pupuntahan sana namin ang namatay na lola ni Clint ngunit hindi pa din kami nakakarating.
Walang street lights at bahay ang makikita dito. Tanging buwan lang ang maliwanag.
“Pero may napanaginipan daw siya mzbsmbsjsn—” tsk, walang signal.
“Clint, is this the right way?” tanong ni France kay Clint na nagmamaneho. Magkatabi sila habang kami ni Brent ay sa likuran nila.
“Yes,” sulyap nito kay France bago ibalik ang tingin sa madilim na kalsada.
“Kiel, anong oras na?” inaantok na tanong ni Brent sa’kin.
“Eight.” tumango lang siya bago sumamdal sa salamin.
Makalipas ang ilang minuto, ay may matanaw kaming bulto ng isang tao na parang naghahanap ng sasakyan.
Itinigil ni Clint ang sasakyan para tanungin ang matanda kung anong ginagawa nito sa gilid ng kalsada.
“Naliligaw ako eh. Pwede bang makisakay?” kulubot ang mukha at mukhang pagod na pagod ang mata.
Wala kaming nagawa...


kundi ang buksan ang pintuan para papasukin ang matanda. Nakakaawa naman.
“Maraming salamat.” ngiting pasalamat bago umupo sa bandang likod ko. Pagkatapos noon ay walang nagsalita pa sa amin ng biglang.
“Alam niyo ba na marami ang namamatay dito at ang sabi nila nandito daw si Kamatayan,”
“Clint, may aso!”
Sabay na saad ng matanda at sigaw ni France bago magpagewang gewang ang sasakyan.
Nanlalabo man ang mata ay nagawa ko ding makita duguan at yupi yuping parte ng sasakyan. I think they’re already dead..
Mukhang nabalian ako ng paa. Nanghihina ma’y pilit kong binuksan ang pinto sa tapat at inihulog ang sarili saka gumapang, ngunit napatigil din ng may makitang mga tao sa ‘di kalayuan.
“What the hell?”
Umiilaw ang mata nila habang nakatingin sa akin habang may matatalim na bagay sa kamay.. at kasama nila ang mga kaibigan ko.
Sa harap nila ay mayroong aso at nakatalikod ito sa akin. Halos hindi ko malaman ang gagawin ng unti unti itong humarap sa akin.
“Ahhhhh! Tulong!” sigaw ko ng may biglang kumaladkad sa’kin.
Nanlabo ang mata ko hanggang sa hindi kona alam ang sunod na nangyari.
——
Written by: Rain Marshall.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top