{TAGOS}
BOY: miss may tagos ka.
GIRL: huh? Di nga?
Kinakabahang tumingin si girl sa palda niya at napahiya ng makitang meron nga.
GIRL: hala paano na yan? Wala akong dalang extra.
Nahihiyang tumingin si girl kay boy.
GIRL: uhmmm, kuya pwedeng mahiram yung jacket mo? Itatakip ko lang please.
BOY: ano ka? Kabibili ko lang neto tapos pantatakip mo lang. Paano kung malagyan ng regla mo to?
GIRL: sige na kuya please.
BOY: ayoko.
GIRL: maawa kana kuya. Wala lang talaga akong malalapitan dito.
BOY: o sige sige. Tutulungan kita pero sa isang kundisyon.
GIRL: ano yun?
BOY: magpepretend ka na gf ko para pagselosin yung ex ko.
GIRL: what? Ayoko nga.
BOY: ayaw mo? Di wag. Bahala ka magkalat dyan. Nakakahiya pa naman yun.
GIRL: waaahh. Oo na oo na. Gagawin ko na basta tulungan mo ko.
Binigay ni boy yung jacket niya kay girl. Ibinili niya pa ito ng napkin at inihiram ng extra palda and undies sa kaibigan niya. After makapagpalit ni girl lumapit siya kay boy at sinauli yung jacket.
BOY: Ano ka siniswerte? Labahan mo muna yan bago mo isauli sa akin.
GIRL: Oo na. Arte neto.
BOY: oh.
Inabot ni boy yung cellphone niya kay girl.
GIRL: Anong gagawin ko dyan?
BOY: Kainin mo! Tsk! Isave mo number mo para ma text kita kapag gagawin na natin yung deal.
GIRL: ok.
After isave ni girl yung number niya naghiwalay na sila.
After one week nakareceive si girl ng text galing kay boy.
BOY: hoy! Ngayon na natin sisimulan yung deal. Pumunta ka sa toot restaurant and wear something formal para di nakakahiya sa ex ko. Pag di ka pumunta susunduin kita sa bahay niyo.
Nagdadalawang isip si girl kung pupunta ba siya o hindi.
GIRL: hmmmp. Bahala siya sa buhay niya. Hindi niya naman alam ang bahay namin.
Sabi ni girl sabay higa sa kama at natulog. Nasa kalagitnaan na ng pagtulog si girl ng gisingin siya ng mama niya.
GIRL: bakit po?
MAMA: nasa labas yung boyfriend mo. Sinusundo ka. Di ka daw sumipot sa date niyo.
GIRL: po? Pero wala po akong boyfriend ma.
MAMA: sus, wag kana magdeny anak dahil napagdaanan ko na yan. Di mo pala sinabi na ang gwapo ng boyfriend mo ha. Anyway, bumaba kana at baka naiinip na yun.
Di na nakapagsalita si girl at lumabas na lang siya. Pero agad din siyang napatakbo pabalik sa kwarto niya ng makita kung sino ang sinasabi ng mama niya.
GIRL: holy cow! Paano niya nalaman ang bahay namin?
Part 2)
Wala ng nagawa si girl kundi magbihis at sumama kay boy. Pagkalabas nila ng bahay nakita ni girl ang motorbike ni boy na nakaparada.
GIRL: hoy! Don’t tell me dyan mo ko pasasakayin?
BOY: so?
GIRL: What the fudge! Di mo ba nakikita suot ko? DRESS to! Dress!
BOY: tss. Wala namang magnanasang tumingin dyan dahil wala yang laman.
GIRL: You! Grrrrrr.
Inis na Inis na umangkas si girl sa likod ni boy.
BOY: kumapit ka.
Kumapit si girl sa balikat ni boy.
BOY: hindi ganyan. Dapat ganito.
Kinuha niya ang kamay ni girl at iniyakap sa kanya.
GIRL: ano ka siniswerte? Bat ako yayakap sayo!?
BOY: Aarte ka pa. Swerte mo nga mahahawakan mo abs ko. Tsk! Bahala kang mahulog dyan.
Biglang pinaharurot ni boy ang motorbike niya kaya walang nagawa si girl kundi yumakap sa kanya.
BOY: yayakap din pala ang arte pa.
Hindi na lang siya pinansin ni girl. Pagdating nila sa resto bumaba agad si girl habang nakasmirk namang naglakad si boy papasok. Nasa pintuan pa lang sila nakita na niya ang ex niya.
BOY: hoy, ayun yung ex ko. Dun tayo uupo sa kalapit niya para makita niya kung gaano tayo ka sweet dalawa. Kaya galingan mo pag arte mo.
GIRL: oo na bwiset ka.
BOY: Don’t worry pag naging kami ulet bibigyan kita ng isang dosenang napkin.
GIRL: damn you!
Napatawa na lang si boy sabay offer ng kamay niya.
GIRL: ano nanaman yan?
BOY: holding hands! Wag kang mag’alala mas makalyo kamay mo sa kin.
Inirapan lang siya ni girl sabay hawak sa kamay niya. Pumasok sila at dumiretso sa kalapit na upuan ng ex ni boy.
BOY: babe what do you want to eat?
Malambing na tanong ni boy kaya lihim na napairap si girl.
Sinabi niya ang order niya and after that umorder na si boy. Pag dating ng order nila sweet na sweet silang nagsusubuan.
BOY: babe eto pa oh, say ahh
Isinubo ni girl ang ibinibigay ni boy habang nakatingin sa ex ni boy na nakatingin sa kanila pero agad ding nag’iwas ng tingin.
GIRL: ikaw din babe, say ahh.
Alam ni boy na nakatitig sa kanila ang ex niya kaya isinubo niya ito at pinisil sa cheeks si girl.
GIRL: ano ba yan babe, parang bata ka naman kumain, look at you, may kanin ka pa sa gilid ng labi.
Pupunasan na sana ito ni boy pero pinigilan siya ni girl.
GIRL: ako na babe.
Inilapit ni girl ang mukha niya kay boy sabay lick sa kanin sa gilid ng bibig ni boy. Napatulala si boy sa ginawa ni girl habang inis na inis naman na umalis ang ex...