EMBRACING DARKNESS
ππππππππ 2
“MAALINDOG?” wala sa sarili kong tanong. At agad nasagot ang tanong ko hindi lang dahil sa tinuro si Marie Belle ng mga kasamahan ko dahil na din sa pag-iyak nito ng todo. Tsaka wala namang Maalindog pa sa amin until she came. So bininyagan na pala siyang Maalindog.
“Pero bakit sya sa stage agad? Hindi ba siya pinapili?” naguguluhan kong tanong pati si Malambot at Malinamnam ay nagtataka din.
Ngumiti ng malungkot si Matamis sabay sabing “All in kasi siya kumbaga sa katulong all around. Di ba nga nabanggit niya na iyong Nanay niya nanghingi agad ng malaking halaga as down payment. Ayun. Hindi pa nagstart itong si Marie malaki na utang. At dahil malaking halaga iyon ginawa sya ni Madam na all in para daw makabawi bawi.”
Nagulat naman kaming tatlo, ambata pa nya para mag-all around. Pero may kasamahan naman kaming pinapatahos lahat pero kagustuhan nila iyon. Itong si Maalindog hindi pa nga maka-move on na dito siya sa bar magwowork tapos sasabak siya sa stage na nakahubad na kahit ako na ilang taon na sa linya ng trabahong ito hindi pa nagawa at walang balak gawin iyon.
Umiiyak ito ng sobra at umiiling iling. Tumingin siya sa amin ng luhaan.
“Mga Ate wala bang ibang paraan? Puwede pa kaya akong makiusap kay Madam na magwaitress na lang?” nagmamakaawa niyang tanong. Napapikit na lamang kaming apat kasi alam naming hindi mababali ang desisyon ni Madam. Lalo na kung may utang ka sa kanya, hawak ka niya sa leeg. Tapos ite-take advantage pa ito ni Madam panigurado at batang bata at bago. Kung may magagawa lang sana ako para tulungan siya.
“Marie, ilang beses ka ng nakiusap kay Madam pagdating mo pa lang dito. Matigas at may isang salita si Madam, parating ganoon. Lalo na’t may hawak siya sayo, iyong utang na kagagawan ng hayop mong ina! Jusko nakakagigil talaga iyang nanay mo ha!” inis na sabi ni Matamis.
“P-pero puwede bang h-hindi na lang nakahubad?”
Malungkot kaming umiwas dito ng tingin na nagpaiyak sa kaniya lalo. Minumura ko na sa isipan ko ang Nanay ng batang ito, kaloka. Anong klaseng ina iyon at binenta na ang anak kapalit ng anumang halaga. Nilapitan ko muli si Marie Belle at pinunasan ang luha niya ng tissue.
“Aayusan na kita, magmaskara ka na lang muna. Pigilan mo ang luha mo. Kailangan ka na naming ayusan at baka kung ano pang gawin sayo nila Madam kapag hindi ka agad lumabas.” mahinahon kong sabi dito habang pinapahidan ito sa mukha ng foundation. Foundation at lipstick lang nilagay ko at pagsusuotin na lang namin siya ng maskara para makaya niya kahit konti ang kahihiyan na mararanasan nya ilang sandali nalang. Itinali naman ni Malambot ang buhok ni Marie ng mataas. Isinuot sa kaniya ni Matamis ang pulang maskara na may linings na ginto na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. Naluluha pa ito kaya niyakap namin siya at pinag-alis na ng saplot niya sa banyo at tanging bathrobe na lang suot niya nang lumabas. May luha na muling lumalabas sa mga mata nito. Napaiwas ng tingin ang kasamahan ko dito dahil sa awa. Ako naman ay inakay siya palabas papuntang likuran ng stage. Nandoon na si Madam at sumenyas na siya daw ang muna lalabas. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ni Maalindog at bahagya pa iyong nanginginig. Hinigpitan ko ang kapit dito na parang pinararating kong lakasan nito ang loob. Narinig kong nagsasalita si Madam sa may stage, ipinapakilala si Marie Belle.
“Good evening gentleman. May bago tayong Lasang Pang-Masa. Siya ay si Maalindog, bago at batang-bata sa edad na seventeen years old. Oh boy’s kalma.” natatawa pa nitong saway ng maghiwayan ang mga lalaki sa labas na parang asong mga ulol. Naramdaman ko na naman ang pagpatak ng luha ni Marie sa kamay ko. Napahinga na lang ako ng malalim. Narinig kong muling nagsalita si Madam. “Laking probinsya, inosente at…At…” pagpapabitin o pagpapatakam pa ni Madam sa mga customer.
Nanlaki ang mata ko nang i-announce ni Madam ang mga salitang iyon. Oh shit! Nanginig na si Maalindog lalo.
“At si Maalindog ay ALL AROUND! All in. Pasok Maalindog!”
Halos mabingi ako sa sigawan sa labas para silang hayop na gutom na gutom at hayok na hayok. Napapunta din sila Matamis, Malambot at Malinamnam maging ang iba pa naming kasamahan. Niyakap namin si Maalindog na lumuluha at kahit nakamaskara halata ang takot at kaba nito. Pinahubad ni Cherry ang roba na suot ni Marie Belle, tumambad sa amin ang kahubdan nito. Mabagal itong lumabas sa kurtina hatid ni Cherry. Mas lalong naghiyawan sa labas, may nagbabayad agad for reservation sa take home. Potek. Ano restaurant lang? May nagmumura at kung anu ano pa. Napailing na lang kami ng mga kasamahan ko bagama’t sanay na kami sa ganoong eksena.
“Masarap, panigurado ite-take out agad si Maalindog ano?” nag-aalalang sabi ni Matamis.
“Anong mali doon Matamis? Trabaho natin ito, alam naman niya siguro pinasok niya diba? At least...
next po