A wife’s regrets Finale


A wife’s regrets
Finale
Celeste
Dumating na ang araw na ayokong dumating ang araw ng libing ni Liam. Lahat kami triple ang lungkot na nararamdaman. Eto na yung huling beses na makikita namin ang mukha ni, Liam.
Hindi pa rin matanggap ng puso at utak ko na wala na si Liam. Wala na ang pinakamamahal kong asawa.
Mas gugustuhin ko pa na s*ktan niya ako physically o emotionally at least kasama ko pa siya. Hindi gaya ngayon na wala na siya sa tabi ko.
Hindi ko alam kung paano pa ako gigising ngayong wala na siya. Pipilitin kong maging okay kahit papaano.
Kanina ko pa nakikitang humahagulgol si Greyson sa kabaong nito. Sobra siyang nasasaktan sa pagkawala ng Kuya Liam. Before that affair, they were close to each other.
One time nga ng mapaaway si Greyson pinagtanggol pa siya ni Liam.
Nagbago ang samahan nila noong nalaman ni Liam ang tungkol sa affair namin ni Greyson. He was furious since that day. Dumating sa points na pinadukot ng dalawang beses ni Liam si Greyson at muntik pa niya itong ipaligpit sa mga tauhan nito. Pero dumating yung punto na napatawad na ni Liam.si Greyson kaso hindi na maibabalik ang samahan nila lalo na at wala na si Liam dahil sa aksidente.
Yung driver naman ng truck na nakabangga sa kotse ni Liam nasa kustodiya na ng pulis. Pinagbabayaran na nito ang maling nagawa niya. Hindi ako galit sa kanya dahil hindi naman niya ginusto ang mga nangyari.
Ang batas na lang ang hahatol sa kanyang nagawa.
“Kuya Liam, patawarin mo ako sa mga nagawa ko. I betrayed you. Inagaw ko ang asawa mo. Sinira ko ang marriage ninyo ni Celeste. Sana ako na lang ang nawala at hindi ikaw. You deserve to live.” malungkot na saad ni Greyson habang yakap ang kabaong ng Kuya Liam niya.
Lumapit ang Mommy ni Liam para yakapin siya.
“Hijo, kung nasaan man ang Kuya Liam mo napatawad ka na niya sa nagawa mo.”
“Mom, it’s my fault. I ruined their marriage.”
Lumapit ako kina Mommy at Greyson.
“He already forgave you Greyson.”
“Sigurado ka?”
“Oo, pinatawad ka na ng Kuya Liam mo. Maniwala ka sa’kin. Kaya huwag ka ng umiyak Greyson.”
Bago ang libing ni Liam nagkaroon muna ng misa sa simbahan. Mayroong eulogy din kung saan may kaniya kaniya kaming huling mensahe kay Liam.
Naunang nagbigay mg mensahe ang parents ni Liam at si Greyson. Huli akong nagbigay ng mensahe kay Liam
“Liam, nais ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita. Nangako tayo na magsasama tayo sa hirap at ginhawa pero ako yung unang sumuko. I had an affair with your brother. Pinagsisihan ko yun Liam I swear to god. If I could turn back the time hindi ko na uulitin yun. Kahit sa second life ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Sorry, sa mga maling nagawa ko at sana mapatawad mo pa ako. Naghihinayang ako na hindi na natin maibabalik ang dati dahil wala ka na sa piling...


ko. You are my only love. I love you and I will miss you so much. Don’t worry pipilitin kong maging okay para sa baby natin. Kahit wala ka na mananatili ka pa rin sa puso at isip ko. Thank you for being a good husband to me.Sana kung nasaan ka man masaya ka na diyan lalo na at kapiling mo na si Abby. Basta babantayan ninyo ako at magiging baby natin. Thank you and Goodbye Liam.”
Pinahid ko na ang mga luha sa mga mata ko. Lahat ng naroon sa chapel ay naiyak sa mga sinabi ko kay Liam.
Pagkatapos ng misa ay dumirecho na kami sa cementery. Sa tabi ng puntod ni Abby namin ililibing si Liam.
Lumapit na kami sa kabaong ni Liam at naghulog ng mga bulaklak bago ito ibaon sa hukay.
Pagkatapos ng libing umalis na ang mga bisita na nakipaglibing.
“Celeste, halika na umuwi na tayo sa inyo,” aya ni Rio.
“Hayaan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa sa ngayon.”
“Ikaw ang bahala Celeste.”
Naiwan ako mag-isa sa puntod ni Liam. Hinawakan ko ang lapida ni Liam sabay higa sa tabi nito.
“Ang daya mo naman eh. Iniwan mo agad ako at ang baby natin. Sabi mo babawi ka sa’kin pero paano na yun wala ka na sa tabi ko. Sayang hindi mo man lang makikita ang baby nating dalawa.”
“Sissy, huwag ka ng umiyak diyan!”
Pagtingin ko si Lauren. Akala ko nakaalis na siya.
“Hindi ba ngayon din yung flight mo sa Switzerland?”
“Sana kaso na moved ng next week. Kaya ngayon dito muna ako para samahan ka.”
“Thank you, Lauren.”
“Nothing Celeste. Sorry dahil sa ako pa ang humingi kay Liam na ipawalang bisa ang kasal ninyo.”
“Lauren, it’s all in the past. Kalimutan na natin yun. Let’s start a new beginning. Ano ng Plano mo?”
“My beauty product is going well. Planning to expand my store in Switzerland with the help of my Aunt based in Switzerland. Ikaw ba anong plano mo ngayon?”
“Palalakihin ko ang baby namin ni Liam. I will also start a new business. A clothing company. Pangarap namin yun ni Liam. Half of the money he gave ilalaan ko sa business.”
“I can help you to start that business. Nag-aral din ako sa France ng dressmaking. I can design clothes for your company.”
“Thank you, Lauren. You know my family has a publishing company. I can suggest na I featured sa monthly women magazine namin ang beauty products mo. I also have celebrity friends na pwedeng maging endorser ng beauty products mo.”
“Really? Thank you, Celeste.”
“We’re Sissy, right? We can help each other.”
Nakakatuwa na bukod sa pagiging magkaibigan ni Lauren magtutulungan pa kami sa mga business namin.
“Basta Celeste huwag ka ng malungkot. Just always smile. Hindi ka maganda kapag malungkot ka.”
“Okay, Lauren.”
Kung nasaan man ngayon si Liam sigurado sobrang saya niya na makitang maayos kaming dalawa ni Lauren. His ex-girlfriend is now my best Sissy.
Kahit kami ni Lauren hindi makapaniwala na magiging okay kaming dalawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top