Hanggang sa Muli”
(ONE SHOT STORY)
Writen by: πΌSunshine
Nakatingin ako ngayun sa bintana habang tinatanaw ang magandang pag lubog ng araw. Ramdam ko din ang malakas na hangin na tumama sa aking mukha.
“Jay..” napabalik ako sa ulirat nang may biglang tumawag sakin.
Humarap ako, at nakita ko ang taong nag pasaya sa buhay ko. Ang mga magandang mata nito ay kumikinam na parang bang. Mata palang niya ay sumisimbolong mahal niya nga talaga ako.
Lumapit ako sakanya at sinalubong ito ng mahigpit na yakap, yung parang ayaw ko na siyang mawala sa aking piling.
“Celine, natutuwa ako dahil nakasama kita ngayun. Antagal kitang hinintay, at ngayun nandito kana.”
“Jay.. Alam kong matagal kang nag hintay saakin, ngunit may mas malalim akong dahilan. Kung bakit hindi ako sayo humaharap araw-araw.”
Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating saakin. Ngunit bakit nga ba ako nakakaramdam ng kaba.
“Anong ibig mong sabihin Celine?”
“Jay, I have a Lung Disease! Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ko! Hindi ko alam kung kailan pa ko mag tatagal sa mundong ito! Ang tanging gusto ko lamang malaman ay kung tatanggapin mo pa ba ko bilang iyong kasintahan.”
At sa puntong ito, hindi ko na malaman kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya sakin. Hindi ko naman kasi alam na meron pa lang siyang pinag dadaanan. At hindi ko sukat akalain na tatamaan siya ng ganung sakit. Bakit pa kasi siya? Bakit!
“Shhhh.. Celine, S-syempre naman tatanggapin kita. Mahal kita, at kahit may sakit ka pa. Mamahalin kita ng buong-buo at hindi iyon mag babago dahil ikaw pa rin yan. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.”
Sunod-sunod ang pag daloy ng luha ko sa aking pisngi. Sinusubukan kong huwag umiyak, pero hindi ko maiwasan.
“You know what Jay, Mas mabuti pang mag hiwalay na tayo. Alam ko naman na makakahanap ka ng mas maayos saakin. Maraming mga ibang babae d’yan na pwede mong makasama pang habang buhay. Hindi katulad ko, malay mo nga bukas mawala na ako sa tabi mo. Kaya mas mabuti pang ako na ang unang mag papaalam sayo. Kaysa makita mo akong nakahiga sa kama at wala nang malay. Sana huwag mo kong kakalimutan. Mahal na mahal kita Jay, always remember that you are my sunshine. Dahil ikaw ang nabigay kulay sa aking buhay.”
“No! Hindi! Ayoko, hindi ako aalis sa tabi mo! Walang hiwalayan na mangyayari! Celine, please.. alam kong gagaling ka pa. Tiwala lang.”
Ayokong mawala siya sakin, kahit ano pa man yan tatangapin ko siya. At hindi ako makikipag hiwalay sakanya.
“Jay please, Just stay a way from me. I don’t want to see your face again. Because I remember the times that we spend a happy memories. I tried to forget it, but I can’t….”
May tumulong luha sakanyang pisngi nang sabihin niya iyon saakin. Alam ko naman na hindi niya kaya na mawala ako sa buhay niya, ngunit bakit niya naman ako ipinagtatabuyan.
“Look, Celine. Alam ko naman na gusto mo nang taposin ang relasyon natin. Pero kahit sa huling araw mo, pwede ba nating sulitin ang mga araw nag magkasama tayo. Payagan mo naman ako oh.”
Nakita ko naman itong napahawak sa kanyang sintido. At sumigaw ito na halos ika bingi ko na, dahil sa sobrang lakas.
“D*mn it! Bakit ako? Bakit ako pa yung binigyan mo nang ganitong sakit. Hindi mo ba naiisip na maraming taong umaasa at nag mamahal sakin. Tapos ngayun ganito yung gagawin mo? Masama ba akong tao?” Sigaw niya habang nakatingin sa kalangitan.
Hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin, hindi kasi siya tumitigil eh. Hindi ko pa rin nga siya napapa- payag na wag kaming mag hiwalay.
“Celine, I repeat. I LOVE YOU! At kahit ano ka man tatanggapin kita. Tandaan mo yan.”
Maya-maya...