Marriage Contract Chapter 3 Part 1


Almira
Until now hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa ng mommy ni Tyron aaminin ko medyo nasaktan ako hindi dahil sa pagbuhos ng wine o pagbato ng pera sa mukha kung hindi dahil sa mga masasakit na salitang binitiwan niya lalo na yung sabihan akong gold digger kung alam lang niya ang dahilan sa pagpatol sa anak niya.
Buong buhay ko ngayon lang may nanakit sa akin naalala ko noong buhay pa si mama kahit lamok ayaw niyang madapuan ako tapos ngayon sasaktan lang ako.
Buti na lang at pinagtatanggol ako ni Tyron kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Sinasabi ng puso ko na itigil na pero ang utang sinasabi na huwag isipin ang napagkasunduan isa pa malaki utang na loob ko kay Tyron dahil sa kanya nailigtas sa sakit ang anak ko.
” Ano Almira sinaktan ka ng nanay ni Tyron?! ” Hindi makapiniwalang sabi ng pinsan ko.
” Sige ilakas mo pa! ”
” Nabigla lang ako Almira sabihin mo nga address ng bahay ni Tyron para sugurin at kalbuhin ang hitad na nanay ni Tyron ”
” Kalma! Ang puso mo! ”
” Paano ako kakalma eh sinaktan...


ka ng nanay ni Tyron eh si tita nga noong buhay pa hindi ka nasasaktan tapos ngayon sasaktan ka ng nanay ni Tyron aba hindi tama yun huwag lang kami magkita tatakpan ng dyaryo ang katawan niya ”
” Tumigil ka na nga okay na ako isa pa naroon naman si Tyron para ipagtanggol niya ako sa mommy niya ”
” Talaga ginawa niya yun? ”
” Yes he do it! ”
” Aba hindi lang pala basta gwapo mabait pa biruin mo ipinagtanggol ka sa hitad niyang nanay ”
” Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya ”
” Kung ganyan lang naman eh itigil mo na ”
” No! ”
” Ano hahayaan ka na lang saktan ng nanay niya ”
” No way! Hindi ko hahayaang tapak tapakan at laitin ako ng iba lalo na ng mommy niya isa pa malaki ang utang na loob ko kay Tyron dahil sa ginawa niya nailigtas sa sakit ang anak ko ”
” Sabagay may point ka rin naman basta kapag sinaktan ka ulit laban lang ”
” Naman laban lang! Kung yung pagiging single mother nga nakaya ko eto pa kaya! “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top