🌺🌺🌺🌺CHAPTER THREE🌺🌺🌺🌺
Minsan isang babae ang nadatnan ni Crizelah Lily sa bahay na tinutuluyan nila ni Calvin, galing siya non sa Supermarket. Naka-hilig pa ito sa balikat ni Calvin, umalis lang nang makita siya.
“Crizzy si Lulu classmate ko noong college,” pakilala ni Calvin.
“Hi” napilitan siyang batiin ang babae.
“Binibisita ko lang si Calvin, nabalitaan ko kasi na ikinasal na siya. Hindi lang ako makapaniwala kaya pinuntahan ko. O sige aalis na rin ako eh.” Nakangiting wika ni Lulu. Pilipina ito ngunit tulad ni Calvin ay dito ito nagtapos ng pag-aaral at dito na rin nagka-trabaho.
“Dito ka na mag-lunch,” alok ni Calvin.
“Naku thank you, congratulation ulit.” Humalik pa ito sa pisngi ni Calvin bago tuluytang umalis.
Tinalikuran naman agad ni Crizelah Lily ang dalawa Biglang nawala siya sa mood.
Makalipas ang ilang minuto at sinundan ni Calvin sa kitchen ang asawa.
“O mukhang bad mood ka,” nakangiting puna nito.
Hindi siya umimik. Inayos niya ang grocery na pinamili sa Supermarket. Inilagay sa refregerator ang mga prutas at gulay na dala. Matapos iyon ay ipinasya niyang iwan ang lalaki. Akma siyang lalabas nang hawakan ni Calvin ang braso niya.
“Bakit?”
“Wala bitiwan mo na ako,” malumanay niyang sabi sa kabila ng pagkadisgusto sa nadatnang ayos nito at ng babaeng nagngangalang Lulu. Sa halip na bitiwan siya nito ay niyakap pa siya nito. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon.
“Calvin ano ba?” Piksi niya.
Bumangon na naman ang kaba sa dibdib niya dahil sa inasal ng lalaki. Wala namang nagawa si Calvin kundi bitiwan ang babae.
Minsan dumalo sa isang party si Calvin at isinama siya nito.
Nagulat siya nang isang babae ang sumalubong sa kanila at halikan nito sa labi si Calvin.
“Calvin natutuwa akong makita ka rito,” wika nito na umabresiete pa sa bisig ng lalaki.
“Sue siya si Crizzy wife ko, Crizzy si Sue.” Wika ni Calvin.
Nang malam nito na asawa siya ni Calvin ay agad itong bumitaw sa” bisig ng lalaki.
“Ex-girlfriend ni Calvin, “ dugtong nito sa pakilala ng lalaki sa kanya.
Naisip ni Crizelah Lily na heto na naman ang kontrabida sa buhay niya. Minabuti niya na humiwalay muna sa dalawa dahil baka hindi siya makapag-pigil ay makapag-eskandalo siya. Hindi niya kayang tanggapin na ganoon ka-sweet ang dalawa. Ilang tugtog na rin ang hindi pinalampas ng dalawa. Parating nasa dance floor at kapwa masaya.
Isang lalaki naman ang lumapit noon kay Crizelah Lily at nagyayang sumayaw sila. Pinaunlakan niya iyon. Palabiro ang lalaki at higit sa lahat gwapo. Nalaman niyang classmate din ito ni Calvin noong college. Pilipino rin.
“Napaka-swerte ni Calvin dahil nagkaroon siya ng asawa na tulad mo na napakaganda,” puri nito.
“Martin binobola mo naman ako,” natatwang tugon niya.
“Ok lang sa iyo ang ginagawa nila?” Tanong ni Martin na ang tinutukoy ay ang halos magkayakap na sina Calvin at Sue. Kanina pa kasi ang mga ito sa dance floor. Hindi naman halos gumagalaw nagyayakapan lang at naglalandian.
“Ok lang,” pinilit niyang ngumiti para ipakitang hindi siya apektado.
“Alam mo kung ako si Calvin hindi kita iiwan mag-isa sa isang tabi at kunin ng iba.”
“Talaga? Ang sweet mo naman.”
Sinadya ni Crizelah Lily na e-enjoy ang company ni Martin nang sandaling iyon.
Si Calvin naman ay hindi nagugustuhan ang pagiging malapit ng asawa kay Martin.
“Calvin hayaan mo na muna ang asawa mo kay Martin beside hindi ka rin naman niya pinakikialaman sa ginagawa mong pag-entertain sa akin,” wika ni Sue.
Hindi na pinakinggan ni Calvin ang iba pang sasabihin ni Sue, iniwan na niya ang babae at tinungo ang kinaroroonan ng asawa at ni Martin.
“O Calvin ikaw pala,” wika ni Martin nang biglang sumulpot si Calvin.
“Excuse tol pero uuwi na kami,” kinuha ni Calvin ang kamay ng asawa para umuwi.
“Pero Calvin…”
Wala ng nagawa si Crizelah Lily nang hilahin na siya ni Calvin patungong parking lot. Noon din ay nilisan nila ang lugar at bumalik sa bahay.
Pagdating doon ay akay pa rin siya ni Calvin patungo sa silid. Itinulak na ito na niya ito dahil hindi na niya nagugustuhan ang asal ng lalaki. Nabitawan naman siya nito.
“Ano bang problema mo?” tanong ni Crizzy sa asawa.
“Hindi ko gusto ang ginagawa mo kanina sa party,” tugon ni Calvin.
“Ganoon? Ano ba ang ginagawa ko na ikinagagalit mo? Teka naisip mo ba iyong mga ginagawa mo kung gusto ko rin? Calvin kung alam ko lang na hindi tayo magkakasundo sana hindi ako pumayag na pakasal sa iyo. Nasasakal ako!”
“Gusto ko lang ipaunawa sa iyo na kasal na tayo. Asawa kita Crizzy at nagsi-selos ako,” amin ni Calvin.
Natawa bigla si Crizelah Lily.
“Selos? Siguro nga noong mga bata pa tayo kaya nating unawain ang isa’t-isa pero sa totoo lang hindi tayo compatible. Itigil na natin ito. Ayaw ko ng…”
Hindi na naituloy ni Crizelah Lily ang iba pang mga sasabihin nang bigla siyang hapitin ni Calvin at siilin ng halik sa labi.
Napakamakapangyarihan ng halik na iyon. Bigla noong napawi ang lahat ng hinanakit niya sa lalaki. Napalitan iyon ng mabilis na tibok ng kanyang puso. My god kakaiba ang damdaming iyon sa lahat ng ,mga nararamdaman niya sa tuwing hinahalikan ng isang lalaki. Nang lumapat ang likod niya sa kama at magpasimulang maglakbay ang kamay ng lalaki ay saka nagbalik sa katinuan ang isip niya. Tinangka niyang itulak ito pero hindi ito natinag.
“Calvin please,” nanginginig ang tinig niya.
“What’s wrong?”
Hindi niya malaman ang isasagot sa tanong ng lalaki. Ang kaba at pagkalito ay hindi niya namalayang naging pagtugon at pagpapaubaya.
Kinabukasan tila ayaw magmulat ng mata ni Crizelah Lily. Naalala pa niya ang nangyari sa kanila ni Calvin nang nagdaang gabi.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Wala na sa tabi niya si Calvin. Tumingin siya sa wall clock, alas otso na ng umaga. Bumangon siya at nag-shower. Matapos mag-shower ay nagtungo siya sa dining room. Nadatnan niya roon ang lalaki.
“Mabuti gising ka na, kumain na tayo,” alok ni Calvin sa kanya.
Ipinaghain siya ng lalaki. Pinakiramdaman niya ang lalaki. Naisip niyang balewala rito ang nangyari sa kanila. Hindi ba nito nagustuhan ang nangyari? Ito naman ang una sa buhay niya ah, balewala ba rito iyon?
Ngumiti ito nang makitang nakatingin siya.
Nahihiyang binawi niya ang tingin.
Minsan hindi agad...
grabe
grabi ang ganda ng story😢 buong mag damag kung binasa ito💓💓