Author: Ren Salazar
Inayos ni Schiyev ang pagkahiga ni Zu. Mabigat man ang huli para sa kanya pero nagawa pa rin niya.
” Ummp!” Pinalo niya ng mahina sa legs si Zu. ” Pasaway ka. Nagpakalasing ka at umuwi ng gabi ng hindi man lang nagpapaalam. Hmmp!” Muli niya itong pinalo. Pati magkabilang pisngi nito pinagtatapik tapik niya rin. ” Hmmp!! Yan ganyan lang. Matulog ka lang ha at nang maaliw ako sa kakapalo sayo.”
Nasiyahan yata siya sa pagpalo palo kay Zu kasi hindi na niya napigilan ito. Naaliw sa bawat alog ng mukha ni Zu dulot ng pagtapik tapik niya.
” Hmm…nakakainis yang mukha mo. Ang gwapo gwapo. ” sabay kurot.
Maya maya ay tumigil saglit saka nagpatuloy muli. Pero nagulat siya nang biglang pinigilan ni Zu ang kanyang kamay.
” O?” Gulat na sambit niya.
” Nasisiyahan ka ata sa ginagawa mo ah. ” Sabi ni Zu na nakatitig kay Schiyev.
” Ehhhe..sory. Nagising kita. Ok na ba pakiramdam mo?”
” Kanina pako gising. Hinayaan ko lang kayo ni Dome na iakyat ako rito. ”
” Ano?!”
” Mm..” tango ni Zu.” Nahihiya kasi ako sayo kaya nagkunwari akong lasing na lasing. Pero ang totoo,kaya ko pa naman.”pag aamin nito. Simula kanina ay gising pala siya at nakikinig lang.
” Eh,bakit ka ba nahihiya sakin? May kasalanan ka ba? Maliit ba o malaki?” Sunod sunod na tanong ni Schiyev sa kanya.
Walang imik na ginanap ni Zu ang mga kamay ni Schiyev at seryosong tinitigan.
” Sorry….” Isang salita pa lang at napaluha na si Zu. ” Ahhmm…sorry.”
” Nag sosorry ka ba kasi may bagay akong tungkol sayo na hindi ko alam?”
” Schiyev…..” Nagsunuran sa pagpatak ang mga luha ni Zu.
” Uy! Ano ka ba? Tinatanong lang naman kita ah. ” Ngumiti siya kay Zu.
” Si..si Hanz….” Panimula ni Zu. Handa na yata siyang ipagtapat sa asawa ang tungkol sa kanila ni Hanz.
” Si Hanz….siya ba yong ex mo?”
Nagulat si Zu nang itanong ni Schiyev iyon sa kanya. Paano niya nalaman?
” Zu…alam ko na yan. Narinig kong lahat kanina. ”
” Ka..kanina? Sa bar? Wala ka naman don ah?”taka ni Zu.
” Uy…andon ako. Nasa telepono nga lang ni Dome. ”
” Whaatt?!”
” Yes! Pinarinig sakin ni Dome ang lahat habang nasa linya ako. I didnt tell him to do that. Naawa siguro si Dome sayo. Marahil nakita niya na nahihirapan kang talaga kaya ginawa niya iyon.”
” Ga…galit ka ba?”nag aalala si Zu sa magiging reaksyon ni Schiyev.
” Sa tingin mo?” Nakapameywang pang turan ni Schiyev na halong seryoso ang mukha.
Bumangon si Zu at nilapitan ng maigi si Schiyev.
” Yoebo…so…”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang sinakop ni Schiyev ang labi niya ng walang anu ano.
” Hindi naman ako galit,Zu. Bahagi na lang siya ng nakaraan mo kaya wala ng kaso sakin yon. Sabi ko nga sa iyo diba? Ako yung kinabukasan at hinaharap mo. Kaya bakit pa natin balikan ang isang bahaging yon. Kalimutan mo na lang siya.”
” Pero,Yeobo…pilit niya kong inaagaw sayo. Anong gagawin ko?” Parang bata naman siya sa kanyang itsura ngayon. Labis na nag aalala sa maaaring gawin ni Hanz.
” Magpapaagaw ka naman ba?”
” Hindi.” Sabi niya.” Ikaw na ang mahal ko ngayon. Ikaw lang. At ikaw lang.”
” Eh,di tapos na ang usapan. ” Umayos si Schiyev sa pagkakahiga at hinila si Zu palapit sa kanya. ” Ah..Zu.”
” Hmm?” Pinaunan niya si Schiyev sa kanyang braso.
” Pwede mo ba akong samahan bukas?”
” Saan?”
” Basta….may kukumpormahin lang ako.”
” Kukumpormahin?” Gulat na napatingin si Zu sa kanya. ” Yeobo….huwag mong sabihing….kakausapin mo si Hanz bukas.”
” Hahaha..hindi no. ”
” Eh,saan?”
” Basta. Malalaman mo bukas. Good night na,Yeobo kong maganda na…gwapo pa.”
” Ano? Anong maganda na at gwapo pa? Nagbago nako ah. At dahil yon sayo.”
” Alam ko. Ang ibig kong sabihin…maganda na ang katawan,gwapo pa. Diba? Tama naman ako.”
” Ah..kala ko..”
” Hmm! Matulog na nga tayo.”
Kinabukasan…..Maagang nagising si Schiyev. Maaga ring naligo. Inunahan pa niya si Zu sa paggising. Excited kasi siya sa pupuntahan nila ng huli. Mag papa check up siya sa isang kilalang OB ng kanyang katrabaho. Nirekomenda ito sa kanya dahil dito rin ito nagpatingin.
” Zu….gising na. ”
” Umm…maaga pa ah.”
” Sige na. Maligo...