#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🥀Step POV
(Mabait na Stephanie)
Kinabukasan ay Nakalabas na ako ng hospital. Hindi ko na alam kong ano na ang mga sumunod na nangyari mula ng makatulog ako. Kung nagpakita ba si Tiffany kay Andrew kagabi. . Pero sa tingin ko nagpakita sya kasi pagkagising ko kasi hawak hawak ni Andrew ang kamay ko. Bigla tuloy akong nagtaka. May relasyon na ba sila ni Tiffany? Kasi kung wala bakit pag gising ko magkaholding hands na kami ni Andrew.
Ano ba itong naiisip ko.
Pagkabalik namin sa Mansyon ay sinalubong kami ni Lola.
“Magpahinga kana iha sa kwarto mo.”
Sabi ni Lola saakin
“upo lola.”
Pumasok na ako sa kawarto ko. Wala akong mapaglibangan kaya naisip kong ituloy nalang ang pag babasa ko sa Diary ni Megan.
“Dear Diary…. malungkot ako ngayon dahil pakiramdam ko hindi ako mahalaga kay Vensent mas pinapahalagahan nya ang kapated nya. Oo nagsisilos ako sa twing magkasama sila ako kasi yung napag iiwanan Hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ni Venzent. ”
Bigla akong nagulat sa mga nabasa ko.
“Hala! May kapated pala si sir vensent. Sino kaya ang kapated ni Sir vensent. Mukhang maalagain talaga si Sir. vensent. Inaalala nga nya ako kahit d nya ako kapated. Bakit puro nalang kay vensent ang nakalagay bakit wala syang sinulat para kay Andrew? Kawawa naman si Andrew. Kung hindi nya mahal si Andrew bakit sya pumayag na magpakasal ?. Baka nman pinilit lang si Megan sa pagpapakasal. Tapos tumakas si Megan at dina nagpakita? Nakapagtataka talaga! ”
Bigla akong nauhaw sa pagbabasa ko kaya naisipan kong bumaba para uminom ng tubig.
Pagkalabas ko ay napatingin ako sa pintuan ni Andrew.
Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
” Anong mayroon sa pintuan ko at titig n titig ka?” Pagtatakang tanong saakin ni Andrew
“Curious lang kasi ako.”
“Saan ka naman nacucurious? Sa pintuan ko?” Patawa nyang sabi
“Bakit ganon Nagmamahalan si Megan at vensent pero bakit ikaw ang pinakasalan ni Megan?”
Napatanong na ako sa kanya. Gusto ko lang kasing malaman amg tungkol don.
“Tinatanong paba yun. Pinakasalan ako ni Megan dahil mahal nya ako. ”
Pagyayabang na sabi ni Andrew
“Siguro? 3rd party ka sa pagmamahalan nila?”
Biglang ngumisi si Andrew
“Hindi ako ako naging 3rd party. At hindi ko kasalanan kung bakit naging malabo ang relasyon nila. Ang alam ku lang mahal na mahal ako ni Megan. Nababal*w sya saakin. Ganon nya ako kamahal”
Mayabang nyang sabi.
Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi nya. Dahil ang mahal ni Megan si Vincent
“wala naman syang nabanggit na pangalan mo sa diary nya. Puro si vensent lang ang nasa diary.”
Sabi ko sa kanya para mawala ang kayabangan nya.
Pagkarinig nya sa sinabi ko ay napatingin sya ng masama saakin
” Paano mo nakuha ang Diary nya? Bakit mo pinapakia alaman ang mga gamit nya?” Inis na sabi ni Andrew
“Binasa ko lang naman ang Diary nya. Gusto ko lang naman kasi malaman kong may nababanggit sya tungkol sa pagkatao ko.”
“Ibigay mo saakin ang Diary nya!”
Galit nyang sabi.
“Oo na sandali. Kainis to! ”
Bakit ko pa kasi binanggit banggit yung diary. Hindi pa ako nakakalahati sa pagbabasa kainis
Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha ang Diary para ibigay kay Andrew
“ayan na ang Diary ” inis kong sabi at ibinigay kay Andrew
“Sa uulitin wag kang bumabasa ng diary na hindi sa iyo.”
Inis na sabi saakin ni Andrew. Ano kaya kong inisin ko. Para mas lalong mainis. Masubukan nga!
” Hinay hinay lang sa pagbabasa sa Diary na yan baka mawasak ang puso mo pag nabasa mo ang laman ng Diary.” Pang iinis kong sabi
“Hindi ko ito babasahin. . Itatago ko.”
Pumasok na sya sa kwarto nya. . Hindi ko alam pero kusang sinundan ng mga paa ko si Andrew papasok sa kwarto nya.
“Hoy! Bakit mo ko sinundan?”
Gulat na sabi ni Andrew.
“Maari mo ba akong kwentuhan tungkol kay Megan!” Lakas loob kung sabi sa kanya.
” Bakit ba gusto mong malaman? Hndi mo naman ako tutulongan sa paghahanap sa kanya. ” Inis nyang sabi saakin.
“Gusto ko lang malaman ang tungkol sa love story nyo. Kung paano kayo nagsimulang umibig sa isa’t isa. Curious lang kasi ako. ” Pamimilit ko sa kanya.
Isang malakas na buntong hininga lang ang ginawa ni Andrew
“Ayaw ko. Lumabas kana nga.!”
Kinaladkar pa ako ni Andrew para lang makalabas sa kwarto nya.
“Ang sama ng ugali mo. Paano ka naman nagustuhan ni Megan sa pag uugali mong yan.” Inis kong sabi
“Ang pag uugaling tu ang unang nagustuhan saakin ni Megan. ” Pagmamayabang pa nyang sabi.
“Hindi nakaka inlove ang pag uugali mong yan. ” Inis kong sabi.
“Watch your mouth. Alam ku inlove ka din saakin.” Mayabang nyang sabi.
Ako? Maiinlove sa kanya? Ang feeling naman nya.
“Ang kapal ng mukha mo ako inlove sayo. Asa kapa! Hindi ako maiinlove sayo. Bakit mo naman nasabi na inlove ako sayo? ” Inis kong sabi
“Dahil ganyan ganyan din si Megan noon saakin. . Ang kulit nya. Papansin lahat gagawin mapansin ko lang sya. At ganon ka ngayon. Kaya malamang may gusto ka saakin. Dahil nagiging linta kana lately katulad ni Megan.”
Ang yabang nyang magsalita. Kung makapagsabi na mahal na mahal sya ni Megan. Akala mo naman maniniwala ako! Kung mahal sya ni Megan di sana hindi sya iniwan ni Megan.
“Hoy hindi ako yung linta dito.. baka ikaw. Kahapon nga ayaw mong bitawan ang kamay ko. O sino na saatin ang linta.” Pang iinis kong sabi sa kanya.
” Hoy! Hindi mo ba naalala sinalba ko yang...