#Mystery_Triller_Romantic_Revenge
💚Vincent POV
Hindi ako mapakali ilang araw nang hindi nag tatrabaho si Stephanie. Alam kung may masama syang binabalak. At yun ang kailangan kong malaman kung ano ba ang binabalak nya sa pag babalik nya
” Kumusta na kaya si Stephanie. . Dalawang araw ko na syang hindi nakikita. . Hindi… hindi ko dapat sya iniisip kailangan kung magfuccus sa trabaho. . ”
Nang biglang nang Ring ang Cellphone ko. Sinagot ko na ang tawag baka kasi magtampo pa saakin si Hena pag di ko sinagot ang tawag nya.
” Hena! Bakit napatawag ka?.. mamaya kana tumawag busy kasi ako… (iyak lang ang naririnig ko sa kabilang linya.) Hena may nangyari ba sabihin mo. …… Ano Nagsabunutan kayo ni Stephanie? ……. ano bakit mo yun nagawa…. hintahin mo ako pupunta ako jan… ”
Nagmadali akong lumabas. Para puntahan sila. Bakit ba nagkatagpo ang dalawang yun parihong mga maldita.
“Sir saan po kayo pupunta?” Tanong saakin ng isa kung impleyado
“Sa mansyon may kailangan akong puntahan doon. Kayo mona ang bahala dito.”
“Opo Sir.!”
Nagmadaling na akong sumakay sa koste ko at umalis na papunta sa mansyon.
Papasok na ako sa loob ng mansyon at nakita ako ni LOLA.
” oh! Naparito ka ata iho? ” Tanong saakin ni Lola.
“Tinawagsan po ako ni Hena.” Pagdadahilan ko pero ang totoo si Stephanie talaga ang pakay ko sa mansyon
” Inabala ka nanaman ba ng batang yun. Sana hindi mo na sya pinansin. Alamo naman yun mainitin ang ulo kaya napapaaway. Pagpasinsyahan mona ang apo ko. Naabala ka tuloy sa trabaho.”
“Hindi naman po sa ganon. Stephanie. Hindi po ba sya nasaktan.”
” Ok naman daw sya. Hindi daw sya nasaktan. ”
“Hindi po ba sya babalik sa trabaho?” Lakas loob kong tanong kay Lola. Mas makakabuti kong lagi ko syang nababantayan. Mahirap na baka kung ano ang masama nyang gawin. Kailangan ko syang bantayan.
“Plano ko sanang wag syang pabalikin kaya lang makakabuti sa kanya na wag mona nyang makasala muha si Hena. Hindi sila magkasundong dalawa.”
“Baka yun po ang makakabuti. Para din po mabantayan ko po si Stephanie . ”
“Akala ko dimo ako pupuntahan” sabay yakap pa saakin ni Hena.
Nakita ko naman si Stephanie na pababa na ng hakdan. Masama ang tingin saamin ni Hena. Mukhang nagsisilos sya.
Ayaw na ayaw kasi nyang may kahati sya sa lahat.
Kita ko sa mukha nya ang pagka inis. . Babalik sana sya sa taas kya lang ay tinawag sya ni Lola.
” Sandali lang iha.”
Napahinto namn si Stephanie sa pag akyat at lumapit na saamin.
“Bakit po lola.”
“Nandito si vensent para sunduin ka.”
(Nagreact naman si hena)
“Mali po kayo ng iniisip lola. Nandito si vensent ko para saakin. Hindi para sunduin ang babaing yan.” Inis na sabi ni Hena kay Lola
“Tama na hena. Pariho ko kayong pinuntahan dito. Pumunta ako rito para makita ka at para sunduin din si Stephanie..”
” pero bakit? Kailangan mo pa syang sunduin? Hindi ka naman nya driver or body Guard ”
Pagririklamo ni Hena
“Si Stephanie ang taga pagmana kaya kailangan nyang mag pahated sundo”
“Pero bakit si Vincent. Bakit d nalang kayo kumuha ng iba.”
“Si Vincent lang ang pinagkakatiwalaan ko para kay Stephanie. . Matagal na silang magkaibigan kaya mapapanatag ako pag si Vincent ang kasama nya. Sigi na iha mag ayos kana.wag monang intindihin si hena..”
“upo lola. ” Agad na sumonod si Stephanie .
🌺Tiffany POV
Bigla akong nainis ng makita kong yakap ni Hena si Kuya Vincent. Akala ko ba ako lang ang ituturing nyang kapatid pero bakit mas priority parin nya si Hena.
Naiinis...