#My_Psychopathic_Girlfriend
(Season 2)
💢Chapter 1💢
Limang taon na rin ang lumipas ng Umalis ako ng pilipinas. Kahit nga dito sa America hindi ko parin matakasan ang masamang kahapon sa buhay ko.
Binabangongot parin ako ng isang masamang alalala na kahit kailan diko makakalimutan. Mula pagkabata at hanggang ngaun nasaakin parin ang kirot at sakit na nararamdamn ko. Kahit anong gawin ko hindi parin ako nakaka move on. Gustong gusto ko parin maghigante.
Un ang bulong ng isipan ko. I want Revenge, sa lahat ng taong sumira sa buhay ko. Sino sino nga ba sila?
Una si Lola si Papa si Mrs Vanisa.
Si mrs.Vanisa na hanggang ngaun nasa kulongan parin. Pero balita ko malapit nang makalabas sa kulongan. .
Siguro akala nila napatawad ko na sila. Ang totoo nyan gustong gusto ko silang Gantihan Pero dko magawa dahil mali. Masama at alam ko hindi ako masamang tao. Masama ang maghigante.
Limang taon na din ng malaman ko ang nangyari kay megan. Namatay sya sa panganganak. Dahil mahina daw ang puso nya kaya d nya nakayanan ang panganganak.
isang malusog na anak ang iniwan nya kay Joshua. Mag isang inalagaan ni Joshua ang anak nila.
At Sa pagkakaalam ko hindi hinayaan ni lola na umalis sa mansyon si Joshua. Mahal na mahal kasi ni Lola si Joshua at gustong gusto ni Lola na alagaan ang anak ni Joshua.
binigyan ni papa ng isang restawran si Joshua . Ang Restawran ng dati naming pinagttrabahuan. Binigay yun ni papa kay Joshua para sa bagong buhay nilang mag asawa pero dahil sa nangyari kay megan. Mag isa nalang si Joshua na imanage ang restawran.
Isa din sa malaking inuwian ko ang pagpapakasal ni Yuri at Vensent sempre hindi dapat ako mawala sa kasal ng dalawang iyon.masaya ako sa pagpapakasal sa kanila.
At sa wakas nandito na ako sa pinas. Walang sumondo saakin tulad ng dati. Dimo na ako tumoloy sa mansyon ayaw kong makita ang pagmumukha ng kapated kong si Hena naiirita lang ako pag nakikita sya.
Ang baliw kung kapated. Nang malaman nya na kapated nya si Kuya vensent halos mabaliw yun pero buti tanggap naman nya. Ang katutuhanan na magkakakapated kami.
Kung pag uusapan ang Love story ko. Gustong makipagbalikan ni Andrew pero mas gusto kung mag isa nalang sa buhay. Sigi na nga aaminin ko na Oo mahal ko parin hanggang ngaun si Joshua. Mahal na mahal ko parin sya hangga ngaun.
At dito magsisimula ang bagong kwento ng buhay ko. Isang magulong at mysteryo kwento.
Pumunta ako sa apartment ni kuya Vencent doon mona ako tutuloy sa kanya.
Namiss ko syang asarin.
Laking gulat nga nya ng makita ako. Ung parang nakakita ng multo. At mukhang ayaw pa nya akong ewelcome.
“hindi mo ba ako ewewelcome? ” Mataray kung sabi sa kuya ko na gusto kung asarin.
“Bakit dimo sinabi na darating ka” Mukhang dismaya sa pagkakita saakin. Ayaw ba akong makita ng kuya ko?
” Nasuprisa ka ba?” Nagsisimula na akong mang inis.
” Bakit dito ka pumunta.” Seryusong sabi kay Janella.
Pumasok na ako sa loob ng apartment nya mukha kasing ayaw nya akong patuloyin. Kaya pumasok na ako.
“Limang taon na taung hindi nagkita sempre ikaw ang una kung gustong makita. I miss u talaga Kuya.. napagud ako sa biyahi kaya magpapahinga mona ako. Nakakadismaya akala ko pag makita mo ako...
next po plss🥺