The Broken Wife
Chapter 13
Serenity
It’a been a month. Ayos na lahat ng preparasyon sa aming kasal ni Ryker. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal namin ni Ryker. Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. Totoo pala ang sabi nila na kapag araw ng kasal mo ay para kang masusuka. Hindi ko nga alam kung nakatulog ako o hindi dahil madaling araw pa lang ay gising na ako.
Pagtingin ko sa aking maid-of-honor na si Janice ay mahimbing pa siyang natutulog. Buti pa siya ang sarap ng tulog niya. Pisilin ko kaya ang ilong niya nang magising din siya. Natawa ako sa aking naisip at kinuha na lang ang aking cellphone para malibang ako.
Nandito kami ngayon sa isang hotel kung saan nandito ang pamilya ko, pamilya ni Ryker at mga bridesmaid at groomsmen para maaga kaming maayusan. Alas-dos pa kasi ng hapon ang aming kasal at marami kaming gagawin kaya maaga kaming gigising. Kinukutingting ko lang ang aking cellphone hanggang sa sumapit ang alas-sais ng umaga.
Ginising ko na si Janice at bumangon na ako sa aming kama sabay dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita kong hindi pa gising si Janice kahit ginising ko na siya.
“Hoy! Janice! Gising na!” Palo ko sa kanyang binti at nag-inat ng kanyang mga kamay.
“Oo na gigising na. Pasensya naman. Ang sarap kasing matulog dito sa kama. Iuwi ko na lang kaya ito.” Inikotan ko siya ng aking mga mata.
“Baliw ka rin. Bumangon ka na riyan at maaga pa tayong aayusan. Alas-siyete ay nandito na iyong mga mag-aayos sa atin kaya bilisan mo.” Tumayo siya.
“Okay. I’m getting up. Ayie! Excited ka lang ikasal sa mapapangasawa mo eh. Alam mo dapat nagsiping kayo kagabi.” Pinalo ko siya sa braso at natawa lang siya.
“Ang bad mo. Bawal ngang magkita ang ikakasal bago ang kanilang kasal.” Sumimangot siya.
“Asus. Pamahiin lang naman iyon.” Tinulak ko siya papunta sa banyo.
“Pumunta ka na nga.” Tumawa lang siya bago siya pumasok sa banyo.
Pagkatapos ay dumating na rin iyong mga make-up artist namin at sinimulan na nila kaming ayusan.
“Ay! Ang ganda mo naman madam. Pagagandahin kita lalo para main love pa sa iyo iyong mapapangasawa mo,” malanding sambit ng bakla.
“Salamat,” sabi ko.
Nang matapos nila kaming ayusan ay kinuhanan kami ng kunting litrato at nagkaroon kami ng photo shoot. Ginugol namin ang ilang oras sa photo shoot hanggang sa magpananghalian na.
Nag-order sila ng Jollibee at masaya kaming kumain ng aming pananghalain. Excited na ako at hindi ko pa nakikita sila Ryker. Nang matapos kaming kumain ay kunting re-touch na at naghanda na kami para sa wedding gown. Malapit na kasi ang alas-dos kaya kailangan na rin naminh magmadali at baka ma-late kami sa simbahan.
Tinulungan ako ni Janice para isuot ang aking wedding gown.
“Ang ganda mo! Naiiyak na ako.” Sabay paypay ng kanyang kamay sa kanyang mukha.
“Baliw.” Tinawanan ko siya.
“I’m so proud of you. Ang dami mong pinagdaanan tapos sa huli ay may nahanap ka nang para sa iyo talaga.” Naluha ako ng kunti sa sinabi niya.
“Oo nga. Sino ang mag-aakala na ikakasal ako.” Ngumiti ako sa kanya.
Pagkatapos kong magpalit ay kunting photo shoot lang ulit at oras na para sa kasal namin. Kasama ang aking ina at ama ay sabay kaming sumakay sa bridal car.
“Anak masaya ako na ikakasal ka na.” Kita ko ang galak sa mga mata ng aking ina.
“Tatandaan mo na kahit anong mangyari ay nandito pa rin kami para sa iyo kahit may pamilya ka na.” Pisil ng aking ama sa aking kamay.
“Ma, Pa, salamat ho.” Nginitian ko sila.
Pagdating namin sa simbahan ay inayos ng wedding coordinator ang aming pila. Narinig kong tumunog ang aming wedding song at nagsimula na silang magmartsa. Kinakabahan akong tumingin kay mama at papa at nang papasok na ako sa simbahan ay tumigil muna ako saglit.
“Teka po. Kinakabahan ako.” Nagsimula na akong maluha at pinipigilan kong umiyak.
Hindi ako naiiyak dahil sa lungkot pero naiiyak ako sa tuwa at kaba dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Pakiramdam ko ang haba ng lalakarin ko. Nang malapit na ako sa altar ay nakita ko na ang mukha ni Ryker na nakangiti. Paglapit ko sa kanya ay inabot ng aking ama ang aking kamay sa kanya.
“Iho ikaw na ang bahala sa anak namin. Sana alagaan, mahalin at respetuhin mo siya. Pinapaubaya ko na siya sa iyo.” Bilin ng aking ama.
“Opo ‘Pa pangako.” Ngumiti si Ryker saka bumaling ang kanyang tingin sa akin.
Pagharap namin sa altar ay hindi tumigil ang mabilis na tibok ng aking puso.
“We are gathered here today for the wedding of Ryker Faron and Serenity Torres. May tumututol ba sa kasalanan nila?” tanong ng pari.
“Wala po father! Wala nang babae si Ryker kaya safe na siya!” rinig kong sigaw ni Jack at natawa kaming lahat sa sinabi niya.
(Fast Forward na sa Wedding Vows)
“Ryker, in the short time that we’ve known each other, I felt your unconditional love for me. You tried to court me many times until I fell in love with you. Tinanggap mo ang pagkatao ko at sana matanggap mo rin ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung swerte ako o isa kang anghel na hinulog ng langit para makasama ko habang-buhay. I just want to say thank you, and I love you so much.”
“Ever since I met you, my whole world changed drastically. From being a playboy to a one-time guy, who fell in love with a woman like you. I can’t promise that we won’t be having misunderstandings, but I know that we can work this out. I also know that I can’t give you always...